Chapter 29: Underworld

2K 78 6
                                    

[ Fiera's POV ]

"Malayo pa ba?" Pagtatanong ko kay Balmond habang naglalakad kami sa masukal na kagubatan. Napag desisyunan kong sumama sa kanya upang malaman ang tungkol kay Elisa. Besides ayoko namang maiwan mag isa dito. Nakakatakot.

"Konti nalang." Nakangiti niyang sabi. Aaminin ko, ang gwapo niya kapag ngumingiti. Singkit yung mga mata miya at pinkish ang labi niya. Para siyang isang kpop idol.

"Balmond salamat nga pala." Sabi ko.

"Wala yon." Sabi naman niya.

"Ano ba kasi ang kasalanan mo kay Queen Elisa at itinapon ka niya dito sa Underworld?" Pagtatanong niya.

Natigilan ako at ilang sandali ay namilog ang mga mata ko. What did he said?! U-underworld?

"N-nasaan tayo ngayon?"

"Andito tayo sa underworld. At si Queen Elisa ang reyna ng mundong ito."

Oh my god. Andito pala ako ngayon sa underworld! Kaya pala ang sabi niya ay huling araw ko na sa Magic World. Ang akala ko naman ay papatayin na niya ako.

"Mukhang marami pa akong hindi alam sa kanya. Paki usap, Sabihin mo sakin lahat ng alam mo." Pagsusumamo ko.

"Si Queen Elisa ay ang reyna ng aming mundo. Makapangyarihan ito at mabagsik. Ayaw niyang natatalo siya o nalalamangan. Mahilig siyang uminom ng dark elixir upang mas lalo pang mapalakas ang kanyang kapangyarihan. At higit sa lahat, kinasusuklaman niya ang magic world." Paliwanag niya.

Sandali akong natigilan upang isink in sa utak ko ang lahat ng sinabi niya. Alam ko na makapangyarihan siya, halata naman eh. Pero ang galit siya sa magic world ay hindi. Bakit kaya?

"Nag iisa lang ba siya?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"I mean, meron ba siyang asawa or anak?"

Sandali muna itong nag isip bago naka sagot. "Meron, may asawa't anak siyang naninirahan sa magic world. Pero pinagslang ang mga ito."

"Sino ang asawa at anak niya?"

"Ang Dark King at ang Dark Prince. Labis na pag hihinagpis ang naranasan ng Queen Elisa nang malaman niyang patay na ang mag ama niya. At lalo lang nadagdagan ang pagka suklam niya sa magic worl at sa mga nakatira duon."

Oh my god. Now I know kung bakit niya ako gustong patayin! Dahil ako ang pumatay sa mag ama niya! Shit. Labis pala ang galit niya sakin. Kung ganun ay kailangan kong mag ingat sa kanya.

"Pasensya na pero sa ngayon ay iyan pa lamang ang nalalaman ko." Sabi niya.

"Ano ka ba ok na yun! Salamat dahil sinabi mo ang lahat ng ito."

"Walang anuman."

"Pero teka, paano ko nga pala alam ang lahat ng ito?" Nagtataka kong tanong.

"Dati akong nag sisilbi sa kanya..." Napayuko siya at nakita kong kumuyom ang kanyang kamao.

"Kasama ang mga kalahi at magulang ko... Pero nang malaman niyang lumalabas kami sa magic world ay pinaslang niya kaming lahat. Mapalad ako at nakatakas ako sa kaharian niya. Pero nalulungkot ako para sa mga kasama kong napaslang ng walang kalaban laban." Bakas sa boses niya ang lungkot na mas kasamang galit.

Sana pala hindi ko nalang tinanong. Why so tanga Fiera? Sarap mong hampasin ng tabla.

"Sorry.."

"Wag kang mag sorry. Wala kang kasalanan."

Natahimik kaming dalawa. Ang tahimik tuloy habang naglalakad kami. Hindi ako makapaniwalang andito ako sa underworld. Kaya pala iba ang pakiramdam ko sa lugar na ito.

Pero anong sabi niya kanina? Naninilbihan siya kay Elisa? Ibig sabihin ay meron itong kaharian! Kaharian na kailangan kong puntahan para malaman kung may masama ba itong binabalak sa magic world.

==========
Sorry kung may typo.

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora