Chapter 41: Killing The Octopus

1.8K 70 6
                                    

[ Fiera's POV ]

Patuloy parin sa pag atake ang octopus. Galit na galit ito at gustong gusto akong durugin. Ngunit ang bawat hampas ng galamay niya ay siya namang iwas ko.

"Feros.." Bigkas ko nang mag balak itong atakahin ako gamit ang natitira niyang mga galamay.

Biglang umusok ang mga galamay niya at kalaunan ay binalot ito ng apoy. And then in just one snap ay naging abo ang mga galamay niyang bumagsak sa lupa.

"Ano lalaban ka pa?" Sigaw ko sa octopus. Hindi na siya makapalag pa dahil wala na ang mga galamay niyang ipinang lalaban niya. Tanging ulo at katawan nalang ang mayroon siya.

Para siyang isang pusit na pinutulan ng mga galamay.

"Fire board." Nagkaroon ng magic circle sa paa ko. Lumipad agad ako paikot sa octopus. Lahat ng dinadaanan ko ay nag iiwan ng bakas ng apoy. Hanggang sa maikutan ko na ng buo ang octopus. Lumipad na ako pabalik sa pwesto ko kanina.

Napangisi ako nang makita kung ano ang nabuo ko. Ang mga apoy na iniwan ko kanina ay nakapaligid na ngayon sa octopus. Para siyang naka kulong sa hawla na gawa sa apoy.

Tinapat ko ang kamay ko sa kanya. "Fire chain." Lumitaw ang maraming kadena sa mga apoy na iniwan ko sa paligid niya. Pumulupot iyon sa kanya. Pilit siyang kumakawala pero hindi niya kaya,  kaya ang tanging nagawa nalang niya ay ang sumigaw sa sobrang sakit.

Nang naka tali na ang buong katawan niya ay nag bigkas ulit ako ng spell. "Fire spears."

At gaya ng fire chain ay naglabasan din ang mga fire spears sa mga apoy na iniwan ko sa paligid niya. Tumusok ang lahat ng iyon sa buong katawan niya. Wala siyang nagawa kundi tanggapin iyon dahil wala naman siyang laban sa pagkat naka gapos siya.

"It's time for my final wave." Sabi ko sabay ngisi.

"Spell explosion." Bigkas ko. Biglang sumabog ang mga fire chains, fire spears pati ang mga bakas ng apoy na iniwan ko sa paligid niya. Kontrolado ko ang pagsabog kaya hindi kami nadamay.

Sa isang iglap ay naging mala bundok na abo ang itsura nito.

==========
Sorry kung maikli and lame. Sabog po ako ngayon eh haha 😂

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now