Chapter 27: Incantation

2.2K 80 16
                                    

[ Fiera's POV ]

*Booogsh*

Napapikit nalang ako ng ihagis niya ako sa isang puno. Ramdam na ramdam ko ang dugo na umaagos sa labi ko. Bugbog sarado na ako sa kanya. Hindi ko alam kung pano ko siya lalabanan dahil napaka lakas ng kapangyarihan niya.

"HAHAHA! Nakapa satisfying na makitang labis kang nasasaktan! Damang dama ko ang pananakit ko sayo." Humahakhak na sabi ni Elisa. Nakabulagta ako ngayon sa harapan niya. Hindi ako makatayo dahil nga sa sobrang bugbog ng katawan ko.

"Bakit hindi mo nalang ako patayin?" Nahihirapang sabi ko.

"Ayoko. Ayokong basta ka nalang patayin. Gusto kong dahan dahan! Gusto kong mag dusa ka."

Kahit nahihirapan ay pinilit kong makatayo. Hindi dito matatapos ang buhay ko. Kailangan ko siyang labanan.

"Fire chain..." Bulong ko. Nagulat si Elisa nang magkaroon ng kadenang apoy ang katawan niya.

"What the hell?! Sa tingin mo ba may magagawa ang fire chain na to?!"

"WALA!" Kasabay ng pagsigaw niya ay nadurog ang fire chain na ginawa ko.

"Wag mo nang tangkain lumaban!"

Inangat niya ang kamay niya. Kasabay ng dahan dahan kong pag angat sa lupa. Napa hawak ako sa leeg ko dahil nasasakal ako.

"Die bitch!" Sigaw niya sakin. Naramdaman ko nalang ang sarili ko na tumilapon at humampas nanaman sa puno. Bumagsak ako sa lupa. Hindi ko na kaya. Hirap na hirap na akong labanan siya.

"Mag handa ka na dahil mawawala ka na dito sa Magic World! Wahahaha!"

Anong ibig niyang sabihin? Papatayin na ba niya ba ako?

"ł$ł₦λ$λMØ κØ λ₦G λκł₦G κλPλ₦G¥λrłҤλ₦... ÐλŁҤł₦ λ₦G BλBλE₦G łŦØ $λ MU₦ÐØ₦G PU₦Ø₦G PU₦Ø ₦G κλÐłŁłMλ₦ λŦ κλMλŦλ¥λ₦!!!" Sigaw niya.

Kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang mga binanggit niya. Pero alam kong isang iyong incantation. Kumidlat ng malakas. Nagkaroon ng magic circle ang lupa. Napa pikit nalang ako dahil sa lakas ng liwanag non. Kulay itim.

"AAAAAAAAHHHH!!!!!" Napasigaw ako nang higupin ako nito pailalim. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Wala din akong ibang makita kundi itim.

Saan ako nito dadalhin?!

==========
Short update lang po :'>

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now