Chapter 37: Tangkang Pagpasok

1.9K 66 6
                                    

[ Fiera's POV ]

"Anong plano?" Tanong ko kay Balmond. Sumilip muna siya sa malaking gate ng castle ni Elisa bago ako binalingan ng tingin. Chinicheck niya na baka may kalaban.

"Gagamitin natin ang mga suot ng kawal nang sa ganun maayos tayong makapasok sa loob ng castle ni Elisa."

Napa-isip ako sa sinabi niya. He's right. Kailangan talaga namin maka pasok ng maayos dahil kung hindi ay maaari kaming maistock sa loob. At katapusan na namin pag nangyari yun.

Sobrang laki kaya ng castle ni Elisa! Marami pa kaming kailangang daanan para mapuntahan yung portal.

"Agree. Pero pano natin yun gagawin eh wala naman tayong kasuotan ng mga kawal ni Elisa?" Nagtataka kong tanong kay Balmond.

Ngumisi siya. "Jan ka nag kakamali. Hintayin mo lang ako dito." Sambit niya. Pinunod ko siyang umalis sa harap ko. Napagtanto ko na sa dalawang bantay ng kawal pala siya lalapit.

"Hoy mga ugok." Sabi niya sa dalawang kawal. Naalerto agad ang dalawang kawal. Sumugod ang dalawang ito kay Balmond.

Agad humugot ng isang sibat si Balmond sa kanyang likuran. Sibat ang ginamit niya panlaban sa mga matatalim na ispada ng dalawang kawal. Hindi ko alam kung paano niya nasusundan ang bawat galaw, at direksyon ng kamay ng kanyang kalaban. Basta nasasalag niya bawat atake ng mga ito. Halatang bihasa na sa mano manong labanan.

Sinipa niya sa tiyan yung isang kawal. Dahilan para mapa upo ito. Habang yung isa naman ay akmang sasaksakin na siya pero agad din niya itong nailagan. Inihampas niya ang dulo ng sibat sa ulo ng isang kawal. Napaupo ito at sinamantala na niya ang pagkakataon. Itinarak niya agad ang talim ng sibat sa dibdib ng kawal.

Yung isang kawal ay susugod na sana jay Balmond nang agaran niya itong ibinato dito. Dahilan ng pagkamatay nito.

"Wow.." Bulong ko. Ang astig niya!

"Ayos ba?" Nakangiti nitong sabi sakin. Bitbit na pala niya yung suot na armor ng dalawang kawal.

"Ok na din." Sabi ko sabay tumawa.

"Suotin na natin to."

Kinuha ko ang yung isang armor na dala niya at agad itong sinuot. Sinuot na din niya yung kanya.

"Mag handa ka. Umakto kang parang isang kawal talaga." Sabi ni Balmond sakin.

Inaamin ko. Medyo kinakabahan talaga ako. Paano kung mahuli kami dahil sakin? Baka mapahamak kami!

Pero hindi... Kaya ko to. Kaya namin to! Walang mangyayari kung mag papadala ako sa takot.

==========
Eto na po yung update :D

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon