DREAM ABOUT YOU IV

24 2 0
                                    

DREAM ABOUT YOU IV

Hi ka Sigaw,  Luna again. 

Umuwi ako ng pinas (oct. 22) dahil namatay ang tito ko. Close ko kasi sya dahil halos sya ang tumayong ama sa akin noong panahon na nasampa si daddy sa barko.  Retired captain ang daddy ko sa isang european cruise ship. 
Tahimik at maayos naman pagdating ko dito, aaminin ko namiss ko ang pinas. 
Nawala sa isip ko yung takot at pangamba na baka guluhin nanaman nya ako.
Sa mga panahon kasi na yon naka focus ang emosyon ko sa pag dadalamhati.

One night,  habang nanunuod kame ng pinsan ko sa sala biglang tumahol yung mga aso namin. Nakatingin sila sa may pinto. Pinipilit ng pinsan ko na patahimikin sila pero ayaw nila,  galit na galit sila tapos nagtatayuan mga balahibo nila. Yung pusa ko,  sumampa sa akin tapos nakatingin sa pinto nakatayo din balahibo nya. Sinilip ng pinsan ko sa bintana,  walang tao sa labas ng pinto pero sa may monitor ng cctv sa gate may taong nakatayo na naka hoodie. Hindi nag doorbell yung tao, basta nakatayo lang siya doon. Lalabas na sana si manang pero pinigilan ng pinsan ko. Sinabihan nya din yung driver namin na wag bubuksan yung gate.  Alam nila yung about sa stalker ko, kaya nag set na ng alarm sa buong bahay. 

Hirap ako makatulog buong gabi, pero buti kasama ko ang pinsan ko. Sender din sya dito sa page. 
Kinaumagahan sabi ni manang, mag uumaga na daw umalis yung nakatayo sa gate namin. Nagbuo kame ng desisyon ng pinsan ko, alam ko kasi na si camille yon at wala ng iba. 
Kaya nag set up kame na para mahuli sya at maidala sa mental, yun lang kasi ang naisip kong gawin nung mga oras na yun. At pakiramdam ko yun lang ang maitutulong ko,  madami na nagsasabi na baka possessed sya ng demon.  Nobody knows, at hindi ko din alam talaga. I asked our pastor about sa nangyayari sa akin at kay camille, sabi nya maige na maipa check muna sya.

The day comes, sinadya ko talaga na mapag isa sa park malapit sa amin. Mga hapon na din yon at wala gaano tao meron man dun sa may palaruan. Alam ko na nasa paligid sya, ramdam ko na may nakatingin sa akin. Nag kunwari ako na nagbabasa lang, hanggang sa may tumabi sa akin. Si Camille, hindi ako nagpakita ng takot sakanya. Hindi sya nagsasalita,  inaamoy nya lang yung buhok ko at balikat ko.
Hindi ko na kinaya kaya nagsalita na ako.
L: camille,  ]ano ba nangyayari sayo? 
C: hindi ko alam pero simula ng napanaginipan kita gusto na kita, mas lalong tumindi nung makita kita.
L: alisin mo sa isip mo yan hindi tama yan.
C: hindi ako si camille, nasa loob ko si camille.
- totally natahimik ako that time, yung pawis ko sa noo butilbutil na.
C: hindi kita sasaktan, pero may isa sa amin ang mapanakit. Pero gusto ka din nya, gusto ka namin. 
L: hindi kita maintindihan. Please tigilan nyo or mo na ako.

-maya maya para syang naging bata, hindi literal pero yung way nya ng pagsasalita at pagkilos.

Mukhang alam kuna kung anong meron sya, meron syang split personality.
Hindi ko alam pero instinct ata na inabutan ko sya ng candy para maging ok sya.
Guys, nakaramdam ako ng awa sakanya. Kasi hindi ko alam paano na develop yun sakanya. Pag ka abot ko ng candy tumahimik sya, smile sya ng smile sa akin.
Maya maya umayos sya ng upo bigla sabi nya sorry.
Napatingin ako sakanya, nakita ko yung mata nya bilang si camille.
Nagsimula syang magkwento ng nakaraan nya, nag simula syang sabihin sa akin lahat lahat. Hindi sya daw sya baliw, wag ko daw sya ipadala sa mental. Pinakinggan ko lahat ng kwento nya , buong buhay nya. After non, niyakap ko sya. Umiyak ako guys, umiyak ako kasi sa awa, sa sakit na naramdaman nya, sa galit sa mga tao na nanakit sakanya. Nang bitiwan ko sya, sabi nya sa akin "please wag mo ako sukuan, pede ba kitang maging kaibigan. I mean, namin pede ka ba namin maging kaibigan?"

Siguro magtataka kayo bakit ako pumayag na maging kaibigan nya. Oo guys, pumayag ako maging kaibigan nya. Kasi alam ko na walang ibang basta makakaintindi sa pinag dadaanan nya.

Now, ok naman sya. Nag seek ako ng help sa kaibigan ko na therapist sa mga kagaya nya. At now, lagi kame nag uusap ni camille at nagkikita din. Unti-unti kong na iidentify kung sino sino ang mga personalities na nasa loob nya.
Tama kayo, hindi ko sya dapat sukuan. Salamat ng marami sainyo guys.

Sa next na story ko, ikukuwento ko yung about mismo kay camille. Story nya ang ishare ko sainyo.  Gracias Sigaw!

-Luna

Parts I-III:
https://www.facebook.com/218238752251069/posts/557263298348611/



📜Sigaw
▪︎2019▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon