Chapter 18: Sabertooth

2.5K 95 33
                                    

[ Third Person's POV ]

Masayang nagtatawanan sila Fiera habang naglalakad sa kagubatan. Nakasakay parin ito sa likod ni Ace na ngayon ay walang imik. Ang mga kasama lang nila ang nag iingay. Ngunit hindi nila alam na may nag mamatyag pala sa kanila. Ang pinadalang grupo ni Queen Elisa.

"Pasabugin niyo ang daraanan nila." Sabi ni Minerva sa tatlo niyang kasama. Ang leader ng Sabertooth. Siya ay gumagamit ng ipinagbabawal na mahika. Ang Dark magic.

Agad na tumango ang isang lalaki. "Ako nang bahala." Sambit nito at lumikha ng isang malaking white shadow ball. Hinintay muna nilang makalapit sina Fiera bago niya ito hinagis sa kanilang daraanan.

[ Fiera's POV ]

Tahimik lang ako habang naka sakay sa likod ni Ace. Samantalang sila Patty ay walang humpay ang ingay. Ok na din para iwas bagot. Ilang oras na din kasi kaming naglalakad dito sa kagubatan pero ni isang sign na malapit na kaming makalabas dito ay wala kaming makalap.

Nagtaka ako ng huminto si Ace sa kanyang paglalakad. Luminga linga siya na para bang may napansing kakaiba.

"Bakit huminto kayo?" Tanong samin ni Kaizer.

"Mag handa kayo. Hindi lang tayo ang naririto..." Sabi ni Ace. Bumaba muna ako likod niya. Naman eh! Kakatapos lang namin makipag laban tapos ito nanaman?!

*BOOOOGSH*

Nagulat kami nang biglang sumabog yung daanang medyo malapit lang samin. Hindi namin yun napaghandaan kaya tumalsik kami sa iba't ibang direksyon. Napangiwi ako nang maramdaman ang sarili na tumama ang likod ko sa isang bato.

Shet naman. Hindi pa nga ako nakakabawi ng lakas eh, tapos ito nanaman?! May bago nanaman akong pag gagamitan ng lakas?!

"Surprise?" Napatingin ako sa mga nilalang na naglabasan sa likod ng mga malalagong halaman. Nasa gitna nila ang babaeng matangkad, ito ang mukhang leader ng grupo. Nakangisi ito. Sila ang may gawa ng pag sabog?!

"Fiera!" Naramdaman ko nalang ang mga kamay ni Ace na tumulong sakin makatayo. Agad akong niyakap nito.

"Shit. Tinakot mo ko." Sabi nito habang naka yakap sakin. I hugged him back.

"I'm fine. Don't worry about me." Sabi ko.

"Wag kang lalayo sakin. Dito ka lang sa tabi ko." Sinabi niya bago kumalas sa pagyakap sakin.

"Sino kayo at anong kailangan niyo?" Boses ni Kaizer yun. Hindi ko napansin na andito na din pala sila. Nakahinga ako nang maluwag nang ma obserbahan na ayos lang silang lahat. Thanks god.

Natawa yung babaeng nasa gitna. "Oh sorry my dear. Hindi niyo pala kami kilala." Nakangiting sabi nito.

"I'm Minerva." Pagpapakilala niya.

"Rufus." Nakangising sabi naman ng lalaking mukhang magician. May suot siyang sumbrelong malaki at may nakalagay na yellow feather dun. Naka pony tail din ang mahabang kulay dilaw niyang buhok. Nakamaska din ito na kagaya sa masquerade ball.

"Call me Sting." Nakangisi din na sabi ng lalaking Yellow ang buhok. Malaki ang katawan nito.

"I'm Reivy." Pagpapakilala naman ng lalaking black ang buhok at may dalang two blades.

"We are the only one, Sabertooth." Sabay sabay nilang sabi.

Sabertooth? Kung kanina ay Raven Tail sila naman Sabertooth. Pero hindi ko kilala ang grupong ito. Wala akong naririnig tungkol sa kanila. Siguro ay tago ang kanilang mga pangalan.

