Chapter 65: Crystal Ball

1.8K 58 4
                                    

[ Ynah's POV ]

"Wag niyo silang hahayaang makapasok ng tuluyan! Kaya natin to!" Sigaw ko habang nakikipaglaban kasama ang iba pang mga estuydante.

Patuloy parin ang pag dami nila. Hindi ko alam kung paano napasok ni Elisa ang academy kasama ang mga alagad niya. Protektado ng isang malakas na barrier ang academy kaya imposibleng madali niya itong mawawasak.

Marami na ang mga namatay pero ang iba ay pinipilit na lumaban. Tuluyan nawasak ang barrier dahil sa mga nakakapasok na kalaban. Hindi din namin alam kung nasaan ang mga professors and headmaster. Bigla nalang silang nawala ng parang bula!

"Hundred of thorns!" Bigkas ko at pinaulanan ng maraming thorns ang mga kalaban. Agad na namatay ang lahat ng natamaan nun, pero ang iba ay naka ilag.

"YNAH!" Napalingon ako sa tumawag sakin. Nakita ko sila Ace, Patty at Kaizer na tumatakbo papunta sa direksyon ko.

Niyakap ako ni Kaizer nang makalapit na sila sakin. "Ayos ka lang? Sinaktan ka ba nila?" Sabi niya at nag aalalang pinasadahan ng tingin ang katawan ko.

"I'm fine don't worry." Sabi ko at ngumiti. Ngumiti din siya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

"Kailangan natin makalabas ng academy, mahina ang pwersa natin dahil wala ang mga professors kaya madali nila tayong matatalo kahit na anong laban ang gawin natin!" Sabi ni Ace.

"Tama, mas, mainam kung aalis tayo dito para wala nang masaktan pa. Kung lalaban lang tayo ay baka maubos tayo at tuluyang maangkin ito ni Elisa!" Patty.

"Tama kayo. Umalis na tayo dito." Ako.

Tumakbo na kami papunta sa gate ng academy. Akmang lalabas na kami nang biglang humarang samin ang itim na barrier kaya napaatras kami.

"A-anong nangyayari?" Sabi ko.

Tumingala kami at nagulat kami sa nakita. Binabalot ng itim na barrier ang paligid ng academy. May mga black dust din na nalalaglag mula sa taas. Bigla kaming nahilo nang maamoy namin yun.

"Anong klaseng dust to?" Patty.

"Nanghihina ako..." Kaizer.

Bigla akong nahilo hanggang sa sabay sabay kaming mawalan ng mamay.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
[ Ace's POV ]

Minulat ko ang mga mata ko. Dahan dahan akong bumangon at pinagmasdan ang mga katabi ko. Wala paring malay sila Kaizer, Ynah at Patty. Ano bang nangyari? Naamoy lang naman namin yung black dust tapos bigla kaming nawalan ng malay.

"Anong nangyari?" Kaizer.

"Buhay pa ba tayo?" Ynah.

"Ang sakit ng ulo ko." Patty.

Unti-unti nang nagising sila Patty. Tumayo na kami at pinagmasdan ang paligid. Wala ding malay yung ibang mga estudyante. Pati ang mga kalaban ay wala na. Asan a sila? Tapos na na ang pag atake nila?

"G-guys look..." Sabi ni Ynah at tinuro ang taas.

Tumingala kami at nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Binabalot kami ngayon ng parang salamin. Para bang nasa loob kami ng isang bolamg crystal. Sa labas ay kitang kita namin ang mga higanteng gamit, mga libro, potions and other witch stuffs. Asan ba kami?

"Iba ang pakiramdam ko dito." Kaizer.

"Hindi maganda ang nangyayari I swear!" Patty.

"Bakit parang ang liit natin?" Ynah.

Nagulat kami nang biglang may magsalitang boses.

"Talagang maliit kayo sa pagkat nasa loob kayo ng aking crysyal ball! Hindi kayo makakalabas dito hangga't hindi ito nababasag! Bwahahaha!" Sabi ni Elisa at tumawang mala demonyo. Ang laki niyang tignan. Para siyang higante at kami ay mga laggam na nakakulong.

"Hayop ka pakawalan mo kami dito!" Sigaw ni Ynah.

"Hindi pwede. Hahadlangan niyo lang ang mga plano ko. Manuod nalang kayo habang sinasakop ko ang inyong mundo!" Elisa.

"Water bomb!" Sinubukan gamitin ni Kaizer ang element niya pero walang lumabas. Hindi gumana.

"Bakit ayaw gumana?" Sabi niya. Ilang beses niyang sinubukan gamitin ang kanyang kapangyarihan pero wala paring lumalabas. Sinubukan din namin ang kapangyarihan namin pero gaya ng kay Luke ay wala ding lumalabas.

"Anong meron dito? Bakit hindi natin magamit ang kapangyarihan natin?" Kaizer.

"Dahil may nilagay akong spell jan sa loob ng aking crystal ball! Hangga't nasa loob kayo ay hindi niyo maaaring gamitin ang inyong kapangyarihan!" Elisa.

Kaya naman pala. Kung ganun talagang mahihirapan kaming makalabas dito.

"Demonyo ka talaga Elisa!" Patty.

Humalakhak lang si Elisa. "Demonyo talaga ako! Malapit na kayong mamatay lahat oras na masakop ko na ang buong magic world!"

Kailangan namin siyang pigilan sa kanyang mga balak. Hindi pwede mangyari ang gusto niya. Ipaghihiganti ko si Fiera, mag babayad si Elisa sa ginawa niya. Kailangan kong maka alis dito sa kahit na anong paraan...

==========
Sorry po kung lame.

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now