Chapter 61: Mystinious Ball (P1)

1.9K 56 5
                                    

[ Fiera's POV ]

"Fiera gising naaaa!!!!" Muntik nang pumutok yung eardrums ko sa nakakabiging sigaw ni Ynah. Hindi ko siya pinansin. Pumikit nalang ulit ako at natulog.

"Hoy gumising kana jan kung ayaw mong mahuli mamaya sa ball!" Sigaw ulit niya sakin.

Biglang nawala ang antok ko sa sinigaw niya. Waaaahh oo nga pala mamayang gabi na ang ball! Shocks! Sa sobrang kapuyatan ko nakalimutan ko! Pano ba naman kasi, gabing gabi na kami natulog kagabi nila Patty dahil nagkulitan pa kami dito sa dorm ko pagtapos namin kausapin si Cassiopeia. Syempre namiss din namin ang isa't isa kaya nalibang kami. Feeling ko nga unti unti nang nagbabalik ang lahat.

Tumayo na ako at hinarap si Ynah. "Bat ngayon mo lang ako ginising?!"

"Anong ngayon lang?! Hello kanina pa kaya kita ginigising! Kaya lang ayaw mong magising kaya sumigaw ako." Sabi niya na ngiting ngiti.

Bumukas naman ang pinto ng kwarto at dumungaw ang ulo ni Patty. "Breakfast is reaaaady!" Sabi ni Patty.

"Ayan nagluto na si Patty! Maligo ka na at kumain para mamake up-an na kita." Sabi sakin ni Ynah.

Wala na akong nagawa kundi sundin siya. Huhu inaantok pa talaga ako! Pagtapos kong maligo ay sinuot ko na yung uniform namin at bumaba na. Naabutan ko yung dalawa na hinahanda yung lamesa.

Bigla akong nagutom nang makita yung niluto ni Patty.

Scrambled egg, bacon, tocino and fried rice. Simple lang yun pero talagang nakaka gutom.

"Kain na tayo!" Sabi ni Patty. Lumapit na ako sa kanila at nagsimula na kaming kumain.

"Grabe excited na ko mamaya!" Sabi ni Ynah habang kumakain kami.

"Obvious nga eh. Ang aga mo ba namang nagising." Sabi naman ni Patty.

"Syempre noh! Marami akong makikitang pogi mamaya bukod kay Kaizer my bebe love." - Ynah.

"Haynako buti ka pa nga excited! Ako nga eto, nganga parin!" - Patty.

"Bakit? LQ kayo ni Luke?" - Ynah.

"Oo eh." - Patty.

"Bakit?" -Ynah.

"Basta! Sa'ming dalawa nalang yun." - Patty.

Kumakain lang ako habang nakikinig sa kanilang dalawa. Hindi naman ako excited sa ball, pero makita si Ace? Sobra. Gusto ko siyang makita na nakasuot ng tuxedo. Naiimagine ko palang kinikilig na ko. Alam ko naman kasing bagay sa kanya yun.

Pagtapos naming kumain ay umakyat na kami sa kwarto ko kung saan nakalagay ang set ng mga make up ko.

"Pumikit ka! Wag kang magalaw sabi eh!" Pinapanood ko si Ynah na minemake up-an si Patty. Hindi ko nga alam kung matatapos ba tong dalawa na to. Kanina pa kasi nag sasawayan eh.

After 9999999999 years ay natapos din make-up-an si Patty.

"OMG ang ganda ko!" Sabi ni Patty na nakatingin sa salamin.

"Ikaw na Fiera!" Sabi ni Ynah.

Tumango naman ako at umupo na. "Wag makapal ah!" Sabi ko.

Nag apply lang siya ng pink lipstick at konting blush on sa mukha ko.

"Ayan! Mas maganda ka kapag simple." Sabi ni Ynah.

Ang bilis naman. Wala pang isang oras yun ah.

Pagtapos namin mag make-up ay nanonood muna kami sa sala ng TV. Sabi ni Ynah mamayang 7:00pm na daw kami lumabas para saktong ball na.

Mabilis naman na lumipas ang oras. Hanggang sa mag 6:30pm na.

"Uy ala sais na pala! Tara isuot na natin yung gown natin." Yaya ni Ynah sa'min.

"Asan ba yung gown?" Tanong ko.

"Naiwan ko sa dorm ko. Tara kunin natin." Sabi ni Patty.

Lumabas kami ng dorm ko at pumunta sa dorm ni Ynah. Marami kaming nakakasalubong na mga babaeng naka gown. Mukhang papunta na sila sa Gymnasium.

"Ito yung sayo Fiera!" Sabi ni Ynah sabay abot sakin ng Orange gown na may pagka red. Tinanggap ko yun.

"Isuot mo na daliii!" Sabi niya.

Pumunta ako sa cr at sinuot yung gown na bigay niya. Lumabas ako ng cr at napatulala silang dalawa sakin. Si Patty ay natigil sa pagsuot ng gown niya.

"Panget noh?" Sabi ko.

Dahan dahan silang umiling.

"KYAAAAH ANG GANDA MO!" Sabay nilang sigaw.

Napangiti nalang ako. "Talaga? Hindi ba baduy?"

"Hindi ano ka ba! Bagay na bagay nga sayo eh." Sabi ni Ynah.

"Jan ka muna. Susuot lang namin tong gown namin." Tumango ako at naghintay sa kanila.

Asan na kaya sila Ace? Nasa Gym na din kaya sila? Siguro.

"Ready na ko!"

"I'm done!"

Napatingin ako sa dalawa. Bagay sa kanila yung gown nila. Kay Patty white, kay Ynah naman ay lightgreen.

"Ang ganda niyo! Bagay na bagay sa inyo yang gown niyo." Sabi ko.

"Alam ko naman yun." - Ynah.

"Since birth na akong maganda." - Patty.

Natawa ako sa mga sagot nila. Ang hahangin eh.

"Let's go na daliiii!!!!" Sabi nila at lumabas na kami ng dorm ni Ynah.

Habang naglalakad kami ay marami kaming nakaka sabay na papunta din sa Gymnasium ang gaganda ng gown nila.

"Oh my gosh sana same kami ni crush ng magical necklace!"

"Kaya nga eh!"

"Sana kami din!"

Hindi ko sinasadyang marinig yung tatlong babae na kasabay namin. Anong pinag uusapan nila?

"Ano sinasabi nilang same ng necklace?" Nakakunot noo na tanong ko kina Ynah habang naglalakad kami.

"Ah yun ba? Yun yung pagpasok mo sa Gymnasium ay magkakaron ka bigla ng necklace. At kung sino yung may suot ng necklace na katulad ng sayo ay yun yung magiging partner mo tonight." Sabi ni Ynah.

"At kung maswerte ka, pwedeng mapasayo yung Queen necklace! Ikaw ang tatanghaling Queen of mystinious academy! At syempre may King Necklace din. Kung sino yung may suot nun ay siya ang magiging King mo!" Sabi naman ni Patty.

Wow. Ang magical. Kailangan ko palang ipagdasal na sana pareho kami ni Ace ng necklace. Siya lang nag gusto ko makapartner tonight.

Siya lang. Wala nang iba.

==========
Sorry kung may typo. Hindi na kasi ako nag backread.

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now