Chapter 31: Attack The Academy (PART 1)

2.2K 69 5
                                    

[ Ace's POV ]

"Mag handa kayo." Sabi ko kila Kaizer.

"Ako nang bahala sa mga iyan." Sabi naman ni Luke. Tinanguan ko naman siya bilang pag sang ayon.

"Wall of thorns." Bigkas ni Luke. Then biglang yumanig ang lupa. Ilang sandali pa ay tumubo ang mga malalaking ugat na punong puno ng tinik ang katawan. Nagsilbing harang iyon sa mga tiger shadows na papalapit samin.

"Flower monster!" Sa pagkakataong ito ay si Ynah naman ang gumawa ng spell. Biglang may higanteng bulaklak na may malaking bunganga ang lumitaw sa kinaroroonan ng mga shadow tigers at ilang segundo ay nakain na ng buo ang mga ito.

"Kailangan na natin mag madali. Asan na ba si Fiera?" Pagtatanong ni Ynah.

"Hindi pa siya nakakabalik. Pero ang babaeng nakalaban natin kanina ang dahilan kung bakit siya nawawala." Sagot ko.

"Kung ganun, kailangan natin siyang iligtas."

[ Queen Elisa's POV ]

Labis ang saya ko matapos kong makipaglaro sa mga batang iyon. Actually pwedeng pwede ko na silang patayin kanina kung gugustuhin ko. Pero ayoko muna. Gusto ko pa silang makaharap next time. Besides, nalibang ako sa pakikipaglaban ko sa kanila.

Kasalikuyan akong naririto sa harap ng mystinious academy. This time dito naman ako manggugulo. Gusto kong matikman nila ang galit at kapangyarihan ko!

Itinaas ko ang kamay ko at nagbigkas ng mga enkantasyon. Ilang sandali pa ay nagliwanag ng kulay itim ang mga kamay ko.

"Isinasamo ko ang aking mga alagad! Magpakita kayo sakin!" Pagkatapos isigaw iyan ay biglang kumidlat at kumulog. Nagkaroon maraning magic circle ang lupa. At after 5 seconds ay lumitaw sila sa ibabaw ng magic circle. Mga dark warriors. Naka itim silang cloak. Maliksi at malakas ang mga alagad kong ito. Natitiyak kong hindi agad sila matatalo.

"Mga alagad ko, pasukin at manggulo sa Mytinious Academy." Utos ko.

Naunang pumasok ang isang alagad ko. Ngunit hindi pa siya nakakapasok sa mismong gate ay nagliyab ito at mabilis na nilamon ng apoy.

"Queen Elisa, may barrier na nakapalibot sa Mystinious Academy. Mahihirapan tayong makapasok." Sabi ng isang kawal ko.

"Isang barrier na kayang kaya kong wasakin." Sabi ko.

Tinapat ko ang dalawang kamay ko sa barrier. Tignan lang natin kung hindi ka masira.

"Èstù sàctùm Gòzùm!" Bigkas ko. Ilang sandali ay unti unting nagliwanag ang barrier. Isang itim na magic circle ang lumitaw duon at ilang sandali pa ay sumabog yun. Gumawa ako ng shield upang hindi kami tamaan ng pagsabog.

Dahil sa pagsabog ay nakuha na namin ang atensyon nila. Tumatakbo na dito ang mga kawal ng mystinious academy.

"Wala kayong magagawa!" Sigaw ko. Sa isang titig ko lang sa kanila ay nag iba ang kulay ng mga mata nila. Then sa isang iglap ay inaatake na nila ang mga estudyante.

Lumusob na din papasok ang mga alagad ko. Puro sigawan at pagsabog ang maririnig mo. At enjoy na enjoy ako sa aking nakikita! WAHAHAHA!

"Sige pa! Paslangin lahat ang mga kalaban!" Sigaw ko. Ikinumpas ko ang kamay ko at sa isang iglap ay nawasak ang mga buildings at nabasag ang mga salamin.

Nagulat ako nang may malakas na enerhiya ang tumama sakin. Napa awang ako sa sakit at bahagyang napa atras. Ughhh sino ang lapastangang iyon?!

"Itigil mo ito Elisa!" Paglingon ko ay nakita ko ang Headmaster.

Napangisi ako. Perfect timing ang matandang to. Mag sisisi siya na nagpakita pa siya sakin.

==========
Sorry kung may typo.

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now