Mata

52 5 0
                                    

Mata.

Hi spookify! I'm chad, 20 yrs old. I was born blind po. Pero naoperahan po ako sa mata nung 8yrs old ako dahil may available na donor that time at sinamantala na igrab ng parents ko yung chance na makakita ako. Kung sino yung donor? I have no idea. Bata pa ko non at Hindi rin po inuungkat ng mga magulang ko dahil hindi naman namin talaga kilala. Naisip ko na random na tao lang or what. Dahil pinanganak akong bulag. My sensory abilities are way more advance sa normal na tao. Bagay na madalas naman talaga sa isang pinanganak na bulag kagaya ko. Mas malakas ang pang amoy, pandinig, panlasa at pakiramdam namin maybe because dito lang kami nagrerely since we have no sense of sight kaya mas sensitive kami sa nangyayari sa paligid even wala kaming vision.  Noong nagkaroon ako ng paningin, nilipat na din ako sa isang normal school. Dati kasi ay nasa special school ako. Ang school na tinuluyan ko ay merong pre-school, elementary, highschool at college na magkakasama. Kaya sobrang laki ng campus. Simula naman ng lumipat ako dito ay tinuloy tuloy ko na hanggang college.

Things have changed ng maoperahan ako. At tbh. Wala kong idea kung normal ba to. Eversince the transplant? Merong mga memories bigla nalang nagpo-popped out sa utak ko. Pero sobrang saglit lang. Parang dumaan lang. Di ko alam kung guni guni ko lang ba yun. Di naman sya madalas mangyari nung elementary ako. Nung naghighschool ako, doon na may mga pagkakataon na naglalakad ako around school tapos may biglang tao na nag aappear sa paningin ko na kumakaway at tinatawag akong "alice" tapos nawawala nalang. Yung place sure ako na same lang pero yung background parang dati pa nangyari based sa guy na kumakaway at sa mga estudyanteng nagdadaan. Medyo hindi kasi modern compared sa kinalalagyan ko atm. Kapag nangyayari yun. Sobrang sumasakit yung mata at ulo ko.

Tumuntong ako ng college at mas lalong lumala.  Siguro natrigger ng stress? Ewan. Hindi ko alam pero may mga panahon na habang nagssketch ako ay bigla akong nakaririnig ng isang tunog. Melody sya at sinasabayan ng batang tumatawa. na lalong nagpapasakit sa ulo ko. Para na kong nababaliw kaya Nakailang balik na ko sa doctor dahil sa sakit ng ulo at mga kung ano anong hallucinations na nangyayari. Binigyan ako ng meds at pinagbawalang magpaaraw dahil makakasama daw.

Dumaan ang mga araw, hindi nakatulong ang gamot at lumala ang sakit ng mata at ulo ko at doon nagsimula ang mga panaginip na paulit ulit kong napapanaginipan. Madalas malabo lang. Sa panaginip ko, madalas nagsisimula sa bola. May tumatalbog na bola saka may mga tumatawang lalaki na parang nag iinuman. May umiiyak na bata. At May sumisigaw na babae. Blurr lahat at madalas nagigising akong pawis at nanlalamig. Dahil parang pattern ang nangyayari, iniwasan ko yung mga lugar na nagt-trigger ng biglaang ala-alang hindi ko alam kung saan nangagaling. Hindi na ko pumunta sa canteen ng kabilang bldg. Dahil doon ko nakikita yung lalaking tumatawag saakin ng "alice" . Hindi na ko dumadalaw sa bahay ng girlfriend ko para doon magsketch dahil dito ako naririnig ng melody at tawa ng bata. Hindi na ko nagpupunta sa hospital para magpacheck up dahil for some reason. Sa lugar na iyon pinakanattriger ang kung ano ano. Hindi na ako bumalik sa hospital na iyon dahil mababaliw na ko . iniwasan ko ang hospital na iyon at sa iba nalang nagseek ng medical attention. I've continued my life. Kahit na nag tatampo na ang parents ng gf ko dahil hindi na ko nakakadalaw sakanila. Kahit parang tanga na ko sa nangyayari sa sarili ko, hindi ko naman napabayaan ang relasyon ng mga tao sa paligid ko.

This year gumraduate ang gf kong si Lei(not her real name) ng shs. Almost 2 years na kami pero she's so stiff. Ayaw nyang hinawakan sya ni dulo ng daliri nya. 1 time hinalikan ko sya but she ended up shaking violently. Napuno ako ng guilt non. Sobra. Dahil don nakuntento nalang ako sa ganong set up. Walang physical contact kahit konte. But dont get me wrong. Shes sweet and caring. Sadyang hindi sya comfortable na hinahawakan sya. Bata pa naman kami and theres no point para irush ko sya sa mga bagay na nakikita o nadidinig ko sa circle of friends ko. Anyway, Di ko binigyan ng meaning yun. Inisip ko na baka nag aadjust pa din sya since 1st relationship nya to. So back to story, dahil nga graduation nya, yung ibang kaklase nya hinagisan sya ng bola. Grabe yung reaksyon nya. Takot na takot sya non to the point na umiyak sya. Ambabaw ng dahilan non dahil bola lang naman yun pero dahil tumakbo sya sa takot. Napaaway pa ko don sa mga bata. Pagkatapos non ininvite ako ng parents nya sa bahay nila dahil May celebration non kaya kahit ayaw ko. Sumama ako pauwi sa bahay nila. May mga tao doon na kamaganak nila sa malayo.

Don nagstart na naman yung ibang ala ala. Nagcr ako at naghilamos ng muka. Pero pag angat ko ng ulo ko ay iba ang nakita ko sa salamin. Babaeng kahawig ni lei. Nakangiti ito at nagaayos ng buhok sa salamin. Tulad ng madalas mangyari, nawala rin ito. Namumutla pa ko non na lumabas ng cr dahil ang gulo. ANG GULO GULO ng nangyari. Sa tagal ng nangyayari to sakin ay malamang nangyari na dati yung nakita ko sa salamin. May nanalamin doon na babae sa cr ng bahay nila. Naisip kong itanong si lei kung may kapatid ba sya dahil sa pagkakaalam ko ay solo syang anak. Noong nagtanong ako kung sa mama nya dati kung may mag isa lang ba si lei na anak nila, "Oo" ang sagot ng mama nya. Paakyat ako noon sa taas ng marinig ko ang isang nasa mid 50's na matanda.

"Parang kelan lang ano? Ambilis ng panahon. Ilang taon na ba noong namatay si alice?" Parang nag eecho ng paulit ulit ang pangalang iyon. Alice. Blanko na ang utak ko non maliban nalang sa tanong kung sino ba kasi si alice. Hinang hina na yung tuhod ko non sa hindi maipaliwanag na rason. Parang bumibigat na naman yung ulo ko kasabay ng pagsakit ng mga mata ko. Still, I've manage na akyatin pa si lei. Dahan ko pang binuksan ang pintuan only to hear the melody na ginugusto kong takasan ang tunog. Nanggaling iyon sa isang music box na malungkot na pinagmamasdan ni lei. iyon nalang ang huling naalala ko. I've lost it. Nagising nalang ako sa hospital.

Days after thinking, I've confronted lei. Hindi naman sya nagsinungaling din. Alice was her older sister she used to admire. Until a tradegy happened. 12 years ago, napagtripan sila sa daan otw home. 17 ang ate nya noon at 6 years old daw sya. Dahil hindi sila nasundo non ng dad nila. Ilang oras silang naghihintay non sa labas ng school hanggang sa dumilim na. Alice decided then, na umuwi na sila. Magcocommute nalang sana sila pero hinarang sila ng kung sinong mga lasing sa eskinita na nadaanan nila papunta sana sa sakayan. Dahil sa takot siguro daw ay tumakbo sila kung saan hanggang sa naligaw sa mas liblib na lugar. Nakapagtago pa daw sila non. But Lei was carrying a ball. At Nabitawan nya daw ito. Dahil don. Gumawa iyon ng ingay at nakita sila ng nga adik na naghahanap saknila. Before pa makalapit saknila. Lumabas daw ang ate alice nya at binilinan syang magtago lang doon at wag na wag lalabas. Nasisilip nya daw ang nangyayari mula sa likod. Na Kinausap daw ng mahinahon ng ate nya yung mga lalaki at nag aabot pa ng pera pero hinarass pa din daw ang ate nya at ginahasa ng apat na lalaki saka ito binugbog. Nakita nya. Nakita nya lahat ng ginagawang pambababoy sa ate nya. Hindi nya na alam daw kung pano sila nakaalis sa impyernong yun. Pero pabalik balik sila sa hospital noon dahil may tinamong saksak ang ate nya. Noong hindi nakasurvive ang ate nya ay sinunod daw ng parents nya ang hiling nito. Idonate ang organs na pwedeng mapakinabangan.

Malinaw na ang lahat saakin ng mga oras na yun. At the end of the day, napagtagpi tagpi ko ang nangyari.  Lei was traumatized kaya ayaw nyang hinahawakan sya dahil sa nakita nya na ginawa sa ate nya. Pati yung bola ay takot sya. Dahil sa insedenteng iyon. Ang school na pinapasukan ko ay school na  Pinasukan ni alice. Ang melody na nanggagaling pala sa isang music box ay pag aari ni alice. Lei said her ate used to show her that music box at tuwang tuwang daw sya doon noong bata pa sya .sya. sya pala ang batang naririnig kong tumatawa sa tunog na iyon. Ang doctor na pinuntahan ko ay ang guy na tumatawag kay alice 12 yrs ago. Alice's bestfriend. Ex lover rather. Kaya siguro sumasakit ang ulo ko sa hospital na kinaroroonan nya. How ironic isnt it? These eyes continues to watch over lei. Kahit wala na ang totoong mag ari. So much for a coincidence huh? Ang hindi ko maintindihan. Ay bakit may mga lumilitaw na ala ala ni alice sa utak ko? How is that possible? Andaming ko pa ding tanong kahit nasagot na yung iba. O masasagot pa ba? Or is it best to remain unknown perhaps?  The world itself is really strange.


📜Spookify
▪︎2018▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu