Chapter 11: The Mission

3.1K 107 32
                                    

Dedicated kay thantophobiagirl sa walang sawang pag cocomment niya HAHAHAHA 😂😂😂 HI SAYO!!!

==========

[ Fiera's POV ]

Kinabukasan ay tanghali na kaming nagising. Hindi agad kami nakatulog dahil sa nakita namin kagabi sa boys dormitory. Na trauma kami mga bes! Tsaka hindi naman kami papasok dahil buong araw kaming mag eempake. Pero ang mga kailangan lang ang dadalhin namin. Ang mga gamit na makakatulong sa paglalakbay.

Mabilis na sumapit ang break time kaya nang tumunog na ang bell ay lumabas na kami ng dorm para makipag kita kila Ace sa cafeteria. Duon namin pag uusapan ang gagawin naming pag lalakbay.

"Ang tagal niyo." Poker face na sabi ni Ace sa'min nang makalapit kami sa kanila.

"Eh nag impake pa kami eh!" Sabi ko naman.

"Kailangan ganun ka tagal? Kanina pa kaya kami nandito." Sabi niya. Aba't sumasagot pa!

"Nag rereklamo ka ba?" Sabi ko naman at nag pamewang pa.

"Oy tama na yan! Baka mag away nanaman kayo." Awat samin ni Patty.

"Ano bang pag uusapan natin dito?" Tanong naman ni Ynah.

Umupo na kaming tatlo.

"Aalis tayo mamayang gabi pag wala nang estudyante sa paligid. Bibigyan tayo ng headmaster ng tig iisang Pegasus para may masakyan at para mapa bilis ang ating pag lalakbay." Panimula ni Ace. Seryosong seryoso lang ito. Kami naman ay seryoso din na nakikinig sa kanya.

"Dalhin niyo lang ang mga gamit na makakatulong sa paglalakbay natin. At isuot niyo din ang inyong mga cloak. Para maka iwas sa lamig at hindi tayo makilala na galing tayo sa Mystinious Academy." Dagdag pa ni Ace.

Umabot ng isang oras ang kanyang paliwanag at lahat iyon ay natandaan namin. Kailangan namin yun sundin kahit na ang strikto niya. Baka masigawan pa kami eh.

"9:30pm. Sa gate ng academy." Sabi ni Ace bago sila lumabas ng cafeteria. Mag iimpake pa kasi sila.

"Taray ng boyfriend mo! Ang seryoso huh! Nakakatakot siya istorbohin kanina." Sabi ni Ynah habang umiinom sa kanyang juice.

She's right. Ang seryoso talaga niya, yung tipong nakakatakot istorbohin dahil feeling mo bubugahan ka nito ng apoy. Isa yun sa mga dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. Talagang seryoso siya kapag seryoso ang pinag uusapan. He's a good leader.

"Na eexcite ako sa paglalakbay natin! Pero at the same time natatakot. Quota na kasi ako sa naging mission natin dati." Sabi ni Patty.

"Ako nga din eh. Panigurado marami nanaman tayong makikilala sa labas ng academy." Sagot ko sa kanila.

"Pero Fiera, sino kaya yung bagong pinuno ng dark sides noh? I thought natalo mo na ang Dark Prince at Dark King." Sabi ni Patty.

"Oo nga. Yun din ang pinag tataka ko." Sabi naman ni Ynah.

Agad akong napa isip. Tama sila. Natalo na namin ang Dark Sides nuon. Pero ngayon nag babalik nanaman sila. Pero sino ang bagong pinuno nito?

Matapos namin kumain sa cafeteria ay bumalik na kami ng dorm para mag handa. Hanggang sa mag 9:00pm na ng gabi. Gaya ng sabi ng BOYFRIEND KO ay sinuot namin ang aming mga cloak. Red ang sakin, Blue naman kay Patty at Green kay Ynah. Nature magic kasi siya.

"Ano guys let's go? Wala na ba kayong nakalimutan?" Tanong samin ni Patty.

9:30pm na at palabas na kami ng dorm para puntahan sila Ace sa gate ng academy. Siguro naman ay anag aabang na sila dun.

"Wala na ko." Sagot ko.

"Wala na rin ako." Sagot ni Ynah.

