Chapter 58: What Happened?

1.8K 64 4
                                    

[ Fiera's POV ]

"Good morning Girlfriend." Pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng pinto ng dorm ko ay mukha ni Ace ang sumalubong sa'min ni Ynah.

Nakangiti siya sakin habang nakatitig ng malalim sa mga mata ko.

Kyaaaa bakit parang gumwapo siya ngayon? I mean lagi naman siyabg gwapo kaya lang mas gumwapo siya ngayon.

"Yieeeee ang aga mong kiligin inday." Biro ni Ynah at marahan akong siniko.

"Enebe. Wag ngang ano jan hihi." Bulong ko sa kanya.

"Asus pabebe pa haha. Sige maiwan ko na kayo." Kumindat muna sakin si Ynah bago umalis.

Now kaming dalawa nalang ni Ace ang narito.

"Papasok ka na? Hatid na kita." Sabi ni Ace.

Tumango ako. "Oo. Good morning nga pala boyfriend." ^_____^ ngiting sabi ko.

===

"Bakit mag-isa ka? Asan sila Luke at Kaizer?" Pagtatanong ko kay Ace habang nag lalakad kami sa hallway.

"Nauna na silang pumasok." Sagot niya.

"Eh bakit hindi ka pa sumabay sa kanila?"

"Ayoko. Mas gusto kong ikaw ang kasabay ko." Sagot niya.

Feeling ko namula ang mukha ko sa sinagot niya. Kinilig naman ang lola niyo sa sweet answer niyang yon.

"Weh talaga? Baka mas gusto si Hayley." Sabi ko.

Nanlaki ang mga mata niya at tumingin sakin. "What the f*ck? Bakit nasali nanaman yung babaeng yun dito?" Kunot noong tanong niya.

Muntik na akong matawa sa naging reaksyon niya. Hahaha seriously? Bakit parang galit na galit siya sa babaeng yun? Oh iknow, dahil yun yung dahilan ng pag aaway namin.

"Joke lang hihi." Sabi ko at kumapit sa braso niya.

Nagtaka naman kaming dalawa nang matanaw ang amg estudyante na nag kukumpulan sa labas ng headmaster's office.

"Boyfriend anong meron dun?" Tanong ko kay Ace.

"Ewan. Wag mo nang intindihin yan." Pokerface na sabi ni Ace.

Bigla akong na curious kung anong meron dun.

"Tara Ace tignan natin!" Sabi ko at hinila si Ace papunta sa labas ng headmaster's office.

"Grabe naman yung gumawa nun."

"Sino kaya ang walanghiyang yun?"

"Paano nakapasok ang kalaban dito?"

"Kawawa yung headmaster."

Kumunot ang noo ko sa narinig na bulong bulungan. A-anong nangyari dito? Anong kinalaman ng headmaster?

"Andito pala kayo!" Nagulat ako nang sumulpot bigla si Ynah sa harap ko. Kasama niya sila Kaizer, Luke at Patty.

Si Kaizer ay nakangiti sakin. Si Luke ay nag iwas ng tingin. Napansin ko naman parang aligaga si Patty at hindi mapakali.

"Guys. Anong meron dito at nagkakagulo?" Tanong ko.

"Yung..." Hindi na natuloy ni Ynah ang sasabihin niya nang biglang bumukas ang pinto ng Headmaster's office. Mula sa loob ay lumabas ang headmaster na walang malay na nakahiga sa dahan dahan na lumulutang na carpet. Habang nasa gilid naman ng lumulutang na carpet ang mga healer at ang mga magic council.

Nagulat ako nang makita ang itsura nang headmaster. A-anong nangyari sa kanya?

Kulay violet ang ulo niya at maputla ang mga balat niya. Sino ang may gawa nito?

Bigla nalang silang naglaho sa harapan namin.

"Sino ang may gawa nun?" Tanong ko kina Ynah.

Parang nag aalinlangan si Ynah kung sasabihin ba niya. Sa huli ay nag kibit balikat nalang ito. "I-I don't know."

Naging pala-isipan sakin ang nangyari. Paano mangyayari yun sa headmaster gayong doble na ang proteksyon dito sa Academy? Imposible na mayroong nakapasok na kalaban dahil kung meron man ay kailangan muna nilang wasakin ang barrier.

Maliban nalang kung...






































May traydor.

==========
Anong masasabi niyo guys?

Sorry nga po pala sa napaka tagal na update :'<

PS: Sorry kung may typo.

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now