Chapter 30: Missing

2.1K 72 1
                                    

[ Ace's POV ]

"Shit. Asan ka na ba?" Binulong ko sa aking sarili habang lumilinga linga sa mga puno upang hanapin si Fiera. Sobrang nag aalala na ako sa kanya. Dalawang oras na siyang hindi bumabalik! Posible namang naligaw siya dahil kaya niyang mag teleport dito. Nakatulog na nga si Kaizer at Ynah kakahintay. Samantalang si Luke ay walang tigil sa pag iyak. Sinisisi niya ang kanyang sarili sa pagkawala ni Patty. Hindi madali ang sitwasyon niyang iyan. Napahirap mawala ng babaeng mahal na mahal mo.

"Kamusta mga bagito?" Lumingon ako sa tumawag sa'min. Sa tabi ng puno ay may nakatayong babaeng naka all black outfit. Naka ngisi ito habang tinitingnan kami isa-isa. Sino to?

"Sino ka?" Pagtatanong ko.

"Hindi na mahalaga kung sino ako." Nakangising sabi niya.

Nagising na sila Kaizer. Tumayo na sila habang takang nakatingin parin sa babaeng nasa tabi ng puno. Bakit ayaw niyang magpakilala? Isa ba syang kaaway o kakampi?

"Sino siya Ace?" Tanong sakin ni Kaizer.

Nagkibit balikat ako. "Ayaw niyang magpakilala."

"Wag niyo nang hanapin si Fiera! Sa agkat hinding hindi niyo na siya makikita pang muli."

Kumunot ang noo ko. Kilala niya si Fiera. Malakas ang kutob ko na may kinalaman ito sa pagkawala niya.

"Asan si Fiera? Anong ginawa mo sa kanya?" Sigaw ko. Hindi ako siguradong may kinalaman nga siya, hinuhuli ko lang siya.

"Wala na siya! Tinapon ko na siya sa ibang mundo na kung saan hindi niyo kailanman mapupuntahan!" Sigaw niya kasunod ng tawa niyang mala demonyo.

Nag igting ang bagang ko at kumuyom ang kamao ko. Sabi na nga ba! Siya ang dahilan kung bakit nawawala si Fiera.

"At kayo! Kayo na ang isusunod kong burahin dito sa magic world!" Sigaw niya. Mabilis siyang gumawa ng shadow ball at ibinato samin.

"ILAG!" Sigaw ko naman.

Tumalon kami upang maiwasan ang atake niya. Sa ibang direksyon tumama ang shadow ball pero sobrang lakas ng pagsabog. Siguradong patay ka oras na tamaan ka nun.

"Mag handa kayo guys!" Sigaw naman ni Ynah na nakaporma ang kamay sa gagawing atake.

"Sino ba ang babaeng yan?" Kunot noong tanong ni Luke. Buti naman tumigil na siya sa pag iyak.

"Ayaw niyang magpakilala." Sagot ko sa kanya.

"Water shield!" Bigkas ni Kaizer at itinaas ang kamay niya. Biglang nasa loob kami ng isang tubig na pananggalang.

"Shadow eagles!" Bigkas naman nung babaeng naka itim. Nagkaroon ng magic circle ang lupang tinatayuan niya at ilang sandali ay nakalikha siya ng maraming shadow eagle na lumitaw sa dalawang gilid niya. Sa isang kumpas ng kamay niya ay sumugod sa direksyon namin ang mga shadow eagle.

Shit. Masyadong malakas ang kapangyarihan niya at ang dami pa ng shadow eagle. Tiyak na mababasag ang shield pag tumama iyon dito.

"Guys hindi kakayanin ng Water shield ko ang mga shadow eagle na iyan!" Sigaw ni Kaizer.

"Ako nang bahala." Sabi ko.

Tinutok ko ang dalawang kamay ko sa mga shadow eagles na paparating.

"Air force." Bigkas ko. Matapos kong sabihin yun ay naghiwahiwalay ang mga shadow eagle. Tumama iyon sa iba't ibang direksyon na malayo sa'min.

Nagulat yung babae sa nakita. Kung inaakala niyang madali kaming kalaban nag kakamali siya.

"Marunong din naman pala kayo. Pero mas marunong nga lang ako." Pagtapos niyang sabihin iyan ay tinutok niya ang kamay niya sa direksyon namin.

"Shadow balls!" Bigkas niya. Nagkaroon ulit ng magic circle ang tinatayuan niya. Then biglang may lumitaw na libo libong maliliit na shadow ball na nakapalibot lahat sa kanya.

Ang ineexpect namin ay malalaking shadow iyon. Pero maliliit lang pala. Pero tiyak na kahit maliit iyan ay malakas ang epekto niyan.

Sa isang kumpas ng babae ay sumugod sa'min ang mga shadow ball na ginawa niya.

"Leave it to me." Sabi ni Ynah. Ipinagdikit niya ang mga palad niya at ilang sandali ay umilaw ang mga mata niya. Biglang may mabilis na tumubong mga malalaking rosas sa lupa at walang kahirap hirap na hinuli ang mga shadow balls na pabulusok sa'min. Rinig na rinig namin ang pagsabog ng mga iyon sa loob ng mga rosas na likha ni Ynah.

"Wag mo na kaming kalabanin pa. Dahil mabibigo ka lang." Matapang na sabi ni Ynah.

"Sino ka bang talaga? Bakit ayaw mong magpakilala?" Sabi ni Kaizer.

"Kakampi ka ba nila Erza?" Tanong ni Luke.

"Hindi na mahalaga kung sino ako. Dahil malalaman niyo din naman sa susunod kong pagbabalik." Nakangiting sabi niya. Mas lalo lang kaming nahiwagahan sa sinabi niya.

"Kaya paalam mga talunan." Sabi niya. Umilaw ang mga kamay niya at biglang may lumitaw na dalawang shadow tiger
sa dalawang gilid niya.

"Mga alaga ko. Oras na ng pagkain niyo." Ngumisi siya samin bago tuluyang naglaho.

Sabay na sumugod sa direksyon namin ang dalawang tiger shadow.

"Mag handa kayo."

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now