"So, let's go!" Sigaw ni Patty.

Lumabas na kami ng dorm at pumunta sa gate ng academy. Malamig pala talaga pag ganitong oras. Pero dahil naka suot kami ng cloak ay hindi kami tinatablan ng lamig.

"Nakakatakot pala ang academy pag gabi." Sabi ni Patty habang naglalakad kami. Tama siya. Nakaka kilabot ang katahimikan at wala pang katao tao. Maliban samin.

Hanggang sa narating na namin ang gate. Natanaw namin ang tatlong lalaki na naka suot ng cloak at may dalang mga bags. Napa ngiti ako ng makita si Ace.

OMG ang cute niya sa suot niyang cloak!!! ^_____^

White na may halong black ang cloak niya. Samantalang Light blue naman ang kay Kaizer at brown kay Luke.

"Yow girls! Sakto kakarating lang din namin." Sabi ni Luke pag lapit namin.

"Halika na. Baka may makakita pa satin dito." Sabi ni Ace at naunang lumabas ng gate. Sumunod nalang kami sa kanya. Napatingin nalang ako kila Patty at Ynah na ka holding hands ang mga boyfriend nila. Samantalang ako nganga! Para akong single na mag isang naglalakad dito. Kulang nalang sumigaw ako ng 'WALANG FOREVER!!!'

Kainis tong si Ace. Napaka snobber! Ang bipolar talaga. Minsan nanlalandi, minsan masungit, minsan naman nang aasar. Ang gulo niya!

Nang makalabas na kami ng academy ay saglit kaming huminto sa paglalakad. Ilang sandali pa ay lumitaw ang limang Pegasus sa harapan namin.

Waaaaaah ang cuteee!!!! ^____^

"Kumuha na nalang kayo ng isang jan." Sabi ni Ace at sumakay sa isang pegasus.

"OMG ito akin!" - Patty.

"Ang cute nito! Ito nalang akin." - Ynah.

"Dito nalang ako sa isang to." - Kaizer.

"Ito nalang sakin." - Luke.

Napanganga nalang ako ng mag sakayan na sila sa mga pegasus nila. At ako ay nganga! Bakit kulang ng isang pegasus?! Saan ako sasakay?!

Napatingin ako kay Ace nang kunin nito ang kamay ko. "Hoy bakit kulang ng---"

"Dito ka sa likod ko."

"A-ano?" Tanong ko ulit.

"Tss. Sabi ko dito ka na sa likod ko. Hindi ka marunong mag patakbo ng pegasus." Sabi niya.

Waaaah ang yabang niyaaa!!! Pero ok lang! Atleast kasama ko siya ^____^

"K." Sagot ko at sumakay nalang sa likod ng pegasus.

OMG KINIKILIG AKO! Kahit pala nag susungit siya iniisip niya parin ako.

"Yakapin mo ko." Sabi nito.

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Y-yakapin?"

"Oo. Kung ayaw mong malaglag." Sabi niya. Mabilis naman akong yumakap sa kanya. Feeling ko nag blush ako.

"Ako lang ang pwede mong yapakin ng ganito ok?" Tanong niya. Nanlaki naman ang mga mata ko.

"Sagot."

"O-oo na!" Sigaw ko sa kanya. Natawa naman ito ng mahina. Tignan, kanina lang nag susungit ngayon naman tumatawa! Bipolar talaga.

Pero ok lang na maging bipolar siya. Kinikilig kasi ako! Ang sarap sa feeling. Lalo na pagkayakap ko siya! Ramdam na ramdam ko ang six pack abs niya at ang matigas niyang biceps! What the--- nagiging manyak na ko!

"Yieeee!" Napatingin ako kila Ynah at Patty sa kabilang Pegasus. Hindi ko napansin na lumilipad na pala kami.

"Kung makayakap ka naman parang wala ng bukas!" Asar sakin ni Ynah.

"Oo nga! Ayaw mo nang pakawalan si Ace eh." Sabi naman ni Patty.

Pinandilatan ko sila ng mata. "Tumigil nga kayo!" Sigaw ko sa kanila.

Ang lakas pa mang asar eh! >///<

==========
Sorry kung may typo.

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora