Chapter 51: Hayley Parrot

1.9K 66 13
                                    

[ Fiera's POV ]

Abala ang lahat para sa gaganaping Mystinious Ball sa next week. Pero ako andito lang sa cafeteria at pakain kain.

Aba ayoko ngang magpaka abala. Wala naman akong mapapala jan noh. Kakain nalang ako wahaha.

Pero lahat sila ay kasama sa pag hahanda. Sila Patty, Ynah, Luke, Ace, at Kaizer. Yung boys ay tumulong sa pagbubuhat ng mga boxes para pang design sa gymnasium. Habang yung mga girls naman ay ang nag dedesign.

Pero sabi nila ay may darating daw na designer galing sa mortal world. Pero ang designer daw na yun ay sikat at mayaman sa mundo ng mga tao. Well, I don't care naman. Basta kakain nalang ako dito.

[ Ynah's POV ]

"Akin na yung ribbon na yun!" Sabi ko sa babaeng hindi ko kilala. Naiirita naman niyang inabot sakin yun.

Aba ang arte! Baka gusto niyang isumbong ko siya sa adviser namin! Siya kasi yung naka assigned na maging parang secretary ko at bawal siyang umangal.

Andito kami ngayon sa gymnasium at abala sa pag redecorating dito sa loob. Marami kami dito. Ang mga girls ang nag dedecorate at mga boys naman ang nag bubuhat ng mga boxes na kakailanganin namin. Si Patty ay sa kabilang side ng gym nag dedesign.

Si Fiera? Aba ewan ko. Ang sabi niya tatambay lang siya sa cafeteria dahil ayaw niyang tumulong dito.

Tanaw ko nga dito sila Ace na busy sa pag bubuhat. Naawa naman ako nang makita ko si Kaizer na pawis na pawis. Shet yung baby ko kawawa naman!

"Good morning everyone!" Napatingin kami sa babaeng kakarating lang. Siya na siguro ang designer.

"Wow ang ganda niya!"

"Ang sexy niya!"

"Nakakatomboy naman siya."

"Ang sarap niya."

Kanya kanya silang bulong nang makita ang designer namin. Maganda nga siya at sexy. Galing siya sa mortal world pero hindi siya normal. Katulad din siya namin.

"Thanks for the compliments. I'm Hayley Parrot by the way. Your Beautiful and sexy designer." Maarte niyang sabi at kumaway pa.

Aba. Feeling artista naman to. Hoy designer ka lang!

"Ynah ito na yung box na kailangan niyo." Poker face na sabi ni Ace at nilapag ang box sa sahig. As I know pinilit lang talaga sila tumulong dito dahil kung hindi ay ipapatapon sila sa kulungan ng academy.

"Sige. Thanks Ace." Sabi ko at nag design na.

"OMG who is this cute guy." Lumingon ako at nanlaki ang mga mata ko nang makitang naka pulupot ang braso ni Hayley sa braso ni Ace. Si Ace naman ay gulat din.

What the! Haliparot pala ang babaeng to! Humanda ka kay Fiera!

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now