Chapter 15: Raven Tail's Attack

2.4K 78 13
                                    

[ Fiera's POV ]

Nakaporma lang muna kami at hinihintay na umatake sila. Wala kaming magagawa sa ngayon kundi salubungin ang mga atake nila dahil wala pa kaming kapangyarihan. Pero oras na makalapit kami sa kanila ay dun na kami aatake.

"Oras na umatake sila ay mag hiwa hiwalay tayo, nang sa ganon ay hindi nila tayo madaling matatalo." Sabi ni Ace na nakatutok ang tingin sa Raven Tail.

"Green acid!" Sigaw nung Olpha at agad na binato na kami ng kulay berdeng asido. Oras na madikit sa'yo ang asidong yun tiyak ang kamatayan mo.

Agad kaming tumalon at naghiwa hiwalay, gaya ng sinabi ni Ace. Ang pinuntahan kong kalaban ay yung Olpha. Kasama ko si Patty.

"Pag tulungan natin siya." Sabi sakin ni Patty habang tumatakbo kami sa direksyon nung Olpha. Tumango naman ako bilang pag sang ayon.

Nakita kami nung Olpha kaya naghanda ito sa pagsugod namin sa kanya. Na alerto kami nang sunod sunod itong mag bato ng asido papunta sa direksyon namin ni Patty.

"Ilag!" Sigaw ko. Buti nalang ay bawat asidong ibinato niya ay naiwasan namin.

"Fiera, yung teleportation spell mo! Sa pagkaka alam ko ay hindi yun sakop ng kahit na anong kapangyarihan, kaya subukan mong gamitin." Sigaw sakin ni Patty. Tumango naman ako. Hindi ako sure pero tinry ko parin.

Pumikit ako at naglaho. Lumitaw ako sa likod ni Olpha. Nakita ko naman si Patty nag thumbs up sakin. Tumatakbo palang siya papunta dito.

"Asan na yung kasama mo?!" Gulat na sigaw ni Olpha kay Patty.

"Andito ako." Sabi ko. Paglingon ni Olpha sa likod niya ay agad kong tinarak sa dibdib niya ang dala kong ispada. Bumula muna ang bibig niya na kagaya sa asido bago ito bumagsak sa lupa.

"Nagawa mo Fiera!!!" Sigaw sakin ni Patty.

Kyaaah ang galing galing!!! Sa wakas nabawasan din ang kalaban namin. Ngayon malaki na ang chance na manalo kami kahit pa wala kaming kapangyarihan.

"OLPHAAA!!!" Napatingin kami kay Flare ng sumigaw nito. Galit na galit at nanlilisik ang mga mata.

"You son of a bitch! You kill my brother!!!" Sigaw niya. Natigilan ako. Kapatid niya ang isang to? I didn't know.

"I will kill you!!!!!" Sigaw niya. Ang bilis ng pangyayari. Nakita ko nalang na nasa harapan ko na ang mahabang buhok niya. Hinampas ako ng kulay pula niyang buhok. Mas lumaki pa ito at humaba. Tumalsik ako at tumama sa mga bato. Napangisi ako sa sobrang sakit.

Shit. Pakiramdam ko dadami ang mga pasa ko pagtapos nito. At alam kong mapapatay niya ako dahil sa ginawa ko sa kapatid niya. Sino ba naman kasing hindi magagalit sa ginawa ko diba? Pinatay ko lang naman ang kapatid niya. Pero kung hindi ko naman gagawin yun ay kami ang papatayin nila.

"Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa kapatid ko. Buhay mo din ang kukunin ko." Mahinahon na ang boses ni Flare pero ramdam ko ang matinding galit. Pinilit kong tumayo kahit masakit ang katawan ko. Papalapit na siya sakin...

"You bitch!!!" Sigaw niya. Hinampas niya ulit ako ng buhok niya. Sa sobrang lakas ng impact nyon ay tumumba ako.

Napangiwi nalang ako sa sakit. Wala akong lakas na labanan siya.

"I hate you bitch!!!!" Sigaw ulit ni Flare. Naramdaman ko nalang ang maraming hibla ng buhol niya na pumulupot sa buong katawan ko at inangat ako.

"Fiera!" Sigaw ni Patty. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang hawak din nito si Patty.

Pagtingin ko kila Kaizer ay hindi pala nila kami napapansin dahil nakikipag laban sila sa mga iba pang kasama ni Flare. Shit. Ano nang gagawin ko?!

Napalunok ako, ng unti unting nagkakaron ng apoy yung buhok ni Flare. Unti unting lumalapit ang apoy sa buhok niyang naka pulupot sakin.

"Susunugin kita hanggang sa maging abo ka! BWAHAHAHA!!!" Sigaw niya at tumawa na parang baliw. Napapikit nalang ako. Hindi ko alam ang pwede kong gawin.

Shet. Katapusan ko na.

==========
Ok lang ba tong chapter? 😂

Hi sa mga nakaka kilala sa Raven Tail!!! Sa mga fairy tail fans jan hello! 😊😀

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now