Chapter 70: Almost Ending

2.4K 63 3
                                    

[ Ace's POV ]

"Ace walang mangyayari kahit ibuhos mo pa lahat ng kapangyarihan mo jan." Sabi ni Kaizer kaya naman napatigil ako sa ginagawa ko. Kanina ko pa pinipilit basagin ang salamin ng crystal ball kung saan kami naka kulong ngayon.

Nanghihinang napa upo nalang ako at napahawak sa kamao ko. Ang sakit na nito dahil kanina ko pa sinusuntok yung salamin. Nagbabakasakaling mabasag ko ito. Pero wala eh. Kulang pa.

Tinignan ko ang paligid.

Nakakulong ang academy sa isang crystal ball kasama ang mga ibang estudyante. Hindi ako makapaniwalang mapupunta kami sa ganito. Ano pang silbi na nag aaral kami para mapalakas ang kapangyarihan namin kung hindi ko naman din ito magagamit?

"Ace, are you alright?" Tanong ni Patty at umupo sa tabi ko. Hindi ko siya tinignan.

Gusto kong makita si Fiera. Gusto kong lumabas sa pesteng bolang crystal na to. Miss na miss ko na siya at sobra na ang pag aalala ko sa kanya. Talaga bang patay na siya? Hindi... Hindi pa siya patay. Ayokong tanggapin ang katotohanan. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala sakin si Fiera.

"Iniisip mo si Fiera?" Sabi ni Patty.

Kunot noo ko siyang tinignan. "Pano mo nalaman?"

Binabasa ba niya yung isip ko?

"Wait baka isipin mo binasa ko yung isip mo ah? Hindi. Nahalata ko lang kasi malalim yung iniisip mo." Sabi niya.

"Tch." Hindi ko nalang siya pinansin.

Oras na makalabas ako dito talagang mag babayad ng malaki si Elisa dahil sa ginawa niya kay Fiera.

[ Fiera's POV ]

Nag teleport ako sa underworld. Sa labas ng castle ni Elisa. Oo dito. Ito lang kasi ang naiisip kong lugar na pwedeng kinaroroonan nila Ace. Naglakad na ko papasok sa loob, pero bigla akong hinarang ng limang kawal.

"Padaanin niyo ko." Sabi ko sa kanila.

Nakalimutan ko buhay pa pala ang castle na ito. May mga kawal pa eh.

Hindi nila ako pinakinggan, nanatili silang nakaharang. Ah ayaw nila akong padaanin? Tignan natin ang tigas niyo.

Gumawa ako ng malaking fire ball at tinutok sa kanila. Nakita kong medyo napa atras sila. Natakot.

"Ano? Hindi kayo tatabi?" Pananakot ko sa kanila pero ayaw talaga nila.

"Hindi kayo natitinag huh, sige ito para sa inyo." Sabi ko at binato na sa kanila yung malaking fire ball, agad naman silang nasunog at naging abo.

Napangisi nalang ako at tinuloy na yung paglalakad ko papasok ng castle.

Pagpasok ko naman sa loob ay naglabasan ang maraming kawal. Napapalibutan na nila ako ngayon at masasabi kong madami sila. Hindi ko sila kakayanin kung gagamit lang ako ng sandata. Kapangyarihan ang katapat ng mga to.

Sabay sabay silang sumugod sakin, nang malapit na sila ay tumalon ako pataas.

Gumawa ako ng sobrang malaking magic circle sa paanan ko, magic circle na kasing laki ng sahig ng castle. Sakop lahat ng mga kawal. Lumipad ako pataas kasama yung ginawa kong magic circle.

"Giant fire tornado drop!" Sigaw ko.

Kasabay ng paglabas ng higanteng fire tornado sa ilalim ng ginawa kong magic circle. Umikot ikot ang fire tornado paibaba papunta sa mga kawal, hanggang sa nakarinig ako ng pagsabog at pagtingin ko sa pababa ay puro abo nalang ang nakita ko.

Bumaba na ako at nagpatuloy pumasok sa loob. Akmang bubuksan ko na sana yung malaking pintuan ng makarinig ako ng isang boses...

"HMMP!!! HMMPP!!!" Sabi ng boses. Parang may takip sa bibig niya.

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now