STORY #91 (True Story)

Magsimula sa umpisa
                                    


"Nakikita mo ba?" Mayamaya pa ay tanong ni Balu na nakatingin din pala sa tinitignan niya. Hindi lang pala siya ang nakakakita sa kakaibang nilalang.


"O-Oo." Ang nanginginig niya pa nung sagot pagkatapos ay hinila na niya agad si Balu patakbo.


Hindi niya alam kung anong klaseng nilalang ang nakita nila nung madaling araw na iyon pero isa lang ang masasabi niya, isa iyong bangungot sa kanya.



Story 3


Nangyari ang kababalaghang ito sa bahay nila @EyEsDii sa Caloocan.


Tanghali yun. Nasa labas ng bahay nila ang Tito, Lolo, Lola at Mama niya nun habang siya naman ay nasa loob ng kusina para uminom ng tubig.


Bukas ang banyo at storage room nila nun nung mga time na yun na bihira lang mangyari dahil sa parati itong isinasara ng Lola niya pero hindi nalang niya iyon pinansin at nagpatuloy na sa pagkuha ng ma-iinom sa ref.


Habang umiinom siya nun ng tubig ay may nakita siya sa peripheral vision niya na lumabas sa banyo. Babae na nakaputi at mahaba ang buhok. Nakayuko ito habang dahan dahan na lumalabas. Pagkalabas nito sa C.R ay dumaan pa ito sa likod niya at pumasok sa storage room.


Hindi makahuma si @EyEsDii nun dahil sa pagkabigla at sa takot pero nung makabawi na siya ay buong lakas siyang tumakbo palabas ng bahay.


Agad niya iyong sinabi sa Tito, Lola, Lolo at Mama niya na nasa labas ng bahay nila. Pagkatapos nga niyang sabihin iyon ay nagkwento na din ang Lola niya. Hindi lang pala siya ang nakakita sa babae, pati din pala ang Lola niya.


Nakabukas din daw ang pintuan ng C.R at storage room nun. Naglalagay daw ito ng tubig sa ref nung mapansing may lumabas sa C.R na babae. Kasunod daw nito ang isang batang lalake. Katulad ng nangyari sa kanya ay dumaan din ang mga ito sa likod ng Lola niya at nagtuloy tuloy sa pagpasok sa storage room.


Dahil sa pangyayaring iyon ay may nabuo sila sa isipan nila. Na baka lagusan ng mga ispiritu ang C.R at storage room nila.



Story 4


Sa Caloocan pa din nangyari ang kababalaghang ito.


Gabi na nun, naglalaro sila @EyEsDii kasama ang mga tropa niya ng basaan sa kalye. Enjoy na enjoy sila nun. May dala dalang water gun ang iba. Ang iba naman nilang tropa ay may balde at tambo na dala.


Bale grupo sila na naglalaro nun. Dalawang grupo. Pero dahil sa na-isipan nilang pagtripan si Bokbok, isa sa mga barkada nila, ay napagpasyahan nilang one versus one hundred na ang drama ng kanilang laro. Si Bokbok na ang kalaban nilang lahat nun.


Di nagtagal ay naubusan sila ng tubig na ipambabato kay Bokbok kaya naman agad silang nagtatatakbo sa likod bahay ng isa sa mga kaibigan nila para kumuha ng tubig. Di na nila nun napansin na tumakbo din pala si Bokbok pa-uwi. Nalaman lang nila yun nung may magsabi sa kanila kaya naman sinugod nila sa bahay nito si Bokbok pero hanggang sa gate lang sila nun dahil sarado ito. Tinatawag lang nila si Bokbok nun nang magulat sila dahil may nagsalita sa itaas ng punong mangga na nasa tabi ng gate nila Bokbok.


"Andito ako." Ang mahina daw nitong sabi. At si Bokbok iyon.


"Bok, baba ka na diyan! Ang daya mo naman e!" Kantyaw pa nila nun pero parang wala daw sa sarili nun si Bokbok na nakatulala lang sa ibabaw ng puno at nakangiti sa direksyon nila.


"Hoy Bok! Baba na diyan! Gabi na o!" Mayamaya pa ay saway din ng isa sa mga kasama nila na nawiwirduhan na sa kinikilos ni Bokbok.


Pero maya maya lang ay nagulat silang lahat sa sumunod na nangyari, biglang lumabas si Bokbok sa gate nila at ginulat silang lahat. Napatingin silang lahat nun kay Bokbok at gulat na gulat. Nung makahuma sila sa pagkagulat ay agad na binalikan nila ng tingin ang Bokbok na nasa itaas ng puno kanina, wala na ito doon.


Pagkatapos nga ng pangyayaring iyon ay napagpasyahan nilang itigil na ang kanilang laro. Sinabi din nila kay Bokbok ang nakita nila sa puno para mawarningan ito dahil malinaw na doppelganger iyon ni Bokbok at baka isa iyong sign na may masamang mangyayari kay Bokbok.



Araw ng paggawa- June 09, 2015.

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon