Chapter 54: Potion

1.9K 60 8
                                    

[ Fiera's POV ]

"Wag!" Napatingin ako kay Ace nang pigilan ako nito.

So anong pinapalabas niya? Pinag tatanggol niya pa ang babaeng to?

"Tama na. Wag mo nalang siyang patulan." Sabi sakin ni Ace.

"What?" Kunot noo kong tanong.

"Sabi ko wag mo nalang patulan. Look, wala siyang panalo sayo." Nag aalala niyang sabi.

Yung totoo? Kanino ba talaga siya nag aalala? Sakin o sa babaeng to? Tss.

"Ganon? K fine. Mag sama kayo. Tutal masaya ka din naman na nilalandi ka ng babaeng yan diba?" Mataray kong sabi at walang ano-ano ay nag walk out ako palabas ng gym.

Kunwari pang pinipigilan ako. Alam ko namang ineenjoy niya din yung kalandian ng haliparotang yun. Sige mag sama sila.

Boys are always be boys.

Dahil sa sobrang kabadtrip-an ko ay nag kulong nalang ako sa dorm.

Gggrrr! Nakakabwisit sila! Gusto ko silang pag buhuling dalawa!

[ Ace's POV ]

Napanganga nalang ako habang pinag mamasdang lumabas ng gym si Fiera.

Bakit sakin yun nagalit?! Eh ako lang naman tong nag mamalasakit na awatin siya dahil ayaw ko siyang mapa away! Tapos ako pa tong napa sama? Tsk.

"A-ace.. Thanks for saving me." Malanding sabi ni Hayley at hinawakan ang braso ko. Agad ko naman itong nilayo sa kanya at tinignan siya ng masama.

"Stay away from me bitch."

"Dahil sayo galit sakin ngayon ang babaeng mahal ko." Matigas kong sambit sa kanya.

Nabigla siya sa sinabi ko kaya napa layo ito sakin.

Hindi ko na siya inintindi. Nag lakad na ako palabas ng gym.

Ngayon problema ko pa kung pano ko siya susuyuin!

Aiiish. Ang hirap pa naman paamuhin ng babaeng yun.

[ Ynah's POV ]

Muntik na akong matawa nang makita ang reaksyon ng haliparot nang iwan siya ni Ace. Wahahaha buti nga! Masyado kasing maharot.

"Hoy anong tinitingin tingin niyo jan?! Bumalik kayo sa trabaho niyo!" Sigaw niya samin nang makita niyang nakatingin kaming lahat sa kanya.

Palihim akong natawa bago bumalik sa pag dedesign. Yan kasi. Masyadong maharot. Nasampolan ka tuloy ni Fiera. Haha pahiya si ateng.

Pero magka away nanaman yung dalawa. Pustahan matatagalan bago yan magbati, mahirap kasing suyuin si Fiera. Lalo na pag nag selos yan? Nakuu.

Nakita kong aalis si Patty kaya agad ko itong tinawag.

"Patty!" Lumingon siya sakin.

"Saan ka pupunta?" Kunot noo kong tanong.

"Sa headmaster's office. May gusto lang akong itanong." Nakangiting sabi niya.

"Samahan na kita--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang pigilan agad niya ako.

"Naku hindi na! Saglit lang naman ako." Sagot niya.

Hindi ko na siya konontra. I nodded.

"Sige. Ingat ka." Yun nalang ang nasabi ko.

Ngumiti muna siya bago tumalikod at naglakad palabas ng gym.

Pero bago pa siya tuluyang makalabas ay napansin ko ang isang potion na medyo naka labas sa bulsa ng palda niya.

==========
Sorry po sa late update! Busy si author sa mga projects at assignments eh. Pero tinatry ko naman isingit yung pag a-update ko.

Sana po maintindihan niyo :(

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon