Chapter 43: Pagbabalik

2K 73 10
                                    

[ Ace's POV ]

Naka-upo ako ngayon sa sanga ng isang mataas na puno. Sa tapat ng academy. Habang naka upo ako ay si Fiera lang ang pumapasok sa isipan ko.

Gustong gusto ko na siyang yakapin at mahalikan. Sana ligtas siya kung nasaan man siya. Pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung hindi ko lang sana siya hinayaang umalis mag isa ay hindi sana siya nawala. Kung binantayan ko lang sana siya.. Kung nasa tabi lang sana niya ako...

Kasalanan ko to. Kasalanan ko kung bakit siya nawala.

I miss her.

"I miss you Fiera.." Bulong ko sa sarili ko.


"I miss you too." Natigilan ako nang may mag salita bigla sa ibaba ng puno. Agad ko itong nilingon. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

"F-fiera?" Nauutal kong sabi.

Bumalik siya. Bunalik ang babaeng mahal na mahal ko.

"Ako nga! I miss you boyfriend koo!" Sigaw niya.

I smiled. Tumalon ako sa puno at sinunggaban ito ng yakap. Fvck. My heart is beating so fast..

"I miss you too.. Girlfriend ko." Ang higpit ng yakap ko sa kanya. Pinaparamdam kong ayaw ko na siyang pakawalan pa.

[ Fiera's POV ]

So ayun konti nalang talaga maiiyak na ako dahil nag kita na kami ng mahal na mahal kong boyfie. At hindi lang yun!  Dahil yakap pa niya ako ngayon! Ramdam na ramdam ko ang pag mamahal niya sakin.

Kyaaaah! I miss him so badly!!!!! Namiss ko yung mukha niya, yung pabango niya, presence niya, lahat na miss ko sa kanya!!!

Kaya kami mabilis nakarating dahil nag teleport kami. Dapat nga diretso kami sa academy pero nahagip ng maganda kong mata ang napaka gwapo kong boyfriend.

"Akala ko iniwan mo na ako." Sabi niya at hinarap ako.

"Pwede ba yun? Mahal na mahal kaya kita." Sagot ko.

Nakita kong namula ang tenga niya at nag iwas siya ng tingin. OMG kinikilig boyfriend kooo!!!! Ang kyot kyot!

I pinched his cheeks. "Ang cute cute ng boyfriend ko!" ^______^

"Fiera mashaket---" Wahaha ang cute talagaaa! Mukha siyang cute na baby *v*

"OMO. Fiera is that you?!" Napatigil ako sa pag kurot ng pisngi ni Ace nang ma nag salita mula sa likod ko. Hindi ko makakalimutan ang boses na yun!

"Waaaah Ynah!!!!" Nilapitan ko siya at niyakap. I miss this gaga.

"Hoy kamusta ka na? Buti bumalik ka pa?" Pang aasar niya. Pero kita ko ang pagkamiss niya sakin through her eyes.

"Syempre naman noh. Hindi ako papayag na mahiwalay sa inyo." Sabi ko.

"Ehem..." Napatingin kami kay Balmond.

Hala oo nga pala andito pa siya haha.

Tumabi ako kay Balmond. "Guys meet my new friend. Guys si Balmond, Balmond si Ace at Ynah."

"Hello!" Kumakaway na sabi ni Ynah.

"Hi? Ikinagagalak ko kayong makilala." Tumingin siya sakin at ngumiti.

Bigla akong hinigit ni Ace at itinabi sa tabi niya. "She's mine." Sabi niya kay Balmond habang matalim niya itong tinititigan. I swear, kung nakamamatay lang ang titig naka bulagta na ngayon si Balmond.

Ngumiti lang si Balmond kay Ace na parang inaasar niya pa ito.

"Tsk." At mukhang naasar naman si Ace.

Abuugh. Bwisit tong taong ibon na to marunong nang mang asar huh.

"Ah Ynah, asan pala sila Kaizer at Luke?" Tanong ko kay Ynah.

"Nandoon sila sa loob. Tara puntahan natin sila. Miss na miss ka na din ng mga yun eh."

Bago pa mag away sila Balmond ay Hinila ko na si Ace papasok sa academy. Si Ynah naman ay kinakausap si Balmond.

Haaay. Namiss ko itong Mystinious Academy!

==========
Thank you sa mga nag vote previous chapter! And here's the update. Sorry kung natagalan.

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora