Parallel

2K 115 9
                                    



Mabilis na nakapalagayan ng loob ni Peya ang tatlong magkakaibigan. Ngayon ay magkakasabay na silang naglalakad pababa ng mala-hagdang parte sa gitna ng malawak na silid. Napakagaang kausap ng mga ito kahit pa pilit pa rin siyang kinukumbinsi patungkol sa kaibigang inirereto.

"Sige na, mabait naman 'yang si Anthony, saka guwapo, wala ka ng hahanapin sa kaniya," pahayag ni Aika na nakasukbit ang kaliwang kamay sa kaniyang braso.

"Oo nga, medyo tanga lang 'yon sa pag-ibig, pero matalino naman 'yon sa acads. Perfect siya para sa 'yo, 'di ba matalino ka?" turan ni Kylie na nasa kanan niya.

"Meet mo siya sa park mamaya, ha?" Habang nagsasalita ang nasa likod na si Jammy ay abala naman sa hawak na phone.

Papalabas na sila sa malaking pinto nang may biglang sumalubong.

Napatili si Kylie at Aica na parehong nagulat sa pagsulpot ng lalaki na parang multo.

Nasa mukha naman ng lalaki ang buong pagmamakaawa. Nakanguso ito at halos maluha-luha. "Peya?"

Gulat na napaturo si Kylie sa lalaki. "Hindi ba siya 'yong nasa university webpage palagi?"

Iniangat ni Jammy ang hawak na phone sa tapat ng mukha ni Jake upang ikumpara. "Siya nga 'yon! 'Yong na-coma," bulalas nito saka napatingin sa kaniya. "Cassiopeia? Kung ganoon, si bagong friendship pala 'yong hinahanap sa post kanina?"

"Wow! Hindi mo naman sinabi sa amin na taken ka na?" pahayag ni Aika na nasa tinig ang pagtatampo.

Kaagad naman siyang tumanggi na marahang iwinagayway pa ang dalawang kamay. "H-hindi."

"Girls, mauna na kayo, may pag-uusapan pa kami ng girlfriend ko," pahayag ni Jake sa preskong tinig.

"Naku, Bes, una na kami, ha?" paalam ni Aica at bahagyang kumaway na lang din ang dalawang kaibigan nito, saka naman nagmamadali nang lumakad palayo.

Sa kabila ng pagdistansya ng tatlo ay hindi pa rin maiwasang mapalingon sa kanila.

"Girlfriend?" Napakunot naman ang kaniyang noo.

"Pauwi ka na, 'di ba? Naku, tamang-tama, hinihintay ka na namin-"

"Alam mo, Jake," panimula niyang napatingin sa ibaba. "Hindi ko alam kung tama pang makipagkaibigan ako sa 'yo. Ang daming masamang bagay na nangyari sa inyo nang dahil sa akin. Hindi naman makapal ang mukha ko para ipagpatuloy pa ang-"

"Anong masamang bagay? Ang pagkakaaksidente namin? Isinisisi mo 'yon sa sarili mo?" Napatawa ito. "Paano naman mangyayari 'yon? Wala kang kasalanan doon."

"Wala ka bang kahit na anong naaalala?" wika niyang napapikit kahit nakatungo pa rin. "Tama. Hindi mo na dapat pang maalala 'yon."

"Kung ayaw mo akong kaibiganin, eh 'di huwag mo," bulalas nito kaya napatingin siya sa lalaki. "Jowain mo na lang ako." Pilyo naman ang ngiting sumilay sa mukha nito.

"Puro ka talaga kalokohan," bulong niyang naglakad na sa koridor patungo sa labas ng gusali.

Sinabayan naman siya nito. "Hindi mo ba itatanong kung anong nangyari sa akin sa loob ng isang taong wala ako rito. Hindi ka ba interesado?"

Paano namang hindi? Samantalang, labis-labis ang pag-aalala niya para dito.

"Totoong nagkaroon ako ng ilang bagay na hindi ko maalala, at isa ka na roon. Kaya noong magising ako, hindi kami agad nakauwi rito," pahayag ni Jake, dahilan para mapalingon siya.

Nagpatuloy naman ang lalaki. "Sabay kaming nagising ni Milagros at nakakapagtaka nga na after ng ilang araw lang ay nakalakad na kami. Kaya nga noong maalala kita the other day, kaagad kaming nagpa-book ng tiket para makabalik dito. Kanina lang kami dumating at dito kami dumiretso para hanapin ka-"

In Another Life: The Other Side Of The Parallel (Wattys2020 Winner)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu