HAMBURGER

21 1 0
                                    

HAMBURGER
Warning:Crime PART 2

I - https://www.facebook.com/1305050579651050/posts/1649749361847835/

Sorry natagalan gusto ko nalang kasing tapusin na sana sumasakit dibdib ko na nakikita ko pa sa phone ko to. Kaso mahaba di mapagkasya pag pina-padala ko kay Admin.
FOR THOSE WHO WE'RE ASKING HOW DID I KNOW/HOW DID WE KNOW, uulitin ko po, sa mga pinagsama-samang CCTV'S ng mga barangays na pinagdugtong-dugtong ng mga pulis, may mga taong nagsalita at lumitaw. Alam nyo naman sa baryo mabilis kumalat ang balita. Maraming imbestigayon ang naganap. And as a FAMILY, of course we tried our very best na makakalap lang ng mga kailangan naming malaman para pang-suporta sa imbestigayon. But sometimes it's not enough pag ang kabilang partido ay talagang halang ang mga kaluluwa. Sa nga nagsasabing fiction ito, well think first. Wala pong matinong tao na papatayin sa karumal-dumal na paraan ang taong mahal nila. Pag naaalala ko to, nananariwa pa rin ang sugat na hind alam kung kelan maghihilom. Ang sakit sa dibdib. Ang dalawa kong pamangkin ay nakita ko rin nga sa comments section sa part 1.
Dun sa sigarilyo,alam naman natin na pag tense ang mga tao na naninigarilyo,habit na nila yun para ma-relax.
Let me continue the story.
October 5,2018
Bandang 4am ng may kumatok kina Kuya Lyndon at Ate Chit.
Kinabahan si Ate ng makita nyang may mga Tanod na nasa gate. Isinama sila at nakita na daw si Joseph. Nakita daw ito ng mga barangay tanod habang papunta sana sa hospital na may isusugod na babaeng manganganak nun. Kaya nagradyo ang Tanod na yun para sabihin nga na may nakitang tao, nakahandusay, sa may gilid. (hindi sinabi agad na nasa kritikal na ang lagay). Agad namang rumesponde at nagsama pa ng back up ang mga ito, may nag-radyo ng kapulisan sa bayan. At ang dalawa ngang barangay tanod ay sinundo ang mga magulang ni Joseph. Habang may naiwan sa kanya at pilit siyang kinausap at may mga sinabi sa kanya si Joseph sa hirap na hirap na pakiramdam, nakikinig ang tao.  Me kumuha na din ng sasakyan para maidala ito sa hospital sa lalong madaling panahon. Take note: Ng makita siya ay may nakaipit pa ding sigarilyo sa kaliwang kamay.
Hindi sumasagot ang Tanod sa mga tanong nina Kuya ng sinundo sila, sabi lang malapit na po tayo. Makikita nyo rin.
Hanggang sa tinunton nila ang daan na papunta sa Centro, may maraming tao. Sa may harapan ng simbahan, sa may bungad. Nakuha pa palang makagapang pababa ni Joseph. Dun sa part na yun nakita nina Ate na maraming tao.
Dun sila inihinto. Ang lakas ng kabog ng dibdib ni ate. Tapos pagbaba namataan nya ang motor ni Joseph na nakatumba dun sa gilid ng ng sidewalk. Nakatumba. Doon na siya nangatog sa takot at humawak ng mahigpit kay Kuya. Si Kuya naman nanlalamig ang mga kamay at inisip nyang sana hindi totoo ang kutob nya.
Hinawi ng mga Tanod ang mga tao para makita ng mag-asawa ang nasa loob. Pagkakita pa lang ni Ate kung ano ang nasa loob para daw siyang masisiraan ng bait sa hitsura ng anak nya. Hanggang sa nawalan siya ng malay tao.
May mga taga SOCO na dumating din nun para makita at imbestigahan ang nangyari. Nilagyan ng caption tape ang mga paligid na di muna pwedeng pumasok dun. At dali-daling itinakbo sa pinakamalapit na hospital si Joseph. Pero siya ay patay na ng umabot sila doon. Lahat ng sinabi nya sa taong tanod ng barangay ay sinabi nito kay Kuya. Lahat-lahat!

Hindi makausap ang hipag ko nun at inayos ni Kuya ang mga dapat ayusin katulong na rin ang mga kapatid ko na malapit. Ng malaman ang nangyari ay pati ang malalayo ay gumayak para damayan sila. Sa ganitong mga trahedya kailangan ng magka-kapatid ang suporta ng bawat isa.
Ako naman ay nagkomyut nalang nun papunta sa funeral service kung nasaan sila. Sa jeep ay di ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko habang ka-text ko ang mga kapatid ko at mga pamangkin. Ang iba  kong mga kapatid ay malayong-malayo man hindi man namin sila karamay in person ay di sila nagpabaya sa tulong na pinansiyal. Kaming nasa Pilipinas ay dumamay at binigyan namin ng tapang at lakas ang pamilya ng kuya.

Pagbaba ko sa jeep dun sa funeral service ay nakita ko si Kuya Norbert sa labas nakaupo sa trike kasama ang misis nya na parehong pula ang mga mata sa pag-iyak. Humalik ako sa kanila at nagyakapan kami. Silang mag-asawa ang nagkwento sa akin ng ilang mga pangyayari. Nag-iiyakan kami hanggang sinabihan ako ng Kuya ko nasa loob daw sila. Pasok na daw ako.
Pagpasok ko dun ay nagmano ako sa mga kapatid ko na nasa loob (para ko na silang mga magulang halos ka-edad ko ang mga panganay nilang anak). Tapos yung mga ate ko pagkakita sa akin iyakan na naman kami. Yung Mommy ni Joseph nakatingin lang sa akin, di nagsasalita pero tumutulo ang luha. Awang-awa ako sa kuya at hipag ko nun. Naalala ko ang kasabihang dapat daw ang anak ang naghahatid sa magulang, hindi ang magulang.

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now