Nakaburka

16 1 0
                                    

Pasintabi sa mga kapatid nating Muslim esp. Sa mga kababaihan🤗 No offense meant. Kailangan ko lang banggitin for context.

Nangyari ito December last year 2021, sa palengke. Ganitong eksena din, paulan-ulan towards magpa-pasko. So since busy na ang lahat mag-prepare for Christmas, nagluluto din ako para sa konting salo-salo naming magbabarkada sa bahay namin nung may nakalimutan akong ingredient. So, kailangan kong bumalik sa palengke. Anyway, medyo malapit lang samin ang palengke kaya sumaglit na ko kesa mag-tyaga sa mahabang pila sa mas malapit na grocery. Pero di na ko nagdala ng payong dahil di naman naulan that time. So pagtapos kong bilhin yung kailangan ko sya namang buhos ng ulan. Di naman gaanong malakas pero nakaka-basa pa din. So, sumilong ako at sa tantya ko matatagalan kay bumili muna ako ng yosi at gumilid konti. Sa pinuwestuhan ko, may babaeng buntis na mukhang kabuwanan na dahil ang haggard na ng itsura at mababa na yung tyan nya na nakikisilong din at may dalang konting pinamili. Sa tabi nya ay isang matangkad na babae na naka- burka. Matangkad ako kesa sa average na Filipina, mga nasa 5'7 ako pero mas matangkad sya sakin. Wala naman sanang kakaiba dahil marami naman na satin ang na-breed na ng ibang lahi thus may mas maputi, mas matangkad at hindi na mukhang typical pinay/pinoy.  So pansinin sya bukod sa ang tangkad nya, naka all black at nakatakip pa yung mukha.

Now, balik tayo sa eksena.

Napagitnaan namin ni ateng naka- burka si buntis pero medyo naka-tagilid ako kasi nga iniiwas ko yung buga ng yosi kay buntis pero naramdaman ko si buntis na  umuusog papunta sakin. Paglingon ko, si ateng naka-burka sinisinghot nya si buntis!!! Yung singhot na sarap na sarap parang fried chicken ba or yung leeg or kili kili ng baby na kahit achim-achim sarap pa din singhutin??? Ganun si ateng naka-burka,  sarap na sarap sya!!!  Pero komo naka-takip mukha nya at mata lang nakikita,  di ko sigurado kung sinsinghot nga ba nya. Pero naka-dukwang sya sa bandang side ni buntis at inaamoy nya yung mula sa braso hanggang bandang gilid ng mukha ni buntis. Tapos si buntis nagmamaka-awa na yung mata nya sakin tapos sabi nya sakin " ate.." na para bang nagtatanong kung ano nangyayari.  Nilapit ko din mukha ko kay ateng naka-burka para ma-ilang pero si ateng naka-burka umayos lang ng tayo at in-adjust yung takip nya sa mukha na parang hindi ako narinig at paramg walang ibang tao sa paligid. Lumingon na din si buntis sa kanya tapos biglang dumukwang ulet si ateng naka-burka at sininghot ng mahaba si buntis. Sabay kami nagulat ni buntis at napakapit na sakin si buntis.  Dun ko na sinita si ateng naka-burka ng "huy, ano yan?" Umalis lang sya bigla. Pero patalikod syang uma-alis papalayo  (walking backwards) habang tumatawid syang nakatingin samin ni buntis tapos mga ilang seconds nawala lang syang bigla!!!

Nagkatinginan din kami ni buntis kasi maski sya nagtaka biglang nawala. Sabi nya san napunta? Pareho naman namin nakita na papunta sya sa parehong direksyon na tinatanaw namin sya pero wala talaga. Take note matangkad sya at agaw pansin kasi nga ang laking babae at naka all black. Pero wala talaga. So sinundan namin ni buntis yung dinanaan nya tapos yung tumbok na yun may sidewalk vendors tinanong namin kung nakita ba si ate. Dinescribe namin sya. Wala naman daw. Tinanong kami kung kelan at anong oras daw ba, sabi namin ngayon lang,  katatawid lang, dito dumaan sa harap nyo. Wala daw din naman silang nakita o napansin.

Hanggang ngayon pala-isipan pa din sakin yun. FYI,  Yung roots ko bisaya so naniniwala kami sa ganun. Yung correlation ng buntis at mabango sila sa pang amoy ng aswang. KUNG aswang nga si ateng naka-burka...😉

Salaam!


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2022▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon