Chapter 63: Paalam

1.9K 55 12
                                    

[ Fiera's POV ]

"King Luke Earthfield!"  Natulala ako sa sinabing iyon ng emcee.

S-si Luke ang magiging king ko?

"May I call Queen Fiera to proceed here in stage?" Sabi ng emcee kaya agad na akong naglakad papunta dun, naroon na din si Luke. Nag hihintay.

Tumingin ako kay Patty para tignan ang reaksyon niya. Ngumiti lang siya sakin. Sunod kong tinignan si Ace. Wala na siya dun ngayon sa pwesto namin kanina. Asan na siya?

Pag-akyat ko ng stage ay nagpalakpakan ang lahat. Mag-katabi kami ni Luke. Nagulat kami nang magliwanag ang mga suot namin, then nang mawala na ang nakakasilaw na ilaw ay napagtanto namin na iba na ang aming suot. Naka suot ako ng gown at may korona ako na pang reyna, at ganun din si Luke pero pang hari ang kanya.

"Fiera pwede ba kitang maka-usap?" Nakangiting sabi ni Luke.

Tumango ako. "Pwede naman."

Pumunta kami sa backstage, may labasan sa likod kaya dun kami dumaan. Dinala ako ni Luke sa mini garden kung saan walang tao kundi kaming dalawa lang.

"Anong pag-uusapan natin Luke?" Tanong ko sa kanya.

"Kamusta ka na?" He asked.

"O-ok lang naman ako."

Bakit ang weird ngayon ni Luke? Hindi naman siya ganito ah. Ang pagkakakilala ko sa kanya ay masayahin at palangiti. Pero ngayon... Parang may iba eh.

"Ang laki na ng pinag bago mo simula nang mapunta ka dito noh? Ibang iba ka na sa dating Fiera." Sabi niya.

Tumango nalang ako. "Salamat."

"Masaya ako na naging kaibigan kita.."

"Ako din. Masaya ako dahil nakilala ko kayo." Sabi ko.

"Kaibigan kita Fiera..." Sandali siyang huminto at may dinukot siya sa kanya likod.

Bahagya akong napa atras. Hindi maganda ang pakiramdam ko.

"Pero kailangan kong gawin to..." Nakita ko nalang na may hawak na siyang dagger at akmang isasaksak sakin pero mabilis akong nag teleport sa likod niya. Nagulat siya na nakatakas ako. Pero mas nagulat ako sa ginawa niya.

Balak niya akong patayin right?! Pero bakit?!

"Luke bakit mo ginawa yun?!" Sigaw ko sa kanya.

Dahan-dahan siyang lumingon sakin. "Kailangan..." Simpleng sagot niya.

Now I know. Kusang pumasok sa isip ko ang mga nangyari. Ngayon malinaw na sakin. Si Luke. Si Luke ang traydor!

"Kailangan malaman ito ng lahat!" Magteteleport na sana ako pero bigla akong napapikit nang maramdaman kong may bumaon bigla sa dibdib ko...

Tinginan ko kung sino ang gumawa nun... At nakita ko si Luke na unti unting nagbabago ang mukha. Nang tuluyan na siyang makapag palit ng Anyo ay na realize ko kung sino ang kaharap ko ngayon...

"Eliza..." Banggit ko.

Napa-upo na ako sa sobrang sakit. Tuloy tuloy ang agos ng dugo na nanggagaling sa dibdib ko. Nanghihina na din ako.

"Napaka tanga mo talaga Fiera! Hindi mo manlang nahalata kung sino ako?! HAHAHA napaka dali niyong maloko! Wala kayong kaalam alam na napasok ko na kayo!" Sigaw ni Elisa.

"A-asan si Luke? A-anong ginawa mo sa kanya?" Nauutal kong sabi dahil nahihirapan na akong magsalita.

"Dinala ko siya sa Underworld para walang maka alam na nag papanggap ako na bilang siya!"

"At ngayon, madali nalang sakin na patayin ka. At pagkatapos mo, isusunod ko na ang mga naririto! Mawawasak ang Mystinious Academy at ako na ang mag rereyna sa mundong ito!"

Tuluyan na akong bumagsak sa lupa. Hindi ko na kaya. Hinang hina na ako. Rinig na rinig ko ang tagumpay na halakhak ni Elisa.

Bago ko pa maipikit ang mga mata ko ay nakita ko siyang bumalik sa pagiging kamukha ni Luke.

Paalam...






==========
Short update!

Anong masasabi niyo sa chapter na to?

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now