Chapter 6: To Infinity and Beyond

3.6K 138 16
                                    

[ Ace's POV ]

"Bakit niyo ba kami pinatawag?" Tanong ni Patty nang makarating sila sa dorm namin. Pinatawag namin sila dahil sa gagawin naming plano para mapatawad ako ni Fiera.

"Kailangan namin kayo para sa plano ni Ace." Sabi ni Kaizer.

"Anong ako? Kayo kaya nag isip niyan." Depensa ko.

"Ganun na rin yun." Sabi naman ni Luke.

"Ay oo nga. Nakwento nga samin ni Fiera na nag away kayo." Sabi sakin ni Patty.

"Galit na galit pa nga siya eh." Sabi naman ni Ynah.

"Yeah. Kaya nga kailangan ni Ace ang tulong natin para magka bati silang dalawa." Sabi ni Kaizer.

"Sige. Game kami d'yan. Ano bang plano?" Tanong ni Patty.

"Ganito..." Nakikinig lang ako habang ineexplain ni Kaizer at Luke ang magiging plano. Tss. Sana lang maging effective.

***

[ Fiera's POV ]

"Asan ba yung dalawang yun?" Tanong ko sa sarili habang naglalakad mag isa sa corridor.

Nagising kasi ako kanina sa dorm na ako nalang mag isa. Nag tataka nga ako kung bakit ako iniwan ng dalawa. Eh araw araw naman na sila ang gumigising sakin. Ano kayang nangyari dun?

Pagpasok ko ng classroom ay nagtuturo na ang prof namin. Pero hindi naman ako nun napansin kaya dumiretso nalang ako sa upuan ko. Napatingin ako sa dalawang upuan na nasa tabi ko. Ang upuan nila Patty at Ynah.

Hindi rin sila pumasok. Asan kaya yung dalawang yun? Kinakabahan na talaga ako! Mula kaninang umaga hindi ko pa sila nakikita. Sana ok lang sila.

Hanggang sa break na ay wala parin yung dalawa. Pati nga yung tatlong boys hindi ko din mahagilap. Asan ba yung mga yun? Tinataguan ba nila ako?! Bwisit naman. Mukha tuloy akong loner dito.

6:30pm na at pauwi na ako sa dorm namin dahil kakatapos lang ng huling klase ko. Napatigil ako sa paglalakad nang biglang may lalaking humarang sa daanan ko. Mag sasalita pa lang sana ako ng abotan niya ako ng isang red rose.

"For you." Sabi nito. Nag tataka man ay kinuha ko nalang. Sayang eh. Nang makaalis na siya ay naglakad na ulit ako.

Pero nakaka ilang hakbang palang ako nang may bagong lalaki ulit ang humarang sa daraanan ko. At gaya ng naunan ay inabutan din akl nito ng isang red rose.

"For you." Sabi nito. Kinuha ko nalang din at naglakad na ulit.

Nag tataka na talaga ako. Ano bang nangyayari? Anong trip ng mga tao ngayon at namimigay sila ng red rose?

"For you." May isang lalaki nanaman ang humarang sa daan ko at inabutan ako ng red rose. Kinuha ko nalang yun.

Tatlong rosas na ang nakuha ko! Sana naman last na lalaki na yun.

Nagulat ako nang biglang mag liwanag yung three red roses. Lumutang yun sa ere at natanggal ang mga petals. Bumaba yung mga petals sa lupa na nakapalibot sakin. Nag liwanag yung lupang sakop ng petals at naging magic circle.

"Wow!"

"Ang sweet naman ng gumawa niyan!"

"Kyaaaah kinikilig ako!"

"Sana may gumanyan din sakin!"

Sigawan sa paligid nang makita nila ang nangyayari sakin. A-ano bang nangyayari?! Anong klaseng roses ba yun?!

"AAAAAAH!" Napasigaw ako nang bigla akong higupin ng magic circle.

Then pag dilat ko ay napanganga ako nalang ako sa nakita. May isang malaking puno na umiilaw ang mga dahon...

Mga glowing creatures na lumilipad lipad sa paligid, at nakangiti pa sila sakin.

"Fiera..." Napatingin ako sa tumawag sakin. At nakita ko si Ace na papalapit habang may dalang 1 bouquet of rose.

Anong ginagawa niya dito?! Wait hindi kaya siya ang nag dala sakin dito?! Tss. Baka nakaka limutan niya na mag kaaway pa kami -__-.

"For you." Sabi niya at inabot sakin ang dalang bulaklak.

"P-para saan ba yan? I don't need that." Sabi ko. Pero deep inside gusto ko nang kunin. Naalala ko kasi na galit nga pala ako sa kanya.

"Tss. Fine, sa iba ko nalang ibibigay." Sabi niya. Pero bago pa siya maka alis ay agad ko nang kinuha yung bulaklak.

"Pasalamat ka mahilig ako sa bulaklak." Sabi ko. Mas magandang sakin nalanh to mapunta noh. Hindi ko kayang makita ns hawak ito ng iba.

Naoangiti siya at nilahad ang kamay niya. "Come with me." Sabi niya. Pero mag sasalita pa lang sana ako ng 'Ayoko' nang kunin na niya yung kamay ko at sinabay ako sa paglalakad niya.

Hanggang sa makarating kami sa isang set na table na may wine sa ibabaw at mga pagkain. Napapalibutan din pala kami nga mga colorful candles. Naupo na kaming dalawa.

"Fiera." Panimula niya.

"Ano?" Tanong ko naman.

Gawa niya ba to?! OMG ang sweet niya! Kinikilig ako! Pero hindi ko muna yun ipapakita. Pag nag sorry na siya tsaka ko lang siya papatawarin.

"Yung tungkol sa away natin kahapon."

"Oh anong meron?"

Sandali siyang natigilan. "Sorry."

"Sorry saan?" Pa inosente pa ko.

"Sorry sa sinabi ko. Sorry kung inisip mong pinag tatanggol ko pa yung healer. Sorry sa lahat." Sabi niya.

Napangiti ako. "Apology accepted."

"So bati na tayo?" Tanong niya.

"Ayaw mo?" Tanong ko naman.

"Syempre gusto." Nakangiting sabi niya.

Nagulat ako nang biglag mag labasan ang mga elves sa malaking puno at sabay sabay na kumanta.

Waaaaaah ang cute nilaaaaa *O*

"You like it?" Tanong ni Ace nang makita niyang namangha ako sa mga singing elves.

"Oo naman! Sobra. Ang cute nila oh!" Namamanghang sabi ko.

"Good. Let's eat." Nakangiting sabi niya. Nag simula na kaming kumain. At habang kumakain kami ay may mga makukulay na fireworks ang nag puputukan sa kalangitan.

At habang kumakain ay may isa akong na realize. Mahal na mahal ko na ang lalaking ito at ayoko na siyang pakawalan pa.

"Ace..." Napatigil siya sa pagkain nang tawagin ko ang pangalan niya.

"What?" Tanong niya.

Napayuko ako. "S-sinasagot na kita.." Sabi ko. Uwaaa nahihiya ako!

"A-ano? Paki ulit?" Tanong niya ulit.

"Ano ba yan! Ang sabi ko sina sagot na kita!" Ulit ko.

Napatayo siya sa inuupan niya at nagulat ako ng yakapin ako nito.

"YES! SINAGOT NA NIYA AKO!" Sigaw nito na akala mo ay nanalo sa lotto.

"I love you Fiera. Hinding hindi mag sisi." Sabi pa niya.

"I love you too! Ngayong tayo na. Bawal ka nang lumandi ok?" Natatawang tanong ko.

"Kahit kailan naman hindi ako lumandi."

"Whatever!"

May dinukot siya sa kanyang bulsa at isang kwintas pala. Ang pendant ay pa baliktad na 8. Pa infinity.

"Ito ang simbolo na akin ka na. Akin ka lang." Sabi ni Ace nang maisuot na niya sakin ang kwintas.

"Oo na. Sayong sayo lang ako at akin ka lang din." Nakangiting sabi ko.

Itinayo niya ako at niyakap ng maigpit. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya. Pwede ba kong maiyak? Hindi ko akalain na ganito ka sweet si Ace.

"I love you... To infinity and beyond."

=========
Anong masasabi niyo? 😂

Sorry po pala kung may typo.

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now