Chapter 64: Night Battle

1.8K 45 10
                                    

[ Patty's POV ]

Sampung minuto na ang lumipas magmula nang umalis sila Fiera at Luke. Malamang may pag-uusapan lang sila pero bakit hanggang ngayon hindi parin sila nakaka balik? Gaano ba kaimportante ang pinag-usapan nila?

"Bakit ang tagal nila?" Rinig kong sabi ni Ace.

"Wag kang mainip. Babalik din yung mga yun." Sabi ko sa kanya para naman kahit papano ay kumalma siya.

Kanina ko pa kasi napapansin na hindi siya mapakali sa kinatatayuan niya. Halos ang lahat ay nag sasayawan pero siya wala sa sarili. Oo kanina pa nagsimula ang ball, nag sasaya na nga ang lahat eh. Ang tagal kasi nila Fiera kaya sabi ng nasa stage kanina ay mag sayaw muna ang lahat habang hinihintay yung King and Queen.

"Nandito na pala ang king! Pero asan ang ating Queen?" Napatingin kaming lahat sa stage nang dumating si Luke. Nakangiti siya. Yung ngiting tagumpay.

Teka bakit hindi niya kasama si Fiera? Hindi ba sabay silang lumabas kanina?

"Shit asan si Fiera?" Sabi ni Ace at akmamg pupunta sa stage nang pigilan ko ito.

"Ace wait, mag hintay lang tayo dito. Wag kang masyadong paranoid jan. Baka naman nag restroom lang si Fiera." Sabi ko.

Napabuntong hininga nalang siya at hindi na tinuloy ang balak. Buti naman at marunong siyang makinig.

"Asan si Ms. Cress, Mr. Earthfield?" Tanong ng emcee kay Luke.

"Wala na si Fiera..."

Natigilan ang lahat sa sinabi niya. Ano ang ibig niyang sabihin?

Nilingon ko si Ace at nakita kong nagtataka siyang nakatingin kay Ace.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Emcee.

"Wala na siya dahil siya ay patay na!" Sigaw ni Luke. After that ay may magic circle na lumitaw sa harap namin. Lumabas sa magic circle na yun ang isang bangkay ng tao.

Nagulat ang lahat sa nakita. Natahimik ang buong lugar. Napatakip ako sa aking bibig habang gulat na gulat. S-sya ba talaga yon? S-sino ang gumawa nun sa kanya?!

"Fiera!" Nakita ko nalang na tumakbo na si Ace sa stage. Mabilis niyang nilapitan ang bangkay ni Fiera.

"F-fiera gising! Anong nangyari?" Sabi niya kay Fiera. May saksak ang kanyang dibdib. Patuloy ang pag agos ng dugo niya.

Nanlilisik siyang tumingin kay Luke. "Anong ginawa mo sa kanya?!" Sigaw ni Ace.

Ngumisi si Luke. "PINATAY KO SIYA!" Pag sigaw ni Luke ay tumalsik si Ace sa pader ng gymnasium. Pano niya yun nagawa?! Earth ang magic niya hindi hangin!

"AT KAYO NA ANG ISUSUNOD KO!" Sigaw ni Ace. Nakita nalang namin ang unti unting pagbabago ng kanyang mukha. Nag iiba ang katawan at ang anyo niya... Then sa isang iglap ay tumambad sa harap namin ang isang babaeng naka itim. Lahat itim. Nakangisi siya na parang demonyo.

"SI ELISA!" Sigaw ng mga tao at nagtakbuhan na sila. Nagkagulo na ang lahat. May mga tumatakbo at sumisigaw. Ang iba naman ay pinapatamaan si Elisa gamit ang kanilang kapangyarihan.

"Patty kailangan na natin umalis dito!" Naramdaman ko nalang ang paghila sakin ni Ace.

"Paano nakapasok dito si Elisa?!" Ynah.

"Hindi ko rin alam, pero kailangan natin ang tulong ng mga Prof. Asan ba kasi sila?!" Kaizer.

"Wala ang mga, prof dito. Hindi ko nararamdaman ang hangin mula sa kanilang mga katawan." Ace.

Nakalabas na kami ng gymnasium at tumatakbo na kami ngayon sa malaking hallway kasabay ng mga iba pang taong tumatakbo din para tumakas.

*BOOOOGSH*

Napahinto kami nang mabutas ang second, third, fourth, and fifth floor. Humarang samin ang maraming grupo ng mga nilalang na naka black cloak. May dala silang mga Axes.

"Nakapasok ang mga kalaban." Ako.

