Buntis

19 1 0
                                    

Sa mga mommies po dito, baka may same experience dn kayo.

Matagal nang naka heightened ang 6th sense ko, pero before ako nagbuntis ng baby ko ngayon, about 3 months before nung nabuntis ako, bigla ko lang napanaginipan yung about sa anak ko. Take note lang po dalaga pa po ako nun (isa lang anak ko for now)
Sa panaginip ko, stress na stress ako, kaka out ko lang sa work ko. Sa BPO daw po ako nag work tas medyo na pressure daw po ako kaya na stress ako dagdag mo pa yung antok kasi shifting sched wala na yung natural sleeping sched. Namiss ko na rn partner ko nun kasi nagbabarko pero local lang nman. Siguro mga 4 pm na ako nakauwi nun kasi nga grocery pa ako nun and oo may dala ako nung gatas, diaper, mga kelangan nmin 2 ng anak ko. Umuwi ako sa bahay ng in laws ko kung saan kami nakikitira daw. Kitang kita ko yung details ng bahay nila na semento lang tsaka wlang pintura, may 2nd floor, tas pag nasa ground floor ka lang, pede lang na di mo hubarin yung sapatos/tsinelas mo. Pagkapasok ko andun yung mother in law ko tsaka yung anak ko na naka diaper at sando lang. Nung time na yun mga 1+ yr ang anak ko. Sinabihan sya ng mother in law ko na andyan na mama mo oh! Pero yung anak ko daw ayaw ako tingnan at niyakap nalang lola nya at nakatalikod sa akin pero palihim na tiningnan ako, sabi pa nya di nya daw ako kilala. Nasaktan daw ako nun at feel ko talaga na maiiyak na ako, busy ako palagi sa work kaya wla na akong enough time para sa anak ko. Kaya nilagay ko muna sa sahig ang mga binili kong groceries tsaka kumuha ng upuan at umupo malapit sa kanya. Tinanong ko sya, bat di ka na lumalapit kay mama? Anong di mo ko kilala ako ung nagluwal sayo? Na feel ko ulit yung sakit nung pagkapanganak ko sa kanya noon, feel ko yung gano kasakit yung lumabas na yung ulo nya sa pwerta ko. Tsaka kinuha ko sya sa lola nya at kinarga ko. Pero nung nagkatinginan na kami sabi nya, " it's a prank lang mama kilala kita" kaya niyakap ko sya at muntik na akong naiyak.

Dun na nag stop panaginip ko and pagkagising ko nun ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Unlike yung usual na panaginip grabe ang details ng dream na yun, na klarong klaro talaga. Pati pa yung naramdaman ko ung sakit ng pag anak eh di ko pa naranasan ang manganak nun.

Kaya yun after 2 months, nalaman kong buntis ako. Dinala ako ng parnter ko sa kanila for the first time para ipakilala sa family niya ( bago pa kami nung nabuntis ako, pero hanggang ngayon di ako nagsisisi na sya ang naging partner ko) at laking gulat ko na yung bahay  nila sa panaginip ko, yun dn talaga ang totoong itsura. At yung mama nya, although nakita ko na sya sa pic, pero yung hairstyle nya nun iba, yung hairstyle nya nung ipinakilala nya ako, same sa panaginip ko.

Kaya nung nalaman kong buntis ako alam ko na agad na baby boy ang dala ko dahil dun sa panaginip ko.

Ngayon yung anak ko parang mas matured mag isip kesa sa usual na bata. Matalino at bibo rn. Sa BPO na rn ako nag wwork kahit newbie palang ako. Yung partner ko nagbabarko rn dito lang sa local. Yung mother in law ko ung nagbabantay ng anak ko. Tsaka kahit nung 5 months old palang sya, parang masesense nya na bibisita yung papa nya sa bahay (minsanan lang kasi nga nagbabarko pa rn), ayaw nya matulog kahit 11 pm na, hihintayin nya yung papa nya, para bang nakakaintindi na sya ng mga pinagsasabi nmin.

Kaya naniniwala ako na pinipili ng mga bata ang magiging mama nila. Mahal na mahal ko ang anak ko dahil bago paman sya pumasok sa sinapupunan ko, pina-alam na nya sa akin na ako magiging mama nya.

May same case rn ba yung ibang mommies dito?



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2022▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now