EPILOGUE

4.7K 102 32
                                    

Epilogue na siyaaa!

Enjoy reading~

==========

[ Fiera's POV ]

Nagising ako sa pamilyar na lugar. Kulay puti ang buong kwarto. Nasa clinic ako ng Mystinious Academy.

"Shit. Thanks god you're awake." Nagulat ako sa biglaang pagyakap sakin ni Ace. Napangiti ako. OA talaga ng lalaking to.

"Ang OA mo naman. Nawalan lang ako ng malay eh." Natatawang sabi ko.

"Tch. OA na kung OA. Mahal kita eh." Sabi niya at ikinapula nanaman ng pisngi ko. Peste ang hilig niya talagang pinapakilig ako.

"Goood morniiing!" Pumasok si Patty at Ynah na may dalang flowers at mga prutas. Then kasunod nila yung dalawang boys. Si Kaizer at Luke.

"Kamusta ka na Fiera?" Tanong ni Ynah.

Nginitian ko siya. "Okay na ko wag na kayong mag alala."

"Mag pagaling ka huh. Pakakasalan pa kita." Napatingin ako kay Ace. Kasal agad?

"Tayo din Patty patootie pakasal na tayo." Sabi ni Luke at binatukan naman ito Patty.

"Tayo Kaizer? Hindi ka pa ba mag popropose?" Sabi ni Ynah kay Kaizer.

"Bakit sasagutin mo ba ko?" Tanong ni Kaizer.

"Aba oo naman!" Sagot ni Ynah at ayun, nag landian na yung dalawa.

Pinagmasdan ko sila.

Masasaya ang mga taong nakapaligid sakin. Sila ang nag bibigay ng pag asa at lakas sakin nung mga oras na walang wala ako. Ang mga taong ito ay masasabi kong pangalawa kong pamilya. At itong academy ang ikalawa kong bahay.

Kahit anong problema ang harapin ay sabay sabay namin itong lulutasin. Kahit anong mangyari ay kapit bisig kaming lahat. Mag tutulungan at hindi pababayaan ang isa't isa.

Hindi ko na kailangan ng mga perpektong kaibigan. Sapat na ang limang tao na nasa harap ko ngayon. Alam kong totoo sila kahit konti lang kami. Kahit na konti kami. Ang importante.

MAHAL KO SILA.

Hinding hindi sila mawawala dito sa kwento ng buhay ko. Tumanda man kami ay walang mag babago. Mag kakaibigan parin kami kahit sa kahuli hulihang hininga ko.


( 16 years later )


Mahabang panahon na ang lumipas, marami nang nag bago. Nawala at dumating. Si Fiera na ang naging Headmistress ng Mystinious academy at si Ace naman ang naging Headmaster. Nagkaroon sila ng dalawang anak na nag ngangalang Pinky at Red na sa Mystinious Academy din nag aaral.

Sila Patty, Ynah, Luke at Kaizer naman ay naging isang magaling na trainer ng academy.

Naging masama na ang lahat, bumalik na ang kapayapaan sa kanilang mundo. Walang gulo at problema. Tanging katahimikan at kapayapaan.

Sa nangyari sa kanilang buhay, natuto silang lumaban at ipaglaban kung ano ang tama. Patuloy ang suliranin na patuloy din nilang nilalabanan. Dumating ang malaking delubyo sa kanilang buhay pero dahil sa kanilang pag asa, pananalig at pag tutulungan ay nananig ang kabutihan.

Ito ang patunay na sa kabila ng KASAMAAN, may isang FIRE PRINCESS na handa kang ipag laban.


  - THE END -







==========

YOOOOOW!
Sa wakas natapos ko na din to. Maraming salamat po sa walang sawang sumuporta dito kahit na minsan ang tagal ng update. So ito na siya, tapos na.

I LOVE YOU I LOVE YOU!

Two stories na po ang natatapos ko dahil sa inyo. Aylabyu guys!

Gagawa pa naman ako ng ibang libro kaya mag kikita pa tayo dun. Yun lang.

Sorry kung pangit yung ending, hindi po ako magaling na author na eh.

Sorry din po sa mga wrong grammars and typographical errors. Ieedit ko nalang po siya pag may time ako :)

So yun, Goodbye and thank you so much guys!

LABLABLABLAB ❤

- blue_bliss

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now