Chapter 32: Attack The Academy (PART 2)

1.9K 71 15
                                    

[ Elisa's POV ]

"Itigil mo ito Elisa!" Paglingon ko ay nakita ko ang Headmaster.

Napangisi ako. Perfect timing ang matandang to. Mag sisisi siya na nagpakita pa siya sakin.

[ Third Person's POV ]

"Well well well, tignan mo nga naman." Nakangiting sabi ni Elisa sa Headmaster.

"Ano't naririto ka Elisa? Matagal ka nang itinaboy dito sa Magic World dahil sa ipinagbabawal mong kapangyarihan! Kaya wala ka nang karapatan pa para tumung tong dito." Sambit ng headmaster kay Elisa. Nag igting ang bagang ni Elisa kasabay ng pagyukom ng mga kamao nito.

"Oo! Matagal tagal na din nang ipatapon ako sa underworld! At ngayon ay nag babalik na ako! Nag babalik ako upang wasakin ang magic world at upang ipag higanti ang mag ama ko!" Kasabay ng pag sigaw niya ang pag kidlat ng malakas.

"At sa tingin mo ba ay hahayaan ka namin gawin iyon? Naitaboy ka namin nuon at magagawa ulit namin yun ngayon!" Sigaw ng headmaster.

Ngumisi si Elisa. "Nagkakamali ka tanda. Dahil sa pagkakataong ito ay ako naman ang mag wawagi!" Mabilis niyang binato ng shadow ball ang headmaster ngunit agad itong naka ilag.

"Evia Esta Iva!" Bigkas ng Headmaster. Isa iyong light magic spell.

Agarang nagkaron ng malaking magic circle sa taas ni Elisa. Balak sanang lumipad ni Elisa paalis pero bigla nalang itong napaluhod. May malakas na pwersa ang pumipigil sa kanya para tumayo. Ang malaking magic circle ay isang gravity magic. Kaya napaluhod si Elisa dahil itinutulak siya ng magic circle paibaba.

"Hayop ka talaga tanda!" Sigaw ni Elisa. Napapikit nalang ito dahil sa bigat ng pakiramdam niya.

Pero kahit ganon pa man ay hindi nagpa daig si Elisa. "Da-ise ire isur!" Bigkas ni Elisa. This time ay isa itong Dark magic spell.

Matapos bigkasin iyon ni Elisa ay nagkaroon siya ng isang kamukha na lumitaw sa likod ng headmaster. Iwinasiwas ng kamukha ni Elisa ang kanyang ispada at mabilis na sinugatan ang headmaster. Dahilan para mabitawan ang gravity magic spell. Naglaho na ang malaking magic circle sa taas ni Elisa.

"Hanggang ngayon mautak ka parin Elisa." Saad ng Headmaster habang iniinda ang sugat sa kanyang likod.

"Maging ikaw, tanga ka parin." Nakangising sabi ni Elisa.

"Nakalimutan kong sabihin.. Tungkol sa mga batang ipinadala mo upang hanapin ako..."

"Anong ginawa mo sa kanila?!"

"Katulad ng ginawa niyo sakin nuon ay ang ginawa ko kay Fiera. Itinapon ko siya sa underworld."

Namilog ang mga mata ng headmaster sa gulat.

"H-hindi ito maaari.."

"Nangyari na! Kaya wala ka nang magagawa."

"Wala na ang inyong tagapag ligtas. Hindi na siya maaaring makalabas duon kahit kailan."

"Napaka sama mo! Dapat nuon pa lang ay pinaslang ka nalang namin."

"Kasalanan niyo at binuhay niyo pa ako. Ngayon mag dusa kayo."

"Hindi ka magtatagumpay!"

"Talaga? Ikaw ang una kong papaslangin dito." Naglaho si Elisa at lumitaw sa likod ng headmaster.

Akmang sasaksakin na niya ito nang biglang lumiwanag at lumitaw ang isang nilalang sa harapan niya. Tumalsik palayo si Elisa.

"Cassiopeia?"

=========
Maayos ba guys? Parang ang gulo haha. 😂 Sorry nga po dahil ang tagal ng update. Hindi na din kasi ako masyadong active dito sa wattpad.

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now