Chapter 17: Piggy Back Ride

2.4K 92 22
                                    

[ Queen Elisa's POV ]

"Paumanhin Queen Elisa. Napaslang nila si Flare at Olpha kaya hindi namin sila napaslang at napilitang tumakbo nalang." Nakayukong sabi sakin ni Raven, kasama ang kanyang kapatid na si Xinio.

Napayukom ang mga kamao ko sa kanilang sinabi. "Mga wala kayong silbe!!!" Naglabas ako ng shadow ball at binato sa kanilang dalawa.

"AAAAAAH!!!" Napasigaw sila sa sobrang sakit, hanggang sa unti unti na silang lamumin ng aking shadow ball. Ilang sandali pa ay naging kalansay nalang ang mga ito.

Iyan ang dapat gawin sa mga nilalang na walang silbi! Hindi sila maaasahan. Mga kwenta! Kung inaakala nilang ligtas na sila sa pagka't natalo nila ang Raven Tail ay nagkakamali sila. Hindi ko hahayaang makabalik sila sa mystinious academy na humihinga.

"Kawal!" Sigaw ko. Agad naman lumapit sakin ang isang kawal at yumuko.

"Yes Queen Elisa?" Tanong nito.

"Ipatawag ang Sabertooth."

***

[ Fiera's POV ]

Tahimik lang kami habang naglalakad dito sa kagubatan. Medyo sumasakit na nga ang mga paa ko. Kung hindi lang talaga namatay yung mga pegasus hindi kami maglalakad ng ganito.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong umangat, then the next thing ay nakasakay na ako sa likod ni Ace. Yung Piggy back ride!

"A-ace ibaba mo nga ako! Ano bang ginagawa mo!" Sigaw ko kay Ace. Pero patuloy lang ito sa paglalakad at hindi ako pinakinggan.

"Alam kong masakit na ang paa mo. At ayokong nahihirapan ka." Sabi niya.

Tumahimik nalang ako at pakiramdam ko namula ako sa sinabi niya. Kinilig naman ako dun sa 'Ayokong nahihirapan ka' I'm really lucky to have him.

"Yieee sweet nila oh!" Asar samin ni Patty.

"Namumula si Fiera! OMG kinikilig ako sa kanila!" - Ynah.

"Wag mo nang pakawalan yan dude." - Kaizer.

"Wasak!" - Luke.

Siniksik ko nalang ang mukha ko sa leeg ni Ace. Feeling ko kasi mas lalo lang akong namula dahil sa pang aasar nila Patty. Suminghot ako nang maamoy ko ang pabango ni Ace. Shet napaka bango niya talaga! Ang sarap niyang ikulong sa ilong ko!

Narinig kong natawa ng mahina si Ace. "Hinay hinay lang sa pag amoy. Baka masinghot mo 'ko." Natatawang sabi ni Ace.

Mas lalo lang akong nahiya dahil sa ginawa ko. Shet naman! Ganun ba ko ka obvious suminghot?!

"H-hindi kayaaa!!!" Dahilan ko nalang. Kahit obvious na obvious ang pag singkot ko sa kanya.

Pagtapos nun ay hindi na ulit ako nag salita. Pero rinig na rinig namin ang ingay nila Patty, Ynah, Luke at Kaizer. Kahit papano ay nag eenjoy ako dahil nakayakap ako kay Ace. Hihi. Mahal na mahal ko talaga ang lalaking to ^___^

==========
Vote and comment! 😊

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now