Chapter 38: Inside The Castle

1.7K 60 8
                                    

[ Fiera's POV ]

"Relax." Bulong sakin ni Balmond sa tabi ko habang naglalakad kami papasok sa loob ng castle. Marami kaming nasasalubong na mga kawal kaya kailangan namin umakto na parang isa talaga sa kanila.

Aaminin ko, sobrang hirap. Lalo na kapag tumitingin sila samin na akala mo'y nagdududa. Idagdag mo pa ang suot naming armor na sobrang bigat sa katawan. Hindi ako maka kilos ng maayos tapos sobrang init pa.

"I'm trying." Bulong ko na may halong diin ang tono. Ang hirap kayang mag relax lalo na't napapalibutan kayo ng mga kalaban.

"Don't be scared. I'll protect you."

Palihim akong napangiti. Hindi ako kinilig, naalala ko bigla si Ace. I miss my boyfriend! Kamusta na kaya siya? Hope he's ok.

"Mag bigay galang kay Queen Elisa!" Rinig naming sigaw ng isang kawal. Ginaya namin sila na yumuko bilang pag bigay galang.

Napatingin kami sa hindi kalayuan. Isang babaeng naka all black outfit at may suot na koronang kumikinang sa kanyang ulo. Si Elisa.

Mayroong limang kawal ang nakasunod sa likod niya. Maganda siya at halatang respetado dito. Kung titignan mo siyang maigi ay kamukha siya ng dark prince. Plus yung dark aura na lumalabas sa kanya.

"Ihanda ang ating hukbo. Pagkatapos ng aking importanteng gagawin ay lulusob na tayo sa Magic World. Wasakin at patayin lahat ng mga naninirahan duon."

Natigilan ako sa sinabi niya. M-may plano siyang lusubin ang Magic World? It means... Nasa panganib ang Mystinious Academy... Pati na din ang buong mundo. Hindi ito maaari..

Naramdaman ko ang kamay ni Balmond na humawak sa kamay ko. Napansin niya ang pag aalala ko.

"Wala kang dapat ipag-alala. Natitiyak kong pinaghahandaan na nila ang gulong paparating." Bulong nito.

I sighed. Sana nga...

Naglakad na kami ulit ni Balmond. Nilampasan namin si Elisa. Mukhang hindi naman niya kami napansin dahil---

"Tigil." Napahinto kami ni Balmond nang sumigaw ito mula sa likod namin.

Namuo ang kaba sa dibdib ko. Shet. Wag sana niya kaming mahuli.

"Kayong dalawa. Lumapit kayo sakin."

Humarap kami kay Elisa at lumapit sa kanya. Inikutan niya kami na parang sinusuri.

"Parang may mali sa inyong dalawa." Sabi nito.

Halos mapatalon ako nang titigan niya ako sa mata. Sobrang nanginginig ako at nag papawis ang noo ko. Buti nalang hindi niya nakikita ang buong mukha ko dahil sa suot kong armor.

Nakahinga ako nang maluwag nang mawala na sakin ang tingin niya. Lumipat ang tingin niya sa lupang tinatapakan namin. Kumunot ang noo niya.

"Ano ito?" Lumuhod siya at kinuha ang nakita sa lupa.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ano yun. Isang feather. Feather na tiyak kong nalaglag mula sa pakpak ni Balmond.

Sh*t. Wag naman sana mangyari yung iniisip ko.

"Kilala ko ang balahibong ito. Galing ito sa pakpak ng isang nephilim." Sambit niya. Tinapunan niya kami ng tingin ni Balmond. Hanga ako kay Balmond dahil nananatili parin itong normal. Walang bakas ng takot o kaba.

"Wala nang natitirang nephilim dito sa kaharian ko. Liban na lamang kung..."

Umatras siya. Nasunog sa palad niya ang feather na nanggaling sa pakpak ni Balmond.

"Mag handa kayo mga kawal. May kalabang nakapasok sa ating kaharian."

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Naaamoy ko na ang gulo... Pero sana naman makisama tong si Elisa. Wag naman sana niyang malaman na kami ito.

"Prepare yourself. Mapapalaban tayo." Narinig kong bulong sakin ni Balmond.

I gulped. Patay na talaga >.<

==========
Sorry sa tagal ng update.

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora