Chapter 28: Where am I

2.1K 81 14
                                    

[ Fiera's POV ]

Matapos ang ilang sandali na parang hinihigop ako ay nawala ito. Napahawak ako sa ulo ko dahil pakiramdam ko ay parang hinahati ito. Tumayo na ako at pinag pagan ang suot kong damit. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Asan ako? Saan ako dinala ng bruhang Elisa? Iniligaw ba niya ako o tinapon sa ibang planeta?

Bukod kasi sa hindi pamilyar sakin ang lugar na ito ay hindi ko din alam kung asan ako. Paano ako makaka balik kila Ace kung andito ako sa unknown place? Napapalibutan lang naman ako ng nag tataasang mga puno. Nakaka bingi ang katahimikan at nakakakilabot ang kulay ng kalangitan. Kulay pula.

Tahimik akong naglakad habang inoobserbahan ang palgid.

Juice colored naman! Hindi ko keri ang maglakad sa ganitong lugar ng mag isa! I need chaperone. Baka kasi mamaya may mumu dito or monster. Kung nandito lang sana si Ace my love T.T

Napatigil ako sa aking paglalakad nang makarinig ako ng kaluskos. Kaluskos na nanggagaling sa likod ng malaking puno. Napaatras ako at hinintay lumabas ito. A-ano nanaman kaya ito?!

"Sssssssss..." Namilog ang aking mga mata nang makita kung ano ang lumabas sa likod ng puno.

ISANG SAWA!!!!

Oo tama kayo ng basa! Isang higanteng sawa! Kulay pula ito at may tinik ang gilid ng katawan.

Napaatras ako kasabay ng paglunok ko. I'm dead!

"Sssssssssss..." Sabi pa nito.

"Ah eh... Mr. Snake. Hindi po ako masarap! Mag hanap ka nalang ng ibang kakainin mo." Sabi ko. Tumalikod na ako at maglalakad na sana nang makaramdam ako bigla ng madulas na bagay ang pumulupot sa katawan ko.

Pagtingin ko... "AAAAAAAHH!!!!" Napatili ako nang makitang nakapulupot na pala sakin ang ahas.

"Oh my god! Bwisit na ahas ka sinabing hindi ako masarap eh!" Sigaw ko pa. Napasigaw nanaman ako ng inangat ako nito.

"AAAAAAH LET ME GO!!!" Sigaw ko.

"SSsssssss..." Ibinuka na niya ang bibig niya habang unti unting inilalapit sakin.

Napapikit nalang ako.

Goodbye world...

"SSSSSSSSSS!!!!"

"Aray naman!" Bigla akong nabitawan ng ahas kaya naman nasubsob ako sa lupa. OMG my beautiful body! Baka nagasgasan ako!

"SSSSSSSSS!!!!" Pagtingin ko sa ahas ay walang tigil itong nag wawala. Nakita ko ang ulo nito na may naka baon na sibat. Kaya naman pala! Nag wawala ito sa sakit. Pero teka, sino ang nagbato ng sibat na iyon?

"Layuan mo siya!" Sunod sunod na sibat ang bumaon sa ulo ng ahas. Napanganga ako sa bilis ng pangyayari. Nadatnan ko nalang na bagsak na ang katawan ng ahas.

"Ayos ka lang?" Napatingin ako sa lalaking lumapit sakin. Maputi ito. Singkit at may pakpak na parang sa angel. May mga sibat din na naka kawit sa likod niya.

"A-ahh oo.. Salamat." Nahihiyang sabi ko. Buti nalang dumating ang nilalang na to. Kung hindi bangkay na ako ngayon.

"Mabuti naman. Ngunit ano ba kasi ang iyong ginagawa dito sa kagubatan sa ganitong oras? Hindi mo ba batid na labis na delikado dito." Sabi niya.

Grabe naman. Ang lalim naman naman ng language ni kuya.

"Ahh pasensya na po. Naliligaw lang ako."

"Ano ba ang pangalan mo?"

"Ako si Fiera kim cress." Pagpapakilala ko.

"Ako si Balmond. Isang nephilim." Pagpapakilala naman niya.

Isang nephilim?! Alam ko ang nilalang na iyon! Napag aralan ko yun dati. Ang mga nephilim ay kalahating tao at kalahating angel! Ang cool naman. Hindi ko akalaing makaka encounter ako ng ganoong nilalang!

"Ikinanagagalak kitang makilala Balmond." Sabi ko.

"Ganun din ako sayo Fiera. Ngunit paano ka napunta dito sa kagubatan?" Pagtatanong niya.

"Napunta ako dito nang dahil kay Elisa." Pagkabanggit ko ng pangalan ni Elisa ay biglang nag iba ang expression ni Balmond. Naging seryoso bigla ito.

"Elisa? Paano mo nakilala si Elisa?" Curious na tanong nito.

Umiling ako. "Hindi ko siya kilala. Bigla nalang din siyang nag pakita sakin at itinapon ako sa lugar na ito."

"Ano? Hindi mo siya kilala? Hindi mo kilala ang reyna ng mundong ito?"

Natigilan ako sa kanyang sinabi. Ano daw? Tama ba ang dinig ko? Reyna ng mundong ito?

"Tama nga ako. Hindi mo pa nga kilala si Queen Elisa. Sumunod ka sakin at sasabihin ko sayo lahat ng nalalaman ko tungkol sa kanya."

==========
Sorry po sa super super super tagal ng update! Andito po kasi ako ngayon sa probinsya nag babakasyon. At wala mahina po ang signal dito. Sorry po talaga sa super late update. Sana po maintindihan niyo.

PS: sorry kung may typo.

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now