Chapter 14: Powerless

2.5K 98 16
                                    

[ Fiera's POV ]

"We are the Raven Tail." Sabay sabay nilang sabi. Nagkatinginan kami ni Patty at pareho kaming nag tataka. Raven tail? Sa pagkaka alam namin ay sila ang mga rebeldeng nilalang dito sa Magic World.

"Confirm. Kalaban ang mga yan, at malamang na may nag utos sa kanila upang atakihin tayo." Sabi ni Patty. Healer si Patty kaya agad na nag heal ang kanyang sugat sa braso.

"Anong gagawin natin? Kailangan malaman ito nila Ace." Sabi ko kay Patty.

"Tama ka. Kailangan nila malaman to kung sakaling mang tayo nga ang puntirya nila." Sabi ni Patty.

"Mag handa ka. Aatake ulit sila." Sabi ni Patty na diretso lang ang tingin sa direksyon ng Raven Tail.

"Ako si Flare!" Sabi ng babaeng pula ang buhok. Siya din yung babaeng Hair Warrior.

"Ako naman si Olpha." Sabi naman ng lalaking dark blue ang buhok.

"I'm Raven." Sabi ng lalaking violet ang buhok.

"Xinio." Sabi naman ng lalaking naka maskara ng pang clown.

"At kami ang ipinadala upang paslangin kayo!" Sigaw nila.

Nilingon ko si Patty. "Tama ka. Pinadala nga sila dito at tayo ang puntirya nila." Sabi ko.

"Kailangan natin to sabihin kila Ace." Sabi niya. Agad naman akong tumango. Mukhang mapapalaban nanaman kami.

"Katapusan niyo na mga bata!" Sigaw nung Olpha. Naglabas ito ng bolang asido sa mga kamay niya at ibinato sa direksyon namin ni Patty.

"Kumapit ka sakin." Sigaw ko. Agad naman kumapit si Patty sa balikat ko. Tatama na sana samin ang bolang asido pero mabilis kaming nakapaglaho kaya sa puno yun tumama.

Ang laking tulong talaga nitong teleportation spell. Lumitaw kami sa lugar namin kung asan sila Ace. Naka upo parin sila at nag papahinga. Pero napatayo sila nang makita nila kami at ang suot na cloak ni Patty na punit punit na.

"Anong nangyari sa inyo?" Tanong ni Luke.

"May umatake samin habang nag lilibot kami kanina. Raven tail ang pangalan ng grupo nila. Ipinadala daw sila para paslangin tayo! Pinag tangkaan pa nga kaming patayin ni Patty kanina, mabuti nalang naka takas kami agad." Pagpapaliwanag ko. Nagulat sila at napamura sa pinaliwanag ko.

"Shit. Naloko na. Mag handa kayo at mapapalaban tayo." Sabi ni Ace. Agad naman nilang nilabas ang mga weapon nila at naghanda sa pagdating ng mga kalaban.

"Air barrier." Bigkas ni Ace. Sa isang iglap ay napalibutan kami ng malakas na barrier, sapat na para maprotektahan kami.

"Andito na sila..." Sabi ni Luke.

"Air barrier? Sa tingin niyo ba kaya kayong protektahan ng pipityuging spell na yan?" Kilala ko ang boses na yun.

Paglingon namin sa likod ay nakita namin sila Flare kasama ang tatlo pa niyang kasama.

"Sila ba?" Tanong ni Ace.

"Oo. Sila ang Raven Tail." Sagot ko.

"Mag babayad siya. Sinaktan niya si Patty." Seryosong sabi ni Luke.

"Ngayon ko lang sila Nakita." Sabi ni Ynah.

"Kakaiba ang mga aura nila." Sabi naman ni Kaizer.

"Simulan na natin ang laro." Nakangising sabi ni Flare. Nilingon nito ang isang kasamahan at sinenyasan. Sa pagkaka alala ko siya si Xinio. Yung may suot na maskarang pang clown.

Tumango yung Xinio at naglakad sa harapan. Pumikit ito at nag concentrate. Nagulat nalang kami nang biglang naglaho ang barrier na nagsisilbing shield namin.

"Sh!t. Pano niya yun nagawa?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ace.

"Wala akong kapangyarihan!" Sigaw ni Kaizer.

"Shit, oo nga! Hindi ko na maramdaman ang element ko." Sabi ni Luke.

"Fuck. Wala na din ang kapangyarihan ko!" Sigaw ni Ace.

"Guys pati ang akin! Hindi ko na maramdaman ang nature magic." Sabi ni Ynah.

Nanlambot ako nang pati ang fire element ay hindi ko na din maramdaman. Paanong nawala ang mga kapangyarihan namin?!

"Guys look! His ability to turn down the ability of others." Sigaw ni Patty at tinuro yung lalaking kasamahan ni Flare. Kung hindi ako nagkakamali Raven ang pangalan niya.

"Wala tayong laban sa kanila kung hindi kung wala tayong kapangyarihan!" Sigaw ni Kaizer.

"Kung ganun mag handa kayo! Lalabanan natin sila ng mano mano." Sabi ni Ace.

"Guys wait." Napatingin kami kay Patty.

Hawak na niya ang kanyang ispada. Pumikit siya at may mga binulong. Nagulat nalang kami nang may mga lumitaw na ispada sa harapan namin. Tig iisa kami.

"Guys magagamit niyo ang mga ispadang yan sa pagkat pinagkaloob sa inyo iyan ng aking angel sword." Sabi ni Patty.

Agad naman naman namin dinampot ang mga ispada sa lupa. Ang cool ng ispadang 'to!

"Hindi kami tatablan ng ispadang yan! Turned down na ang mga kapangyarihan niyo kaya katapusan niyo na!" Sigaw ni Flare.

Shems. Medyo kinabahan ako sa sinabi niya. Malaki nga ang chance na matalo kami dito dahil hindi namin gamit ang aming kapangyarihan. Pero malakas ang loob ko dahil kahit papaano ay marunong akong humawak ng ispada. Tsaka hindi kami pwedeng matalo dito dahil nagsisinula pa lang ang mission namin.

==========
Vote and comment po ^_^

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now