Chapter 20: Erza Scarlet

2.3K 86 17
                                    

[ Fiera's POV ]

Sino kaya siya at bakit niya sinalo ang malaking dark energy? Bakit niya kami iniligtas? Humarap siya samin at mas lalo lang akong namangha nang makita ang itsura niya. Tama ako. Ang ganda niya.

Iwinasiwas niya ang kanyang ispada at sa isang iglap ay nag laglagan sa lupa ang mga putol na ugat na kanina ay nakapulupot sa katawan namin. Woah. She's so fast!

"Sino kayo? Bakit nila niyo sila kinakalaban?" Tanong ng babae sa'min.

"Correction, sila ang kumalaban samin." Sambit ni Patty.

"Oo nga. Ipinadala sila dito para paslangin kami. At hindi lang sila, may nauna pa kaming nakalaban bago sila." Sabi naman ni Ynah.

Napabuntong hininga siya. Parang alam na niya ang dahilan kung bakit kami kinalaban ng mga yun. "Ipinadala sila para paslangin kayong anim.  Nanggaling kayo sa Mystinious Academy,  hindi ba?"

Tumango kami. "Tama ka." Sagot ko.

"Kilala mo ba kung sino ang nag padala sa kanila?" Biglang pagtatanong ni Kaizer.

Umiling yung babae. "Hindi. Maraming kalaban ang Mystinious Academy. Maaaring isa sa mga kalaban ng school niyo ang nag padala sa kanila."

Tumango tango naman kami.

"Teka, ano nga palang pangalan mo?" Pagtatanong ko.

"Ako si Erza Scarlet. Pero tawagin niyo kong Erza."

Woah. Ang cool ng pangalan niya!

"Ako naman si Fiera." Pagpapakilala ko. Hanggang sa sunod sunod na silang nagpa kilala. Well, except kay Ace.

"Siya naman si Ace." Pagpapakilala ko kay Ace. Ang tahimik niya ngayon ah. Sa bagay, ano pa nga bang bago?

"Mabuti pa sumama muna kayo sakin. Para maipakilala ko kayo sa mga iba ko pang kaibigan." Sabi niya.

"Sandali, asan na yung sabertooth?" Tanong ko. Napansin ko kasi na nag dadaldalan na kami dito. Baka mamaya hindi pa pala namin sila natalo at bigla nalang kaming sorpresahin ng atake.

"Wala na sila. Tumakbo na matapos nila akong makita." Sabi ni Erza.

"Takot sila sayo?" Tanong ni Ynah kay Erza.

Nakangiti namang tumango si Erza. "Hindi naman sa takot. Pero natalo ko na sila dati at ayaw na nila ulit iyon maulit."

Pagtapos ng pag-uusap namin ay nagka yayaan nang umalis sa lugar. Napag desisyunan namin na sumama nalang muna kay Erza. May bahay daw kasi siya. Tsaka sumama kami para makapag linis ng sarili. Ang dumi na kasi namin eh.

Habang naglalakad kami ay puro tawanan at sigawan ang naririnig ko. Ang daldal kasi nila Patty at Luke. Haaay. Hindi naman dating ganyan si Patty. Nakaka hawa pala talaga ang pagiging abnormal ni Luke.

Mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko si Ace na tumabi sakin at sumabay sa aking paglalakad. Naka kunot ang noo niya at parang may malalim na niniisip.

"May problema ba Ace?" Pagtatanong ko kay Ace habang naglalakad kami.

"Hindi maganda ang kutob ko sa babaeng yan." Sabi niya. Napatingin naman ako sa tinitignan niya. Wait si Erza?

"Si Erza? Bakit?" Kunot noo kong tanong. Nag hihinala ba siya kay Erza?

"Basta. Iba ang pakiramdam ko sa kanya. Parang may sikreto siyang itinatago."

"Nag dududa ka ba kung kakampi siya o kalaban? Hindi pa ba sapat na iniligtas niya tayo kanina?" Tanong ko sa kanya, pero nag iwas lang ito ng tingin.

"Tss. Kalimutan mo nalang ang sinabi ko." Sabi niya at nauna nang nag lakad. Pinanuod ko nalang ang likod niya.

Ang weird niya.

[ Queen Elisa's POV ]

Napayukom ang aking kamao habang pinapanood sila sa aking bolang crystal. Bwiset! Bwiset na Erzang yan! Kung hindi siya naki alam ay malamang napaslang na ng sabertooth ang mga paslit na yan! Napaka pakilamera niya kahit kailan.

Pero ayos lang. Duon din naman ang punta ng lahat. Sinisigurado kong pag sisisihan niyo ang pagsama niyo sa babaeng yan.

Tumawa ako ng malakas bagk sumimsim sa hawak kong alak.

[ Ace's POV ]

Naririto parin kami sa kagubatan. Papunta sa sinasabing bahay nung Erza. Nakatitig lang ako sa kanya habang naglalakad. Inoobserbahan ko siya. Hindi kasi ako mapakali. Iba ang kutob ko sa babaeng to. Para siyang may sikreto. Pero hindi ko alam kung ano.

Hindi ko alam pero kailangan ko yun alamin. Pakiramdam ko kasi mapapahamak kami sa puder niya. Ang sama ko na yata. Hinihusgahan ko agad eh hindi ko naman siya kilala.

Aish basta. Kailangan ko siyang bantayan para malaman ko kung ano man ang tinatago niya.

Kung meron man.

==========
Sorry sa sobrang tagal na update.

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now