"I believe kagaya din sila ng Raven Tail. Pinadala sila para ipapatay tayo." Sinabi ni Patty habang nakatutok ang tingin sa direksyon ng Sabertooth.

Biglang natawa yung Minerva. "You're right little bitch. Ipinadala nga kami dito para patayin kayong lahat, at ngayon pa lang sinasabi ko na sa inyong isuko niyo na ang mga buhay niyo para hindi na kayo masaktan pa at dahil wala kayong laban sa'min." Sabi ni Minerva.

Napayukom ang kamao ko. Masyadong mataas ang tingin nila sa kanilang mga sarili.

"At pano kayo nakaka siguro? Hindi niyo pa alam ang maaari naming gawin." Madiin na sabi ni Kaizer.

"Mga paslit pa lang kayo! Kumpara sa'min na matagal nang sinanay at bihasa sa aming kapangyarihan!" Sigaw ni Minerva.

"Gawin niyo ang gusto niyo pero wala kayong mapapatay ni isa samin dito." Seryosong sabi ni Ace. Ngayon ko lang napagtanto na nakahawak pala siya sa mga braso ko.

"Sige. Patunayan niyo ang mga sarili niyo samin mga mangmang na paslit!!!" Sigaw ni Minerva.

"Flower bomb!!!" Sigaw ni Ynah. Sa isang iglap ay nagkaron ng mga petals ang paligid nila Minerva at sunod sunod na sumabog. Hindi namin sila maaninag sa pagkat nababalot sila ng makapal na usok. Pero nang mawala ang usok ay pare parehong nanlaki ang mga mata namin nang makitang naka shield sila Minerva.

"She's using a dark magic!" Sigaw ni Patty.

"Yun na yun? Mga walang kwenta!" Sigaw ni Minerva. "Sting, palamunin mo sila ng kapangyarihan mo."

Tumango naman yung sting at ngumisi. Bumuo ito ng isang malaking white shadow ball at ibinato sa direksyon namin. Agad naman gumawa ng malaking wall si Luke upang mag silbing harang sa paparating na malaking white shadow ball.

"Shit." Napamura si Luke ng makitang nadurog lang ang ginawa niyang wall.

"Ako nang bahala." Sabi ko. Ipinagdikit ko ang dalawang kamay ko at naglabas ng malakas na pwersa ng apoy.

"Fire blast!!!" Bigkas ko habang nakatutok ang dalawang kamay sa pabulusok na white shadow ball.

Lumabas ang malakas na pwersa ng apoy na nanggaling sa dalawang kamay ko. Sinalubong nito ang malaking white shadow ball. Napangisi nalang ako ng makitang nilamon ng apoy ko ang kanyang white shadow ball, kaya naman sakop na ito ng kapangyarihan ko at pwede ko na itong kontrolin.

Ikinumpas ko ang kamay ko at ibinato pabalik sa kinaroroonan ng sabertooth.

"Fuck!!!" Gulat na sigaw ni Minerva nang makitang pabalik sa kanila ang ibinato ng kasamahan niya.

Malakas na pagsabog ang nilikha nun matapos tumama kila Minerva. Nakita pa namin na nagtalsikan din sila tulad na kung paano kami tumalsik kanina. Serve's you right bitch.

"Woah ang galing mo Fiera!" Sabi ni Luke.

"Ang galing galing!!!" Sabi ni Ynah with matching palakpak pa.

"Bestfriend ko yan!" - Patty.

"Good job Fiera." - Kaizer.

"Nice one, girlfriend." Sabi ni Ace. Napatingin ako sa kanya at napangiti. Yieee He called me girlfriend!!!

"Mag handa kayo! Hindi pa natin sila natatalo." Sigaw ni Kaizer.

Pagtingin namin ay natanaw namin sila Minerva na tumayo at ang sama ng tingin samin.

"I'm gonna kill you all!"

==========
Ok lang ba tong chapter?

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now