Chapter 35: Elisa's Army

1.9K 67 1
                                    

[ Third Person's POV ]

"Bwisit!" Sigaw ni Elisa at nagpakawala ng shadow ball sa iba't ibang direksyon ng kanyang palasyo.

Galit ito sa pagkat hindi niya nagawa ang balak niya sa Mystinious Academy. Idagdag mo pang nangi alam si Cassiopeia sa kanya.

"Anong problema Queen Elisa?" Lumapit ang isang kawal sa kanya.

"Wala kang pake alam!" Sigaw nito at ginawang abo ang kawal.

Galit na galit ito na parang sasabog na.

"Tapos na! Tapos na ang aking pag hihintay. Sinasagad ako ng mga pesteng kalaban kaya hindi ko na hahayaang mabuhay pa sila ng matagal!" Sigaw nito.

Itinaas niya ang dalawang kamay niya at nag bigkas ng malalakas na dark spell. Ilang sandali ay biglang lumitaw ang malaking magic circle sa harap niya.

Nag liwanag iyon at nang wala ang liwanag ay tumambad sa kanya ang milyon milyong mga nilalang na naka black armor. May mga hawak itong malalaki at matatalim na ispada.

"Magaling... Magaling hahaha! Tagumpay! Narito na ang mga alagad kong tutulong sakin upang wasakin ang magic world!"

Lumuhod ang mga alagad niya bilang paggalang sa kanya. Kasabay ng kanyang malakas at pang demonyong halakhak.

[ Ace's POV ]

"Teka, ayun ba yung academy?" Nag tatakang tanong ni Ynah. Mula sa malayo ay tinanaw ko ang tinutukoy niya. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

Anong nangyari sa academy? Bakit sirang sira ito na parang binagyo? Hindi pwede mangyari yon lalo na't may barrier na pumoprotekta sa academy. Liban nalang kung may makapangyarihang nilalang ang nag wasak dito.

"Ayan nga Ynah. Mas lalong kailangan na natin makabalik para malaman kung anong naganap duon." Sabi ni Kaizer.

Kasalukuyan kaming nakasakay sa isang mabait na dragon. Oo napag desisyunan naming bumalik na ng academy dahil wala nang saysay ang mission namin. Wala na si Patty at nawawala si Fiera. Si Luke ay lagi nang tahimik.

Miss na miss ko na nga si Fiera. Kamusta kaya siya? Sana ayos lang siya. Hindi ko kakayanin kung pati siya mawawala.

Sana ligtas siya dahil papakasalan ko pa siya.

"Guys mukhang may gulong naganap dito." Sabi ni Ynah habang bumababa sa dragon.

Bumaba ako sa dragon at pinag masdan maigi ang kabuuan ng sirang academy. Pangalawa na ito na nasira ang academy.

Habang papasok kami sa loob ng academy ay mabagal lang ang lakad namin. Pinagamasdan namin ang bawat parteng nasira dito. May mga gumagawa naman ng mga nasirang pasilidad gamit ang mahika.

"Buti at dumating na kayo." Napatingin kami sa taong nag sabi nun.

"Headmaster." Sabay sabay naming sabi at bahagyang yumuko.

"Asan ang iba? Bakit kulang kayo?"

Nagkatinginan kaming apat. Si Luke ay napa iwas ng tingin. Naaalala niya si Patty.

"Nawawala si Fiera." Sabi ko.

"Alam niyo ba kung asan siya?"

"Walang nakaka alam samin." Sagot ko.

"Ang isa niyo pang kasama? Si Ms Skealford?"

Natahimik kaming apat.

"Patay na si Patty." Sagot ni Ynah. Nakita namin ang gulat sa mukha ng headmaster.

"Ganyan talaga ang buhay. May mga taong namama alam at kadalasan ay ang malalapit pa sa atin. Nawa'y makuha ni Patty ang kanyang katahimikan." Sambit ng headmaster.

"Si Fiera ay batid kong ligtas. Malakas si Fiera. Kaya niya ang kanyang sarili, kaya madali lang siyang makaka balik dito."

Napangiti ako. Tama ang headmaster. Makulit man si  Fiera pero malakas siya. Kaya niya ang kanyang sarili. Makakabalik siya sakin.

"Ang kailangan natin pag handaan ngayon ang pagbabalik ni Elisa. Nanggulo siya dito at sinubukan akong paslangin. At batid kong mag babalik siyang muli kasama ang kanyang mga hukbo."

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin