Chapter 56: What to do?

1.9K 61 11
                                    

[ Ace's POV ]

"Ayaw ka daw niyang makita." Halos mainis ako sa sinabi ni Ynah pagkalabas niya ng dorm ni Fiera.

Ayaw niya talaga akong makita? Tss. Akala ko hindi niya ako kayang matiis.

Hindi nalang ako sumagot. Tumalikod na ako at diretsong lumabas ng Girl's dormitory.

Ano bang dapat kong gawin?! Ano bang kailangan kong gawin para lang kausapin niya ako?! Miss na miss ko na siya.

"Oh bro, saan ka punta?" Salubong sakin ni Kaizer.

Umiwas ako ng tingin. "Wala ka na dun."

Nakita kong nag pipigil siya ng tawa. "Magka galit kayo noh?" Sabi niya.

Tumingin naman ako sa kanya at sabay iwas ng tingin. "Sinong kami?" Inosente kong tanong.

At ayun na nga, nilabas na niya ang tawa na kanina pa niya pinipigilan.

Problema ba ng taong to? -__-

Sinamaan ko siya ng tingin. Dahilan para huminto siya sa pag tawa.

"Kunwari ka pang hindi mo alam. Nag kakaganyan ka lang naman diba kapag magka galit kayo ni Fiera?" Sabi niya.

Pano niya nalaman? Tsismoso talaga tong lalaking to.

"Hoy bro hindi ako tsismoso ha? Kalat lang kasi sa buong campus ang nangyari sa gym kanina." Sabi niya na nahulaan yata ang nasa isip ko.

"Oh ano naman kung magka galit kami ni Fiera? May magagawa ka ba?" Inis kong sabi.

"Wala..." Sandali siyang huminto.

"Pero may alam akong paraan na pwedeng makapag pabati sa inyo." Sabi niya habang nakangiting akala mo may pinaplano.

Kumunot naman ang noo ko. "Ano nanamang kalokohan yan Kaizer?"

[ Third Person's POV ]

Umalingawngaw ang ingay sa loob ng Headmaster's office nang bumukas ang double door. Agad namang napatingin ang Headmaster duon na kanina ay busy sa kanyang sinusulat sa kanyang lamesa.

"Sino ka?" Napatayo ang headmaster sa kanyang upuan nang makita ang isang nilalang na naka black cloak.

"Hindi mo ako gugustuhing kilalanin..." Nakangising sabi naman ng nilalang na naka suot ng black cloak.

Sa boses nito ay isa itong babae.

Nagulat ang headmaster nang marinig ang boses na iyon.

"I-ikaw si---" Hindi na natuloy ng headmaster ang kanyang sasabihin nang biglang may nilabas na potion ang babae at agad na binato sa headmaster.

Nabasag ang potion sa harap ng headmaster. May namuong usok duon na bumalot sa headmaster.

Napako ang headmaster sa kanyang kinatatayuan at ilang sandali ay napa pikit ito at bumagsak sa lupa.

==========
Sino sa tingin niyo kung sino yung nilalang na yun? ^_^

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Där berättelser lever. Upptäck nu