"Patty ialis mo dito ang mga estudyanteng hindi marunong lumaban, at isama mo ang mga handa at marunong makipaglaban. Bilisan mo!" Sabi ni Ace.

"Humanda kayo mapapalaban tayo!" Kaizer.

Tumakbo na nga ako pabalik kasama ang ilang mga estudyante.

[ Ace's POV ]

"Humanda kayo mapapalaban tayo!" Kaizer.

Napayukom ako sa aking kamao habang iniisip ang nangyari kay Fiera. Magbabayad sila. Mag babayad sila sa ginawa nila kay Fiera. Lalong lalo na si Elisa. Ako mismo ang papatay sa kanya.

"AAAAAAH!" Sumugod na yung mga naka black cloak papunta samin.

"Ako nang bahala." Sabi ko at pinigilan sila Kaizer at Ynah.

Tinapat ko ang kamay ko sa kanila. Umilaw ang kamay ko kasabay ng pagluhod nila sa sahig. Nabitawan na din nila ang kanilang mga sandata. Nakahawak sila sa mga leeg nila na parang hindi sila makahinga.

"Anong ginagawa mo sa kanila?" Tanong sakin ni Ace.

"I am an Air keeper remember? Kaya kong bawiin ang mga hininga nila... Hanggang sa sila ay mamatay." Walang emosyon kong sabi.

Walang bubay na tumumba ang mga lalaking naka itim. Walang kahirap hirap ko silang natalo. Pero alam kong hindi lang sila ang naririto. Marami pa sila.

"AAAAAAH!" Nakita namin ang panibagong grupo ng mga lalaking naka black cloak. Tumatakbo sila pasugod dito samin. Mas marami sila kumpara sa mga nauna.

Hinanda ko na ang sarili ko.

"Mag handa kayo!" Sigaw ko.

Nakarating na ang mga naka itim. Naglaban laban na kami. Dumating ang ibang mga estudyanteng tumulong samin sa pakikipaglaban.

"Air blades!" Bigkas ko at pinaulanan sila ng maraming air blades. Maraming namatay sa ginawa mong yun, pero marami din ang naka iwas.

"Air tornado!" Bigkas ko at may isang malaking tornado ang nabuo sa gitna, tinangay nun ang mga kalaban namin at nang maipon ko na sila ay kinumpas ko ang kamay ko. Lumipad pataas ang tornado kasama ng mga lalaking naka black cloak. Hanggang sa mawala na sila.

[ Kaizer's POV ]

"Water spears!" Bigkas ko. Nagkaroon ng maraming water spears ang kamay ko at binato ko naman yun agad sa mga kalaban. Tumagos yun sa mga dibdib nila dahilan ng kanilang pagkamatay.

Patuloy na dumadami ang mga kalaban. Mabuti nalang ay magaling kami ni Ace sa mga ganito. Isama mo pa ang mga ibang mga students na tumutulong samin.

"Water dance!" Bigkas ko. Lumabas ang mga matutulis na tubig sa kamay ko. Paikot ikot yun na kumalat sa paligid, bawat kalaban na nadidikitan nun ay nahahati sa dalawa.

"Hindi sila nauubos!" Sigaw ni Ace.

"Alam ko! Kaya mas kailangan natin maging malakas!" Sigaw ko.

"Subukan natin pagsamahin ang kapangyarihan natin!" Sigaw niya.

Tumango naman ako. "Sige!"

"Air blast!" Sigaw niya sumugod sakin ang isang malaking pwersa ng hangin. Tinapat ko ang kamay ko dito.

"Giant water ball!" Lumabas naman ang isang malaking water ball sa mga kamay ko at sumalubong sa paparating na malaking hangin. Nang magsalubong yun ay nagliwanag at naging isang malaking ice ball.

Sumenyas ako kay Ace na gawin na ang plano. Tumango siya. Sabay naming kinontrol ang malaking ice ball, hinati namin yun sa maraming parte na kung saan may talim sa bawat dulo. Nang ikumpas namin ang kamay namin ay sabay sabay na sumugod ang daandaang mga matutulis na bitak ng yelo sa mga kalaban namin. Pinaulanan namin sila ng matutulis na bitak ng yelo. Nang tumama ito sa kanila ay agad silang namatay, pero hindi nag tagal ay may mga dumating ulit.

"Talagang hindi sila nauubos." Ace.

"Tama ka. Kakayanin natin to." Ako.

Tumango siya sakin at sabay kaming sumugod sa mga kalaban.


=========
Helllo guysss!!! Sobrang sorry po sa super tagal ng update. Busy na po kasi si author eh. Sana po maintindihan niyo!

PS: sorry po kung may typo.

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now