Chapter 52: Make Him Mine

2K 65 32
                                    

[ Ace's POV ]

"Ynah ito na yung box na kailangan niyo." Poker face kong sabi at ibinaba ang box na dala ko sa sahig. Tss. Kung hindi lang talaga kami pinilit na tumulong dito ay hindi talaga ako tutulong. Mas gugustuhin ko nalang na manatili sa tabi ni Fiera.

"OMG who is this cute guy?" Nagulat ako nang biglang may pumulupot na braso sa braso ko. WTF?!

Kung hindi ako nag kakamali ay siya ang designer ng gym. Pero pake ko naman?

"Get off me!" Sabi ko at inalis ang braso niya.

Nairita na ako nang ibalik niya ulit yun. "Ang choosy mo naman! Alam mo bang yan ang gusto ko sa mga lalaki?" Malanding sabi niya.

Tinatanong ko ba?!

"I don't care. I said get off me!" Naiinis kong sabi. Pero lumawak lang lalo ang ngiti niya at para pang kinikilig pa.

WTF?! Siya lang ang nakita kong tinataboy na pero kinikilig pa!

"Ayoko nga. Date muna tayo~" Nanlaki ang mga mata ko. Ano daw? Date niya mukha niya. Tss.

Mag sasalita na sana ako nang inunahan na ako ni Ynah.

"Hoy babae! May girlfriend yang nilalandi mo!" Naka pameywang na sabi ni Ynah.

"I don't care! Kahit may asawa pa siya basta nagustuhan ko akin na! Tsaka.." Nagulat ako nang hinaplos haplos niya yung chest ko at parang nang aakit.

"Wala pang lalaki ang umaayaw sa kagandahan kong ito..." She said with her seductive voice.

Naiirita na talaga ako sa babaeng to. Kung lalaki lang to kanina ko pa to nasapak. Pasalamat lang talaga siya at babae siya.

Inalis ko ang kamay niya sa braso ko at nilayo ko siya sakin.

"Wag ako miss. Ibang lalake nalang ganyanin mo." Inis kong sabi. Aalis na sana ako nang bigla niya akong yakapin sa likod.

What the... What's the problem of this girl?!

"Aba aba hoy Hayley Parrot! Tigilan mo nga si Ace! Sinabi nang may girlfriend yan eh! Humanap ka nalang ng iba mong malalandi!" Sigaw sa kanya ni Ynah.

"Tumahimik ka jan babaeng mukhang linta!" Sigaw naman sa kanya ng babaeng to.

Bumaling siya sakin at ngumiti.

"So cute guy, I'm Hayley and you are?"

"Tss." Tumalikod na ako at nag lakad palayo. Pero hindi pa ako nakaka labas ng sumigaw nanaman siya.

"Magiging akin ka din cute guy!"

Hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy lang ang lakad ko.

That girl is crazy.

[ Hayley's POV ]

Ay may POV pala ako ako bawahaha! K fine susulitin ko na to.

Kilala niyo naman na siguro ako diba? Pero sige, uulitin ko para sa mga tanga.

I'm Hayley Parrot. But you can call me Hayley. Ako lang naman ang nag iisang magandang nilalang sa balat ng mortal world na pinadala dito sa Magic World upang maging designer.

Sikat kasi ako sa Mortal World. Kalat sa iba't ibang bansa ang mga businesses ko. At sa pamamagitan ng pag dedesign ng mga parties, buildings and other occasions ay yumaman at naging sikat ako.

Pero kung inaakala niyong normal ako ay hindi! Dahil abnormal ako! Charot lang.

May magic din ako tulad ng mga nag aaral dito. I'm a mind controller.

Balik tayo sa kasalukuyan. Pagkatapos kong isigaw ang...

"Magiging akin ka din cute guy!"

Hindi niya ako pinansin at tuloy tuloy lang siya sa paglalakad niya.

Ngumiti ako at tumaas ang isang kilay ko. Sa tagal kong nag eexist sa mundo ay wala akong nahanap na lalaking gusto ko. Kahit na marami ang nag kakandarapa sakin!

Pero ngayong nahanap ko na siya. Si Cute guy ay hindi ko na siya papakawalan! Feeling ko nga destiny kami eh.

Basta. Kahit may girlfriend siya o kahit asawa ay wala akong pake! Basta gagawin ko ang lahat maging akin lang siya. Minsan lang ako magka gusto sa isang lalaki kaya hindi ko na to papalampasin pa. Kaya kung sino man ang girlfriend niya ay mag balot balot na siya.

I will do anything to make him mine.

==========
Sorry po kung lame!

Anyway anong masasabi niyo kay Hayley? Hahaha

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon