Chapter 40: Dark Monsters

1.8K 62 1
                                    

[ Fiera's POV ]

Matapos namin maglaho ni Balmond ay lumitaw kami sa isang unfamiliar place. Pero sa itsura nito ay alam kong parte parin ito ng palasyo ni Elisa.

"Saang parte ito ng castle balmond?" Pagtatanong ko kay Balmond.

"A-ang portal..." Napatingin ako sa tinititigan niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung ano iyon. Isang malaking pader at sa gitna non nakalagay ang portal.

"Nahanap natin ang portal!" Sigaw ko at nag tatalon sa tuwa.

"Tama ka. Pero wag ka munang magpaka saya. Batid kong may mga bantay ang narito." Pagkasabi yun sabihin ni Balmond ay biglang yumanig ang lupa. Pagtingala ko ay nakita ko ang iba't ibang klase ng halimaw ang papunta dito sa kinaroroonan namin.

"B-balmond.. Anong gagawin natin?"

"Takbo na dali!" Sigaw niya. Mabilis kaming tumakbo sa portal. Pero hindi pa kami nakakalayo ay biglang may mga galamay ang pumulupot sa katawan namin at ini angat kami. Pagtingin ko ay halos masuka ako sa itsura nito.

Isang halimaw na mukhang octopus isa ang namumula niyang mata. Tumutulo din yung kulay berde niyang laway. Kadiri!

"Shit. Matibay ang isang to!" Sigaw ni Balmond habang pilit na pinuputol ang galamay ng octopus gamit ang kanyang sibat.

"Subukan natin ang apoy." Sabi ko.

Hinawakan ko ng mahigpit yung galamay na nakakapit samin at habang naka kapit ako dun ay pina apoy ko ang kamay ko. Napangiti ako nang mag sisigaw ang octopus. Marahil sobra itong nasaktan. Nang mabitawan kami ng nito ay patayo kaming bumagsak sa lupa.

"Apoy ang kahinaan niya." Sambit ni Balmond.

"Kung ganun, apoy ang ipang laban natin sa kanya." Sabi ko naman.

"RAAAAAAAAH!!!!" Sigaw ng octopus. Bumwelo siya at ihahampas sa'min ang isa mga galamay niya.

"Fire blades!" Bigkas ko. May mga matutulis na fire blades ang kumawala sa kamay ko at nagliparan sa galamay ng octopus. Nang tamaan iyon ay naputol yun sa maraming parte. Nag labasan din ang kulay green niyang mga dugo. Eeeew.

Mukhang nagalit ito sa ginawa ko dahil nag wawala na ito ngayon. Kung saan saan niya ipinag hahampas ang nga galamay niya.

"Mga imp!" Sigaw ni Balmond. Sa taas ay nakita namin ang maraming imp na papunta din dito. Siguro ay isa din sila sa mga taga bantay ng portal.

"Ako nang bahala sa mga iyan." Sabi ni Balmond. Nilabas niya ang pakpak niya at lumipad para kalabanin ang mga imp.

Binaling ko ang tingin sa octopus.

"Ngayon, tayo ang mag tuos." Sinummon ko ang aking fire sword.

Muli nanaman itong nag wala. Kanina ay walo pa ang galamay niya pero dahil pinutol ko yung isa ay nabawasan ito. Pito nalang ngayon.

Nagulat ako nang sunod-sunod nitong hinampas sakin ang mga galamay niya. Tumalon talon ako para maiwasan ang bawat atakeng binibigay niya.

Aaminin ko. Maliksi itong kumilos at mabigat ang mga galamay niya. Mukhang mahihirapan akong pabagsakin ito.

Patuloy parin ako sa pagtalon talon para iwasan ang mga galamay niyang humahampas.

Hindi ko nakita ang isa niyang galamay na paparating sa likod ko kaya tumama ito sakin at tumalsik ako palayo. Gumulong gulong ako sa lupa.

Pinapahirapan ako ng bwisit na octopus na to ah.

"Masyado mo na kong pinapahirapan. Mabuti pa tapusin na kita." Sabi ko. Naglaho na yung fire sword ko.

"Arrow shower!" Sigaw ko.

Nagkaroon bigla ng malaking magic cricle sa taas ng octopus. Then sunod sunod iyon nagbagsak ng libo libong mga arrows na yari sa apoy.

Sabay sabay iyon tumusok sa katawan, ulo at galamay ng octopus. Kitang kita din ang mga kulay berde niyang dugo na umaagos kada bumabaon ang fire arrows.

"RAAAAAAAH!!!!!" Nagwala ito sa sobrang sakit.

Nang maglaho ang magic circle ay naglaho din ang mga fire arrows. Pero naiwan ang mga bakas na sugat nito sa octopus.

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now