Chapter 5: Jealous

3.7K 131 12
                                    

[ Fiera's POV ]

Tumagal ng sampung segundo ang yakapan namin ni Ace bago ako humiwalay sa kanya. Na realize ko kasi bigla na nakakahiya yung ginagawa ko.

"Tss. Nanchansing ka pa." Sabi ni Ace.

Namula yung pisngi ko. "Hindi ah! Masama bang matuwa?" Dahilan ko.

"So pag natutuwa ka mangyayakap ka? Dapat pala ako lang lagi kasama mo tuwing natutuwa ka." Sabi niya.

"Huh?" Kunot noo kong tanong.

Hindi ko kasi na gets! Kayo gets niyo ba?

"Wala." Sabi nalang niya.

Napatigil kami sa pag uusap nang biglang nagkaron ng isang magic cirlce sa kina uupuan naming lupa. Naramdaman din namin na unti unti kaming kinukuha non. Then sa isang iglap ay nakarating na kami sa school clinic. Magkahiwalay kaming nakahiga ni Ace sa dalawang kama.

"Ok ba kayo? May nasugatan ba sa inyo?" Tanong samin ng Healer. Kasing edad lang namin siya.

Umiling naman ako. "We're fine." Sagot ko.

"Sigurado kayo? Lahat kasi ng mga students na galing sa dark forest na pinapapunta dito ay malalaking sugat ang natamo." Sabi pa ng Healer.

Ngumiti ako. "Ok nga lang kami." Ang kulit kasi eh.

Tumango ito at lumapit naman sa kama ni Ace. "Ikaw Ace ok ka lang ba? May sugat ka ba? Masama ba pakiramdam mo?" Tanong ng Healer kay Ace.

Tumaas naman ang isang kilay ko sa inasta niya. Concern ba siya o nanlalandi lang? Kung maka dikit kasi kay Ace kulang nalang ilabas na yung dibdib niya! Sinasadya niya kasing yumuko para makita yung cleavage niya! Palibhasa fitted yung uniform.

"I'm fine." Walang emosyon na sagot ni Ace.

"Sure ka? I check kaya natin?" Pangugulit ng Healer kay Ace. Aba ang kulit talaga!

"Sabing ok nga lang siya diba? Bungol ka ba o tanga lang? Ano bang hindi mo naintindihan sa sinabi niya?" Sabi ko sa Healer. Halata namang nagulat yung Healer pati si Ace sa sinabi ko.

"A-ah okay. Magpahinga nalang muna kayo." Sabi ng Healer bago umalis sa harapan namin.

Kailangan pa palang sigawan para lang tumigil. Tss.

"Bakit sinigawan mo?" Kunot noong tanong ni Ace.

"Anong gusto mo? Pabayaan ko? Duh! Nialalandi ka kaya niya!" Sabi ko.

"Tss. Nag tatanong lang naman yung tao." Sabi niya.

"So kinakampihan mo pa siya?"

"Hindi naman sa ganun. Kaya lang---"

"Ok fine kasalanan ko na! Kampihan mo  yun! Palibhasa gusto mo rin eh."

"Hindi ko gusto yun! Tsaka Hindi ko siya kinakam---"

"Eh ano? Pinag tatanggol mo lang?"

"Hindi rin! Mali kasi yung---"

"Oo na ako na mali!"

"Pwede makinig ka muna?"

"Nye nye nyeee! Wala akong naririnig!" Tinalikuran ko siya at tinakpan ang magkabilang tenga ko. Bahala siya jan.

"Makinig ka nga mun---"

"NYE NYE NYEEE WALA TALAGA AKONG NARIRINIG!" Sigaw ko pa.

"Tss." Sabi niya at narinig ko pang nag buntong hininga.

Bumukas ang pinto at pumasok sila Ynah, Patty, Luke at Kaizer.

"Thanks god you're fine!" Sabi samin nila Patty nang makalapit na sila. Lumapit naman yung dalawang lalaki kay Ace.

Tumayo na ako at bumaba ng kama. "Yeah I'm fine. Let's go." Sabi ko at hinatak na sila Ynah palabas ng clinic. Bwisit na Ace yan! Binadtrip pa ko.

"Hoy teka nga! Ano bang problema mo at kung makahatak ka parang may nilalayuan ka?" Tanong sakin ni Patty.

"Oo nga! Pansin ko din. Plus yung itsura mo pang lukot." Sabi naman ni Ynah.

Huminto ako at nag cross arms. "Pano ba naman kasi. Nakaka inis si Ace!" Nakasimangot na sabi ko.

"Oh ano namang problema niyo ni Ace?" Tanong ni Patty.

Kinwento ko sa kanilang dalawa ang naganap sa clinic bago pa sila dumating. Yung panglalandi ng Healer kay Ace at yung bangayan namin.

"Ay naku girl! Isa lang dahilan kaya nagkaka ganyan ka!" Sabi ni Patty matapos kong mag kwento.

Kumunot yug noo ko. "Ano?"

"Nag seselos ka!!!" Sabay na sabi nila Patty at Ynah.

"H-hoy hindi! Hindi ako nag seselos noh!" Sigaw ko sa kanila. Bakit feeling ko namula ako? >///<

"Yieeee wala kang maloloko dito! Nag seselos ka!" Pang aasar ni Patty sakin.

"Hahaha selos yang nararamdaman mo Fiera! Waaaah kenekeleg ekeee!" Sabi naman ni Ynah.

"Hindi nga ako nag seselos! Bahala nga kayo jan!" Sigaw ko sa kanila at nauna nang naglakad.

Bahala sila. Sabing hindi nga ako nag seselos eh!

***

[ Ace's POV ]

"Ano? Ginawa niya yun sa Healer?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kaizer matapos kong ikwento ang nangyari kanina sa clinic.

"Oo. Mukhang sasabog pa nga sa sobrang galit." Sabi ko pa.

"Aba ang tindi mo dre! Nag seselos yun kaya ganun!" Sabi naman ni Luke.

Andito nga pala kami sa dorm ngayon. Nag ditched kasi kami sa huling klase namin.

"Alam ko. Kaya nga nag iisip ako ng paraan kung pano ako hihingi ng tawad sa kanya." Sabi ko.

Nagulat nga ako sa ginawa ni Fiera kanina sa Healer. Hindi ko inakalang may pagka maldita pala siya. Tss. Mga babae nga naman. Ang bilis magalit dahil lang sa maliit na bagay.

Nagkatinginan ang dalawa at parang nay ideyang pumasok sa utak nila.

"Oh ano nanamang iniisip niyo?" Tanong ko sa kanila.

"Alam na namin kung pano ka niya mapapa tawad!" Sabi ni Luke.

"Brad, sigurado na kapag ginawa mo to mapapatawad ka niya. Baka nga sagutin ka na non." Dagdag pa ni Kaizer na nakangiting tagumpay.

Kumunot naman ang noo ko. Ano naman kayang pinaplano ng dalawang to?

==========
Sorry po sa sobrang tagal ng update! Nag papa load lang kasi ako pang surf haha 😂😂😂

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now