Chapter 3: Dark Forest

4.3K 168 13
                                    

Figh scene nanaman ito! Haha namiss ko talaga gumawa ng fight scene kaya eto. Enjoy reading!
==========

[ Fiera's POV ]

Ikinumpas ng trainer ang kanyang kamay at biglang may portal ang lumitaw sa harapan namin. Portal na patungo sa ibang dimension.

"Ito ang dark forest portal. Oras na pumasok ka sa loob nito ay dadalhin ka ng portal na to sa Dark Forest. Ang lugar na hindi mo nanaisin puntahan. Pero dun niyo kailangan makipag laban para ipakita kung hanggan saan ang mga natutunan niyo." Nag patuloy lang sa pag papaliwanag yung trainer habang kami ay seryosong nakikinig lang.

Hindi biro ang gagawin namin ngayon! Pwede naming ikamatay yan noh!

"Ok. Simulan na natin ito." Seryosong sabi ng trainer. Napalunok kami sa kaba. Ito na. Haharap nanaman ako sa dark creatures! Ang nilalang na kinasusuklaman ko.

Naunang tinawag ang dalawa naming kaklase. Meaning na sila ang unang pupunta sa dark forest at makikipag laban sa mga dark creatures. Halata namang kinakabahan sila at pinag papawisan.

Kahit ako. Kahit hindi pa namin turn ay hindi ko maiwasang hindi kabahan.

Pero lumipas na ang isang oras ay hindi parin nagbabalik yung dalawa. Nagtataka kami kung buhay pa ba sila or... Hindi na?

"Ligtas na sila. Kasalukuyan na silang nasa clinic upang gamutin ang kanilang mga sugat." Sabi ng trainor habang nakatingin sa mga palad niya. Ginamit niya yata ang salamangka niya upang malaman kung ano nangyari sa dalawa.

"Next..." Natahimik ang lahat ng mag salita ang trainor. Walang gustong sumagot. Syempre lahat takot. Napapalunok na lang ako at nag dadasal na sana hindi ako yung tawagin. Huhu wag naman sana ako.

"Fiera at Ace." Tawag samin ng trainor.

Nanlaki ang mga mata ko. Sabi na eh! Wala talaga akong ligtas dito! Tumayo na si Ace at tinignan ako.

"Let's go." Nakangiting sabi nito.

"Anong let's go? Hindi ka ba natatakot?" Tanong ko sa kanya. Kasi naman! Kung maka 'Let's go' akala mo game na game siya! Hello! Si kamatayan kaya ang nag hihintay samin sa loob ng portal na yan!

"Nope. Kahit sa impyerno pa yan basta ikaw ang kasama, hindi ako natatakot." Sagot niya. Spell speechless?

F-I-E-R-A !!!

Spell kinilig ng bongga?

F-I-E-R-A   K-I-M   C-R-E-S-S.

Hindi ko namalayan na hinila na niya pala ako patayo at pumunta sa tapat ng portal. Waaaah ayoko!

"Ace natatakot ako." Sabi ko.

"Wag kang matakot. I'll protect you. No matter what." Sagot niya at nginitian ako.

Napangiti naman ako at nabawasan ang kaba sa dibdib. Feeling ko na tuloy safe ako kapag kasama ko siya.

"Ready Mr. Nixon and Ms. Cress?" Tanong ng trainer samin.

"Go Fiera! Kaya mo yan!" Pag cheer sakin nila Ynah at Patty.

"Galingan mo dude!" Sigaw naman nila Kaizer at Luke kay Ace. Wait bakit parang double meaning yung sinabi nila? Ay ewan.

"Ready na kami." Si Ace yung sumagot.

Naramdaman ko nalang na hinigop na kami ng portal.

Uwaaa this is it!

***

Pag dilat ko ay nakita kong napapaligiran kami ng nag tataasang mga puno. Madilim ang paligid at mahamog. Tanging sa buwan lang nanggagaling ang liwanag.

"Ace ito na ba ang dark forest?" Tanong ko kay Ace.

"Ito na nga. Wag kang lalayo sakin." Seryosong sabi niya.

Nag simula na kaming maglakad sa dark forest. Ang itsura nito ay parang yung forbidden forest sa harry potter. Habang naglalakad kami ay magka hawak ang kamay namin ni Ace. At pagtingin ko sa kanya ay nakangiti pa ito.

"Hoy anong nginingiti ngiti mo jan?"

"Wala lang. Masaya lang ako dahil nasolo kita." Sagot niya. Yun lang?! Eh samantalang ako dito halos mamatay na sobrang takot tapos siya nag eenjoy lang?! Ang unfair naman!

"Jusko pa chill chill ka lang jan eh ako nga malapit nang atakihin sa puso kakaisip ng mga bagay na pwedeng mangyari satin dito!" Sabi ko.

"Kahit sa impyero pa nga basta kasama kita mag eenjoy lang ako." Cool na sabi niya.

Napa irap nalang ako. At the same time ay kinilig. Nagagawa niya pa kong pakiligin sa ganitong sitwasyon?! Kakaiba talaga ang lalaking to.

"Raaaaawr..." Napahinto kami sa paglalakad at napakapit ako ng mahigpit sa braso ni Ace nang biglang may umungol. As in nakaka kilabot yung ungol! Talagang iisipin mo na isa yong mabangis na halimaw.

"A-ano yun?" Nauutal na tanong ko kay Ace dahil natatakot na ko.

"Hindi ko alam. Pero isa yong dark creatures, at nararamdaman kong papalapit na siya satin kaya mag handa ka." Sambit niya.

Mas lalo ko lang hinigpitan ang kapit ko sa braso ni Ace. Naman eh! Mas lalo lang akong natakot sa sinabi niya! Pero tama siya. Kailangan kong mag handa dahil kahit ano mang oras ay pwede kaming atakihin ng halimaw na yun.

==========
CUT! Anong comment niyo sa chapter na to guys? 😂

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now