Chapter 67: 1 vs 2?

1.9K 56 3
                                    

[ Elisa's POV ]

Nagteleport kami ng kakambal ko papunta sa magic world. Gagawin na namin ang huling hakbang upang tuluyan na naming maangkin ang magic world! Papatayin namin lahat ng mga pipigil sa aming mga balak! Dahil ni isa ay walang karapatang tumutol samin. Mapapa sa kamay namin ang magic world ano man ang mangyari!

"Elisa, matagal ka nang nawala hindi ba? Ano pang ginagawa mo dito sa mundo namin?!" Sigaw nung matapang na lalaki.

Pinaghandaan pala nila ang pagdating namin. Sila ang ARMY ng magic world. Tungkulin nila ang pangalagaan ang kanilang mundo sa mga masasamang nilalang. Pero sa tingin ba nila ay kaya nila akong talunin? Isang malaking pagkakamali na kakalabanin nila ako.

"Nagbalik na ako! At nandito ako para angkinin ang inyong mundo. Wala na kayong magagawa kundi ang sumuko." Sabi ko na nakangisi.

"Hinding hindi namin ibibigay ang kasiyahan mo Elisa! Hinding hindi kami susuko! Mamamamatay kaming hindi tumatalikod sa aming mundo!" Sigaw nila.

"Wag na kayong umasta na parang kaya niyo kami. Hindi kayo bayani. Bibigyan namin kayo ng pag asang sumuko para hindi na kayo mamatay pa." Sabi ng kakambal ko.

"WALANG SUSUKO!" Sigaw nila.

"SUGOD!" Sigaw ulit nila at sinugod kami. Nakita namin ang kung ano-anong kapangyarihan na nasa himpapawid na tatama sa amin ng kakambal ko.

Akala ba nila kakayanin nila kami? Maling mali sila ng binabangga.

"Alam mo na ang gagawin." Sabi ko sa kakambal ko.

Tumango siya. "Ako ng bahala." Sagot niya at lumipad.

Sinalubong niya ang mga kung ano anong kapangyarihan na nasa himpapawid. Inipon niya lahat ng kapangyarihang iyon hanggang sa lumaki. Ikinumpas niya ang kamay niya at sa isang iglap ay bumalik yun sa mga taong kumakalaban samin.

Isang malakas na pagsabog ang nagawa nun. Dahilan para mag talsikan ang mga tao. Maraming namatay. Napangiti ako. Pilitin pa nilang lumaban. Talagang dadanak ang dugo sa mundong to.

Lumipad ako at nagpaulan ng Dark shadow ball. Bawat pagtama nun sa mga tao ay sumasabog kaya marami agad namamatay.

Tumawa ako ng napaka lakas.

"MAMAMATAY NA KAYONG LAHAT!" Sigaw ko sa kanila habang nakangiting tagumpay.

Abot kamay ko na ang tagumpay!

[ Fiera's POV ]

Umalis na ako sa paraiso ni Cassiopeia. May mga kailangan pa akong gawin para sa Magic World. Nakakapag taka lang dahil iba ang kulay ng kalangitan. Kulay pula ang buwan. Siguro ito ang senyales ng kasamaan ni Elisa.

Kailangan ko na siyang mapigilan. Pero bago ko gawin yun kailangan ko munang makita ang mga kaibigan ko. Pati si Ace... Miss na miss ko ma yung lalaking yun. Sana ayos lang siya. Sana ayos lang sila.

Para mabilis ay nag teleport na ako papunta sa academy, pero laking gulat ko ng wala akong ACADEMY na madatnan. Oo wala AS IN wala ang academy. Asan ang Mystinious Academy? Hindi ako pwedeng magkamali. Nandito lang yun eh.

Napagtanto ko na nawawala nga ang academy ng mapansin ko ang malaking bakas na tinatapakan ko ngayon. Dito nga nakatayo ang academy pero bakit nawala? Asan sila Ace? Nasan ang mga students?

Biglang pumasok sa utak ko si Elisa.

Tama. Siya nga. Baka hawak ni Elisa ang academy pati sila Ace. Kung ganun, kailangan ko silang bawiin.

*BOOOGSH*

Napalingon ako sa pinanggalingan ng pagsabog. Galing yun sa bayan kung saan maraming tao ang naninirahan. Pero ano kayang nangyari? Baka si Elisa yun! Mabuti pa puntahan ko nalang.

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora