2:07

26 0 0
                                    

2:07

https://youtu.be/JelCNycV3J8

Nanay na ako limang taon na panganay ko tapos bunso ko naman iisang taon pa lang. Bago ko sya ipanganak nagawa na bahay namin. Bale yung lupang kinatitirikan mana ng asawa ko sa lolo nya bilang paboritong pagalitan ng lolo nya noon. Marami namang mga bahay sa lugar kaya lang yung kinatitirikan ng bahay namin napagitnaan ng dalawang fishpond. So wala kaming literal na kapitbahay kundi katapat bahay. Kekendeng ka muna patawid sa kalsada bago ka magkaroon ng katsismisan. Kaya nga lang po dahil dayo ako sa bayan nila wala akong masyadong kaclose sa mga taga roon. So yung bahay namin bagong gawa lang. Dahil katoliko asawa ko at pamilya nya kahit ayoko sanang padasalan at pasukan ng mga rebulto yung bahay namin wala akong magawa. Saktong isang buwan ng bunso namin, sinabay na binyag. After 2 days flumight na asawa ko padubai. Ang naging kasama namin ng mga anak ko sa bahay yung kapatid kong lalaki at yung pamangkin naman ng asawa ko, lalaki rin. Isang linggo ng nakaalis asawa ko, nagpamani-pedicure ako. Tapos nung makita nung mga katapat bahay namin nakisunod na rin sila. Eh bilang ako ay sabik sa kakwentuhan natuwa ako sa pagparine nila sa bahay. Nagpabili akong merienda sa kapatid ko. Naging kaclose ko na mula nun si toyang. Palayaw nya yan. Isang araw hiniram ng biyenan ko mga bata dun muna sila ng tatlong araw ika nya. Nagabihan ako sa daan pero hindi naman ako nag isip na may masamang mangyayari sakin dahil nga kilala asawa ko sa lugar. Hindi rin ganun kalayo yung bahay ng biyenan ko mga limang minutong lakad lang. Kaya lang nung paliko na ko at nasa anim na bahay na lang ang layo ko samin may biglang humarang na malaking kambing sa gitna ng daan. Di naman ako natakot, agad. Aba kambing lamang iyon. Kaya lang kinabahan ako ng slight nung paghakbang ko sa kanan para sana ay iwasan ko bigla ring hakbang nito sa kanan. Sinunod ko kaliwa, syang hakbang naman nito sa kaliwa. Napaatras ako ng isa. Syang abante naman nito sakin. Nabulalas ko pa aba para kaming nagtatanggo. Para bagang doon na ko natauhan na kambing lang ay kinakabahan na ako. Kaya abante na ako. Pero ang tampalasan bigla akong binuno. Napahandusay ako sa kalsada. Masakit ang tyan ko. May basa. May bumusina bigla. May nagtayo sakin. Tapos pagkasabi ng nagtayo sakin ng dugo napatingin ako sa kamay ko. May dugo nga. Nagkamalay ako nasa ospital ako. Umiiyak biyenan ko bakit daw ako tuloy tuloy kasi sa kawayan na nakahambalang sa daan. Si toyang nag-ssssh sakin ng pasikreto. Di nya ko kinausap hangga't hindi ako nakalabas ng ospital. Ang sabi pa nya sakin, mag-usap kami sa ibang lugar wag sa barangay namin. Kaya nung nagpadala ang asawa ko pati asawa nya, magkasama kasi sila sa iisang kompanya, inaya ko syang mag grocery sa kapitolyo. Sinama naming pareho mga panganay namin. Nung nasa foodcourt na kami at lumalamon na mga bata, tumabi sya sakin at may pinakitang picture. Totoy pa asawa ko sa picture. Parang class picture. Nandon din kasi asawa nya. Mas bata kami ni toyang sa mga asawa namin. 'yan' sabi nya. 'ex yan ni alex. Bumalik na sya last week' kinuha nya phone nya at may tinype. Pinakita nya sakin.

Sya yung sinasabi ni ross na kambing

Si ross yung tumulong tumayo sakin. Kahit probinsyana ako, di naman ako naniniwala noon sa mga kung ano anong bagay lalo multo, engkanto o aswang. Kaya tinawanan ko sya. 'sige kung ayaw mong maniwala. Para na lang sa kaligtasan ng mga anak mo, pag yang babaeng yan ay nagpunta sa bahay mo wag mo syang aayain pumasok'. Hindi ako naniniwala noon sa ganon pero naniniwala ako sa kayang gawin ng desperada at obsession. Di nagtagal nasa gate na namin yung babae sa picture. Na insecure ako sa ganda dagdag mo pang ang sexy. Ang amo ng mukha. Kaya lang nagreplay yung sinabi ni toyang sakin. Pinapasok ko sa kwarto panganay ko sabi ko bantayan nya kapatid nya. Nilock ko pinto sa kusina, chineck ko rin mga bintana saka ako lumabas sa terrace namin. 'ano yun?' tanong ko. 'si alex?' tanong naman nya. Alexander pangalan ng asawa ko. Kunwa di ko gets sinong alex. 'si alexander +++++ +++++++' sinabi nya pati middlename ng asawa ko, yung dalawang kamay ko biglang nagpamewang. 'ako si chinne +++ +++++++ asawa nya ko pero wala sya dito ngayon nasa dubai'. Tagal nyang nakanganga tapos nagtanong lang ulit kung pwedeng pumasok. Sinagot ko syang hindi. Kinagabihan dumating dalawang biyenan ko. Parang aligaga. Si tatay sinara agad mga pinto at bintana. Bago isara ni nanay yung pinto ng kwarto narinig kong binibilinan nya yung kapatid ko at apo nila na wag ng lalabas ng gabi. Si nanay naman kinausap ako. Tungkol sa ex ni alex. College na raw si alex nung maging sila nun. Yung si selena, si ex, bagong salta sakanila dalawang taon bago grumaduate ng highschool. Ang kinagulat ko katulad kong batagueña. Nung naging si alex at selena, namayat ng sobra si alex at naging mainitin ang ulo. Dahil nagbago ang anak nila, sabi ni nanay kinausap nila ni tatay si selena nung minsang bumisita ito sa bahay nila. Pero minamasama ng loka ang pagkausap sakanya. Nagpanggap itong buntis. Paniwalang paniwala sila dahil may pinakita itong pt na positive. Dalawang buwan bago nila malaman na hindi pala totoo, naghiwalay sila. Kinilabutan ako sa sumunod na kwento ni nanay. Nag anak sa binyag sila alex kasama si selena. Kaklase kasi nila nung highschool yung may anak. Si selena nasa may kusina isa sa mga nagprisintang tumao doon dahil nga napakarami ng bisita. Uso kasi dito yung mga pabitbit sa mga ninong at ninang kasal man o binyag. Si selena nag abot sa asawa ko ng pabitbit nya. Okay pa habang pauwi. Kahit nung nasa bahay na sya. Pero nung ilalahok na sana sa munggo yung lechon manok na nasa pabitbit, nagsisigaw si nanay.

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon