Chapter 21: Traitor

2.3K 87 2
                                    

[ Fiera's POV ]

"Andito na tayo." Sinabi ni Erza bago siya huminto sa pintuan ng isang malaking bahay. Sa pagkaka alam ko ay naririto kami sa kalagitnaan ng gubat. Oo dito naka locate ang bahay ni Erza. Ang weird nga eh.

"Woah. You sure bahay mo yan?" Hindi makapaniwalag tinanong ni Patty.

Tumango naman si Erza. "Oo. May problema ba?"

Mabilis namang umiling si Patty. Binuksan ni Erza ang pintuan at naunang pumasok sa loob. Nagkatinginan muna kaming anim bago sinundan sa loob si Erza. Inilibot ko paningin sa buong bahay. Ang laki at ang daming kwarto. I wonder kung sino ang mga nagkakwarto duon.

"Erza, ikaw lang ba mag isa ang nakatira dito?" Pagtatanong ko.

"Oo." Mabilis niyang sagot.

"Maiwan ko muna kayo. Feel at home." Sambit niya bago tumalikod at umalis.

"Grabe. Ang laki ng bahay niya noh?" Namamangha na sambit ni Patty.

"Oo nga eh. Tapos siya lang ang naktira dito." Sinabi naman ni Ynah.

"Akala ko ba may mga kaibigan siya? Sabi pa niya ipapakilala niya daw tayo." Sabi naman ni Luke. Si Kaizer naman ay inoobserbahan ang mga gamit.

"Hindi dapat tayo mag tagal dito." Biglang sinabi ni Ace. Napatigil si Kaizer sa ginagawa.

"Bakit Ace?" Pagtatanong ni Kaizer.

"Ace naman! Hanggang ngayon pinag hihinalaan mo parin si Erza? Pinatuloy na nga niya tayo sa bahay niya eh." Sabi ko kay Ace.

"Tss. Hindi parin sapat yun. Hindi natin siya lubos na kilala kaya wag kang agad mag titiwala." Sabi ni Ace. Tumahimik nalang ako. Fine ako na ang mali -__-

***FAST FORWARD***

"Ang tahimik noh? Nakakapanibago lang." Pagsasabi sakin ni Patty habang sinusuot ko ang aking red cloak. Kakatapos lang namin mag shower tatlo. Andito kami ngayon sa isang kwarto. Tatlo kami dito nila Patty at Ynah. Then sa kabilang room naman ang tatlong boys.

10:30pm na din kaya I'm sure na madilim na labas. Nakakatakot pala dito kapag gabi. Ang tahimik tapos kuliglig lang ang tanging maririnig mo. Bukod pa dun ay baka may mga dark creatures pa nag gagala.

"Oo nga eh. Hindi ako sanay." Sabi ni Patty. Umupp muna ako sa kama namin at nakipag kwentuhan sa kanila.

[ Ace's POV ]

"Ace ano bang ginagawa natin dito? Baka mamaya makita tayo ni Erza." Sinabi sakin ni Kaizer habang nagtatago kami sa malaking puno.

Kukuha lang sana ako ng tubig kanina pero nang makita ko si Erza na lumabas dala ang ispada niya ay agad akong bumalik ng dorm at hinila si Kaizer para kasamang sundan si Erza. Dahil kagaya ko ay masama din ang kutob niya kay Erza.

"Hindi ba gusto mong malaman kung may tinatago ba si Erza? Susundan natin siya para malaman kung may tinatago ba siya." Pagsagot ko kay Kaizer.

Napabuntong hininga siya. "Sige. Kung ito ang paraan."

Tinanguan ko siya bago lumabas sa punong pinag tataguan. Nang maglakad na si Erza ay sinundan namin siya. Bawat hakbang namin ay sinisigurado namin na hindi niya maririnig.

Sa ilang segundong paglalakad bago tumigil siya sa madilim na parte ng gubat. Luminga linga muna siya sa paligid para tignan kung may ibang tao pa ba. Agad kaming napatago ni Kaizer sa likod ng puno. After 5 seconds ay sumilip ulit kami. Nakita namin siyang nagsasalita mag isa. Kumunot ang noo ko at nag katinginan kami ni Kaizer. Siguro ay pareho kaming na weweirduhan sa ginawa ni Erza.

"Mabuti naman at dumating ka na." Mula sa dilim ay lumabas ang isang lalaking naka itim na cloak.

"Ano nakuha mo ba sila?" May lumabas ulit sa dilim. Pero babae na ngayon.

"Oo. Nasa bahay ko na sila ngayon." Sagot sa kanila ni Erza.

"Sino ang tinutukoy nila?" Bulong sakin ni Kaizer.

"Tayo. Tayo lang naman ang nasa bahay niya ngayon hindi ba?"

Tumango si Kaizer. Sumilip ulit ako para tingnan sila Erza.

"Tayo na. Paslangin na natin ang mga paslit na nanggaling sa Mystinious Academy."

Natigilan kami ni Kaizer at nagkatinginan. Shit! Sinasabi ko na nga ba! Hindi maaaring pagkatiwalaan ang babaeng to!

"Kailangan nila malaman to." Sabi ko.

"Umalis na tayo dito." Sabi naman ni Kaizer. Mag lalakad na sana kami nang biglang mag laho ang punong tinataguan namin.

"Sinasabi ko nga ba at may mga nilalang na kanina pang nag mamanman sa'tin." Sabi ng babaeng naka itim na cloak habang matalim na nakatitig sa'min.

Sh*t. Naloko na.

==========
Sorry kung may typo.

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now