Chapter 2: Pick up line

5K 165 13
                                    

[ Fiera's POV ]

Pag pasok namin ng classroom ay bumungad samin ang mga classmates namin na may sari sariling mundo. Haays ano pa bang bago? Dumiretso na kami sa upuan naming tatlo. Sa bandang likuran.

"Sana classmates natin yung boys noh?" Tanong ni Ynah samin.

"Oo nga eh. Namimiss ko na yung Honeybunch ko." Sagot naman ni Patty.

"Yeah. Me too." Sabi ni Ynah.

Hindi kasi namin classmates dito ngayon sila Kaizer, Ace at Luke. Pero mag ka kaklase silang tatlo.

Natahimik na kami dahil dumating na ang prof namin. Nag sibalikan na din yung mga classmates namin sa sari sariling upuan. Nag simula nang mag discuss yung professor at tahimik lang kami na nakikinig.

After 30 minutes.

"Class dismissed." Hays salamat! Sa lahat ng sinabi niya yan lang ang naintindihan namin!

"Akala ko hindi na matatapos tong subject na to -__-" inis na sabi ni Patty.

"Oo nga eh. Nakaka antok mag turo yung prof." Pag sang ayon naman ni Ynah.

***

"OMG guys training ground tayo ngayon! Hindi ako prepared!!!" Sabi ko habang nakatitig sa schedule namin.

"Hala oo nga pala!" - Patty.

"Nakalimutan ko!" - Ynah.

Sa training ground. Dun yung next subject namin. Isa yong training na kailangan mong makipag laban sa mga Dark Creatures. Huhu ayoko na kayang makakita ng dark creatures! Nakakatakot kasi sila! T.T pero wala kaming choice.

Kahit ayaw namin ay pumunta na kami sa training ground. Magic resistance ang training ground para walang masira o mawasak gamit ang mga kapangyarihan namin.

Pagdating namin sa training ground ay nandun na ang mga classmates namin. Napangiti kami ng malawak nang makita duon ang tatlong lalaki. Waaaah classmates namin sila dito?!

Paglapit namin ay umupo kami sa tabi ng tatlong boys. Syempre katabi ko si Ace ^___^ emegerd.

"Ok class. Ngayong kompleto na kayo ay maaari na nating simulan ang unang pag sasanay. Inuulit ko. Ako ang teacher niyo sa pakikipag laban sa mga  dark arts." Paninimula ng trainer namin.

Taimik lang akong nakikipag sa dinidiscuss ng trainer nang may maramdaman akong bagay na humawak sa kamay ko. Pagtingin ko ay nakita ko ang kamay ni Ace na naka hawak sa kamay ko. At nang tingnan ko ang loko ay nakangiti pa!

Uwaaaa nakangiti siya! Ang cuuuuteeee *O* ones in a blue moon lang ngumiti yan!

"Yung kamay ko po." Bulong ko. Baka marinig kasi kami ng prof.

"Akin nalang tong kamay mo." Sabi niya. Kumunot naman ang noo ko.

"What? Gusto mong kunin tong kamay ko?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Oo. Para quits. Kinuha mo rin kasi ang puso ko." Sabi niya at kumindat pa.

Napangiti ako at napagat sa labi para pigilan ang kilig. Kailan pa siya natutong gumanon?! Pero uwaaaah kinikilig akoooo!!!

"Ang corny mo!" Sabi ko nalang at binawi yung kamay ko. Pero deep inside sasabog na ang puso ko sa kilig.

Napasimangot ito at binaling nalang ang atensyon sa trainer. Hala na pikon yata! Baka akalain niya hindi ko na appreciate yung pick up lines niya. De bale. Mamaya ko nalang yan susuyuin. Hindi naman ako niyan matitiis eh >:)

"So last month ay pinanlaban ko sa inyo ang mga dark creatures na madaling talunin. But now ay wag kayong magpa kampante dahil hindi na biro ang mga makakalaban niyo ngayon." Sabi ng trainer.

"Makakalaban niyo ngayon ang mga mababangis at maliksing dark creatures. Kaya maging impressive dapat kayo."

Natahimik ang lahat. Lahat kami ay natakot sa sinabi ng trainer namin. Alam naming seryoso siya dahil last month ay nakipag laban talaga kami sa mga dark creatures! At masasabi kong muntik na naming ikamatay yun!

"But don't worry dahil this time ay magkakaroon kayo ng kasama sa pakikipag laban." Dagdag pa ng trainer.

Medyo nakahinga kami ng maluwag. Ok na din yun kaysa naman mag isa lang kaming lalaban. Para kung sakaling mamatay ako atleast may kasama ako ^___^ charot lang Haha!

"Simulan na natin to."

==========
Lame ba? Yung TOTOO! 😂

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now