Chapter 42: Soon

1.9K 65 6
                                    

[ Fiera's POV ]

"Shit! Hindi sila nauubos!" Sigaw ni Balmond mula sa taas habang nilalabanan ang mga imp. Napansin ko din na habang tumatagal ay parami ng parami ang mga imp na dumarating.

"May naisip akong paraan!" Sigaw ko.

"Ano?!" Sigaw naman niya.

"Bumaba ka na dito! Iwan mo na ang mga iyan."

Nagtataka ang tingin niya pero wala siyang nagawa kundi sundin ang sinabi ko.

"Anong balak mo?" Tanong niya. Nasa tabi ko na siya ngayon.

"Manuod ka." Sagot ko.

Tumingala ako. Nakita ko ang maraming imp na nagliliparan ang patungo sa kinaroroonan namin. Tignan nalang natin kung makalapit pa kayo.

Tinaas ko ang isang kamay ko. Umilaw ang kamay ko at sa isang iglap ay biglang may sumiklab na apoy ang humarang sa mga imp. Nag form ang apoy na iyon ng ulo ng isang dragon na lumamon sa paparating na mga imp.

"Wow. Kakaiba ka talaga Fiera." Namamanghang sabi ni Balmond matapos makita ang ginawa ko.

"Thanks. Pero wala na tayong oras para dyan. Kailangan na nating pumasok sa lagusan." Sabi ko.

Tumango siya.

See you soon Magic world.

[ Ynah's POV ]

"Water?" Tinitigan ko lang ang mineral bottle na inaabot sakin ni Kaizer.

"Wag na. I'm not thirsty." Sagot ko. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko.

Hanggang ngayon ay hindi ko parin tanggap na wala na si Patty. Pati si Fiera ay nawawalala. Sirang sira na ang tropa namin. Miss na miss ko na yung dating kami. Miss na miss ko na sila.

"Pagod ka na. Mag pahinga ka muna." Sabi ni Kaizer. Bakas sa kanyang boses ang pag-aalala.

Umiling ako. "I'm not. Kaya ko pang mag bantay." Sabi ko.

Bumuntong hininga siya. "Fine. Maiwan muna kita at kailangan ko nang mag bantay sa paligid." Sabi ni Kaizer bago ako iniwan.

Busy ang academy ngayon sa pagbabantay sa loob at labas ng academy. Hindi na makakapayag ang headmaster na maulit ulit ang ginawang pag lusob ni Elisa. Handa na din kaming lumaban kaya walang dahilan para matakot kami.

Sa himpapawid ay may mga estudyanteng lumilipad para mag manman kung may paparating ba. Secured din ang buong academy ng isang malakas na barrier. Mas malakas pa kumpara sa barrier noon na sinira ni Elisa.

Natanaw ko si Ace na nakaupo sa sanga ng isang puno. Seryoso ito tila malalim ang iniisip. Pero kahit ganon siya kaseryoso ay bakas ang lungkot sa mga mata nito.

Si Fiera. Alam kong si Fiera ang iniisip niya. Hindi siya nag iisa. Halos lahat kami ay nag aalala kay Fiera. Pero alam kong mas nag aalala siya para sa babaeng mahal niya.

Asan ka na ba kasi Fiera? Sana bumalik ka na.

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя