Chapter 66: Fire Princess

2.2K 68 13
                                    

[ Queen Elisa's POV ]

"Hayop ka palabasin mo kami dito!" Napatingin ako sa bolang crystal nang magsalita ang isa sa aking mga bihag.

"Wag ka nang umasa! Sabay sabay kayong mamamatay dyan!" Sigaw ko naman sa kanila at tumawa ng napaka lakas.

Naka-upo ako ngayon dito sa aking trono. Hawak ko na ang lahat ng estudyante na nagmula sa Mystinious Academy.

Asan ang mga, professors? I killed them! Oo pinatay ko sila ng hindi nakikita ng mga nag sasaya sa ball. Nag bigkas lang ako ng ilang dark spells and then viola! Patay na sila hahahaha!

Kaya nga napakadali kong nawasak ang kanilang paaralan. Ngayon mag hihintay nalang ako ng hudyat upang isagawa ang aking balak. Isusunod ko nang sakupin ang buong magic world! Madali ko nalang naman yun magagawa dahil wala nang pipigil sa mga plano ko!

Patay na si Fiera. Ang sinasabi ni Cassiopeia na pipigil sa mga plano ko at mag liligtas sa magic world. Walang kwenta ang propesiya niya!

"Kapatid ko." Napatingin ako sa kapatid kong kakarating lang. Hindi makita ang mukha niya dahil nakasuot siya ng black cloak. Ramdam ko ang malakas na enerhiyang nanggagaling sa kanyang katawan. Powerful like me.

Kung nakalimutan niyo na siya, siya ang binuhay ko upang maging katuwang ko sa pagsakop ng mundong ito.

"S-sino ang babaeng iyan?"

"Don't tell me may panibagong kakampi si Elisa?"

"I can sense her powerful aura."

Rinig kong sabi ng mga naka kulong sa maliit na bolang crystal. Pero hindi ko sila inintindi.

"Handa na ba ang lahat?" Nakangisi kong tanong.

"Handa na kapatid ko. Salakayin na natin ang mga bayan nang sa ganun ay maangkin na natin ng tuluyan itong magic world." Sabi ng aking kapatid.

Tumayo ako mula sa aking trono at lumapit sa kanya.

"Kung ganun, gawin na natin ang ating mga plano." Sabi ko.

Nakita ko ang pag ngisi sa kanyang mga labi bago kami mag laho. Ilang minuto nalang ay mapapasakamay na namin ang mundong ito. Ang mundong matagal ko nang pinangarap. At maipag hihiganti ko na din ang aking anak at asawa. Humanda kayo mamamayan ng magic world dahil wala kaming ititira sa inyo kahit isa!

[ Fiera's POV ]

"Fiera..."

Unti-unti akong nagising nang marinig ko ang boses na tumatawag sa pangalan ko. Iminulat ko ang aking mga mata. Unang tumambad sakin ang mala paraisong lugar. Wala ni isang tao, maliban sakin ang nandito.

Napakagaan ng pakiramdam ko. Feeling ko napaka safe ko sa lugar na ito. Malayo sa mga mundong may gulo. Dito ay sobrang peaceful. Pero paano ako napunta dito? Teka... Hindi kaya patay na ko?!

WAAAAH POSIBLE KAYA?!

Kasi diba pinatay ako ni Elisa? Tandang tanda ko pa yun! Siguro nga patay na ako at ito na ang langit. Pero wala namang ulap.

"Fiera..."

Narinig ko nanaman ang isang bosea kaya luminga linga na ko sa paligid.

"Sino ka? Magpakita ka!" I shouted.

"Fiera."

"Ay kabayo!"

Muntik na akong matumba nang biglang may humawak sa balikat ko. Nilingon ko ang likod ko para malaman kung sino yun at bumungad sakin ang nakangiting mukha ni Cassiopeia.

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora