ANG PAGSANIB

79 2 0
                                    

"ANG PAGSANIB"

Hi Spookify, Avid fan here and a silent reader sana po ma feature ito.
Tawagin niyo na lng akong Bey (Palayaw ko lang), Noong July 7, 2017
This july lng nung friday parang isa lng siyang normal na araw pumasok ako sa school na parang wala lng nakipagchikahan ako sa mga classmates ko nun, sabi ng classmate ko na sakristan na may mass daw that day (Catholic school kasi yung school namin) Nasa Church na kami makaraan ng ilang minuto ang classmate ko na si Shanley ay hirap na huminga at tila wala ng lakas (before pa nyan sinugod na sa clinic yong isa ko pang classmate si Jasmine nung flag ceremony, same din nararamdaman nila) Nagpatuloy ang mass hanggang sa may sumunod naman na isang studyante na tila d din nakakahinga at hindi makagalaw.
At ayon nagka sunod sunod na ang nangyari marami na ang nag ka ganon (noon akala ko OA lng talaga sila kaya nag aacting-actingan na lng para maka sabay sa uso hahaha) Isa sa worst part may isang babaeng estudyanteng umiiyak at hirap huminga at d maigalaw ang kanyang katawan sinubukan namin syang I sugod sa clinic pero ayaw niya at tila may sinasabe sya. Tapos na ang Mass at nagsipasokan na kami sa mga silid-aralan namin...
Nang may mga ambulansyang dumating at pati mga pulis pati mga rescue team. Hindi namin namalayan na madami na pala ang naging biktima. Nabahala ang punong ministro ng paaralan kaya pina-uwi na lng kami. Nag-celebrate kami ng Bestie ko dahil walang pasok.
Monday! Nag mass nanaman at ayon lahat kami patungo na ng simbahan. Hindi namin alam may inimbitang exorcist na isa ding priest ang school namin so ayun nag start na ang mass at lahat ng estudyante sa paaralan namin pinasali sa mass hindi lng mga Junior high kasali din ang senior high pati na din ang college mga 20 minutes ang nakalipas may parang prayer na sinabe yung priest at d namin ma intindihan kasi latin eh. Ilang Segundo lng ang dumaan ng sinimulan ng priest ang prayer ayun nangyari naman yung d namin gustong mangyari ang masaniban ang aming mga kapwa estudyante..
Paalala ng priest dapat d namin tignan ang mga nasasaniban at dapat mag focus lng kami sa pag pray.
So ayun ang mga officer kasama ang ibang mga staff sa school isinugod na nila ang mga nasaniban sa clinic.
Ff, lunch break. Nasira na talaga ang pangalan ng school namin dahil dun. Marami na ang nagdecide na mag transfer ng school. Marami na din ang usap-usapang naganap tungkol dun sa school.

1:30 p.m. Nasa school na kami at nakasabayan ko yung isa kong classmate na nasaniban at nagtanong ako kung ano ang feeling ng masaniban, sabi niya parang may humahawak sa liig nya at hinihigpitan ito at d na siya halos makahinga. Nasa classroom na kami tumatambay. Hindi kasi maayos yung classes namin kasi may mga inaayos pa yung mga teachers.

Ff. Inanunsyong walang klase hanggang tuesday!
Kaya ayon nagpaparty nanaman kami ni beshie.

Teorya o mga haka haka tungkol sa mga nangyari. Noong 1950 something may isang mag-aaral sa Colegio de San Francisco Javier (pangalan ng school na pinapasokan ko) na napakaganda at mabait
Kaya maraming nagkagusto sa kanya. May isang lalaki na nagkagusto sa kanya noon pero binusted nya. Hindi matanggap ng lalaki kaya pinatay nya ang babae sa paaralan mismo at pagkatapos nun tumalon ang lalaki sa isang gusali ng aming paaralan at yun namatay din sya...
Nagpaparamdam daw ang lalaki.

Sabi ng isang nasaniban d lng sya nag iisa may mga kasama pa sya at d daw sila titigil kung d nila ma-uubos ang mga Faculty at staff at mga estudyante.

Please tulongan niyo po kaming e pag pray ang school namin.
This is something serious, everything is not fake or made-up..



📜Spookify
▪︎2017▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon