Chapter 50: Announcement

1.8K 68 7
                                    

[ Fiera's POV ]

Nauna akong umalis sa secret garden at iniwan ko si Ace. Masyado na kasi akong kinikilig kanina! Baka bigla nalang akong himatayin dun.

"Oh saan ka galing?" Pagtatanong sakin ni Ynah pag pasok ko ng classroom.

"Sa secret garden. Kasama ko si Ace." Sagot ko.

"Kung ganun asan siya?"

Nag kibit balikat ako. "Nauna akong umalis sa kanya."

Dumating na ang adviser namin kaya nag si upuan na din kami. Ano kayang meron at pinatawag kami? Importante ba to?

Ngiting ngiti yung adviser namin na akala mo ay sobrang na eexcited sa sasabihin niya.

"Ok class pay attention please." Panimula niya.

"Alam kong matutuwa kayo sasabihin ko kaya hindi ko na patatagilin pa. Next week magkakaroon tayo ng ball! And it's called 'Mystinious Ball' Dahil mukhang tahimik na ang magic world ay dapat tayong mag diwang. Ang ball ay gaganapin sa campus gym. So ayun, wala tayong klase hanggang sa Ball kaya sana may time kayo para pag handaan ang gagawing kasiyahan. Yun lang, class dismissed."

"KYAAAAH EXCITED NA IS ME!"

"OMG ANO KAYANG SUSUOTIN KO?!"

"SHET SANA GWAPO YUNG MAKA PARTNER KO!"

"NAKAKA EXCITE! MAKAPAG MALL NGA MAMAYA!"

Lahat excited sa in announced ng teacher namin. Well, maliban sakin? Yeah maliban sakin. I don't know why! Gusto ko din maging excited pero... Bakit ganun? May part sakin na kinakabahan. Pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda.

"Gosh excited na ako!!!" Sigaw din ni Ynah.

"Halata nga eh. Tara na Ynah nagugutom na ko." Pagyaya ko kay Ynah.

"Panira ka talaga ng moment! Lika na nga." Lumabas na kami ng classroom.

Hinanap muna namin si Patty para may kasabay kaming kumain. Asan ba yung babaeng yun? Hindi din pumasok sa adviser namin.

( Cassiopeia's POV )

Malapit nang mangyari ang ikinatatakot ko. Ang isang war na kung saan maraming mamamatay at mag sasakripisyo.

Nang dahil sa isang taksil...

Dadanak ang dugo...

Aagos ang luha...

At guguho ang pag-asa...

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now