Chapter 39: Battle Inside The Castle

1.8K 63 3
                                    

[ Fiera's POV ]

"May kakaiba akong naaamoy sa inyong dalawa..." Sambit ni Elisa. Matalim at malamin parin ang titig niya sa aming dalawa ni Balmond.

Hinanda ko na ang sarili ko sa posibilidad na mangyari. Hindi ko pwedeng itanggi na gulo ang punta nito. Kailangan kong ihanda ang sarili ko sa labanan na magaganap dito sa loob ng castle.

Sa isang kumpas ng kamay ni Elisa ay naglaho bigla ang suot naming armor. Nanlaki ang mga mata ko.

"MGA KALABAN!" Sigaw ni Elisa. Agad nag handa ang mga kawal. Kitang kita din namin ang malalaking lagusan na kung saan nag lalabasan ang mga kawal matapos marinig ang sigaw ng kanilang reyna.

Naloko na!

"A-anong gagawin natin?" Sabi ko kay Balmond. Nanginginig ang boses ko.

"Lalabanan natin sila. Wag kang matakot Fiera. Hindi ko hahayaang saktan ka nila." Sambit ni Balmond.

Magkadikit ang likod namin ngayon. Napapalibutan na kami ng mga kawal na mas dumarami pa habang tumatagal.

"Anong ginagawa niyo sa aking palasyo? Siguro'y nais niyong gamitin ang aking portal upang makabalik sa Magic World,  tama?" Tumawa siya ng mala demonyo.

"Pwes hindi niyo na iyon magagawa ngayon! Ang lakas ng loob niyong pasukin ang kaharian ko ng kayong dalawa lang! Parang inilapit niyo na din ang mga sarili niyo kay kamatayan." Sigaw ni Elisa.

"Ngayon, tutuldukan ko na ang mga walang kwenta niyong buhay."

"Mga kawal! Paslangin ang mga nanloob sa ating palasyo!" Sigaw ni Elisa. Matapos non ay sumugod na sa'min ang mga kawal.

Lumipad si Balmond. Kumuha siya ng maraming sibat sa likuran niya at sabay sabay itong inihagis sa mga kawal.

Hindi ko siya pwedeng pabayaan. Kailangan ko din lumabas. Besides ang tagal ko na din hindi nagagamit ang kapangyarihan ko.

"Atakahin niyo ko!" Sigaw ko. Kaya naman sakin napunta ang atensyon ng mga kawal.

"Anong ginagawa mo?!" Nakakunot noong tanong ni Balmond sa'kin. Ngumisi lang ako sa kanya.

Sabay sabay na sumugod sa'kin ang mga kawal.

Pinagdikit ko ang dalawa kong kamay. "Fiore Xintre Maste!" Bigkas ko sa isang Fire magic spell.

May pwersa ng apoy sa dalawang kamay ko. Agad akong umupo at isinuntok iyon sa lupa. Nagkaroon bigla ng malaking magic circle kung saan ako yung nasa gitna. At lahat ng mga kawal na sakop ng magic circle ay agarang nag liyab at kalaunan ay naging isang abo.

Hindi ko naubos ang mga kawal pero sapat na din dahil nabawasan sila.

"Wow.." Namamanghang sabi ni Balmond.

Mas lalo pang dumami ang mga kawal na nag dadatingan. Shit. Hindi ba sila nauubos?

"Mag ingat ka Balmond!" Sigaw ko sa kanya dahil nakikipag laban ito ng sabay sabay sa mga kawal.

"Hindi niyo kakayanin ang hukbo ko." Sabi ni Elisa tsaka ngumisi.

Sinummon ko ang aking fire sword. Kulay pula ito at may design na dragon sa handle.

Agad kong inatake ang mga kawal. Natutunaw ang mga ispada nila pag dumidikit sa fire sword ko, kaya naman mabilis ko silang napapatay dahil wala na silang magamit na armas.

Muli nanaman silang sabay sabay na sumugod ibinaba ko ang ispada ko.

"Fire tornado!" Bigkas ko. Nagkaroon ng malaking magic circle sa gitna kung saan maraming mga kawal. Isang nakakasilaw na liwanag ang nilika ng magic circle. Kasabay ng pagkawala ng liwanag nyon ay ang pag litaw ng isang dambuhalang fire tornado na ginawa ko.

Ramdam na ramdam ko ang init. Sa sobrang lakas ng fire tornado ko ay para ko nang katabi ang araw.

"AAAAAAH!" Sigaw ng mga kawal dahil hinihigop sila ng fire tornado ko. Malapit lang samin ni Balmond ang fire tornado kaya lahat ng nagtatangkang lapitan kami ay agad na nahihigop non.

Nagulat ako nang naging itim ang fire tornado ko at bigla itong naglaho.

"Tama na ang laro! Hindi na ako natutuwa sa inyong dalawa." Sigaw ni Elisa. Naglabas siya ng shadow ball at ibinato samin.

Gumawa ako ng fire shield. Pero agad na nabasag ang shield ko nang tumama ang shadow niya dito. Napa upo pa nga ako sa lakas ng pwersa niya. Tinulungan akong tumayo ni Balmond.

"Masyado siyang malakas. Hindi natin siya kakayanin." Sambit ni Balmond.

Tinapat ni Elisa ang kamay niya sa'min. Habang tumatagal ay may itim na pwersa ang namumuo duon.

Sa akala niya ba basta nalang niya kami mapapatay?

"DIE!!!" Sigaw ni Elisa. Kasabay ng pagkawala niya sa itim na pwersang nasa kamay niya. Pabulusok na iyon ngayon sa direksyon namin.

Tatamaan na sana kami non nang bigla kaming naglaho. Kaya sa mga kawal niya na nasa likuran namin iyon tumama.

"HANAPIN SILA! HINDI SILA PWEDENG MAKATAKAS!"

Buti naaalala ko. May teleportation spell nga pala ako haha.

==========
Sorry po kung may typo ✌😅

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now