Abandoned Hospital

64 4 0
                                    

Abandoned Hospital

Hi! Eya here again. so ayun na nga. as you can see sa title abandoned hospital, yes eto yung ospital sa may Clark, Pampanga. yung past story ko sa Clark din hahaha hilig kong mag liwaliw sa Clark para kasi akong nasa America 😂 so here it is.

it was last February and Wednesday afternoon yon tanda ko yon kase half day kame every Wednesday. bukas na dito yung third eye ko. so my friend and i went to the abandoned hospital. tago nalang natin siya sa pangalang Bel. nag kayayaan kame after class kase nakwento ko sakanya na bukas na third eye ko, so sabi niya try namin sa abandoned hospital, pumayag ako. kase last year nung pumunta kame di pa bukas non kaya parang nag katuwaan lang kame noon. so pag dating sa abandoned kinausap namin yung guard na lilibot muna kame tapos nag bayad nalang kame sakanya para may kasama kameng guide. hirap na bukas yung ikatlong mata ko baka may mangyare. una kong nakita yung matandang babaeng naka ngiti sa entrance. tila ba winewelcome kame. pag lampas ko sakanya lumingon ako halos maiyak ako kase inaabot niya yung kamay niya saken parang nang hihingi nang tulong. pangalawa, yung bata sa elevator na sira makikita mo talaga na elevator siyang parang nalaglag. yung itsura nang bata maputla pero nakangiti nginitian ko din siya. maya maya yung palda nang uniform ko nag unbalanced parang hinihila pababa yung sa right side ko tila kumapit yung bata saakin. gusto niyang makipaglaro nararamdaman ko yon. kaya hinayaan ko siyang naka kapit saakin. nag tataka yung kaibigan ko bakit ang tahimik ko sabi ko wala lang. pangatlo, sa 2nd floor na kame nakakita ako nang babae basang basa siya nanay siya nung bata. kase bumitaw saken yung bata noong nakita niya yung babae tapos ngumiti ulit saakin yung mag ina. pero hindi nila kame iniwan naka sunod sila saamin. sinabi ko kay Bel 'Bes may nakasunod saatin.' nag panic siya, pinakalma ko siya yung guard nag smile lang saakin na parang alam niya yung nangyayare. pangapat, sa 3rd floor na kame may tatlong babaeng mahahaba ang buhok hanggang bewang, naka poker face lang sila tapos tung mga kamay nila puro dugo parang nag laslas, tapos tinitignan ko lang sila parang inismilan ko lang sila tapos nawala sila lumingon ako nasa likod ko sila yung bata humawak nanaman sa palda ko. 'May bago tayong kasama' sabi nung guard. confirmed alam niya ang mga nangyayare. panglima sa rooftop na kame tumuloy, may bata nanaman babae kaso parang pinag sasabunot nang nanay niya tapos umiiyak. inaabot niya kamay niya saken lumapit kame nang hindi napapansin ni Bel. bumulong ako sa isip ko 'Ano ang nangyare sayo? Bakit ka umiiyak nang ganyan? Pag dadasal kita mamaya' tapos nanahimik yung lugar tapos humangin nang malakas biglang nag salita si kuya guard 'Yung batang babae, nawala na.' tapos ngumiti siya saken si Bel gulong gulo na yung utak. 'Ano ba kaseng nangyayare?' inis na sabi niya. 'Mamaya ko kukwento sa ngayon mag dasal tayo. Na sana kung ano man ang nangyare sa mga nakasunod saatin ngayon ay matahimik na sila.' nag alay kame nang dasal para sakanila maya maya humangin nanaman this time mas malala. lahat sila nawala except sa bata na lalaki. 'Bakit ka pa nandito? Gusto mo munang mag laro?' sabi ni kuya guard. nag smile nalang ako. hanggang sa bumaba na kami papuntang basement o yung morgue. yes morgue. ayoko talagang bumaba dito kaso makulit si Bel. 'Sabihin mo lahat nang nakikita mo saken' kulit ni Bel saken. pag baba namin agad ko nang naamoy yung mabaho sobrang baho nakakasuka. hindi ko alam ano yon basta nakakasuka. 'Kuya ano yung mabaho?' sabi ko. 'Wag mong sasabihin yon iha.' nanahimik ako at di na muling nag salita pa. 'Nakikita ko yung matanda sa entrance kanina nandito siya sa right peripheral vision ko. may nakikita akong batang sunog sa may bandang dulo. merong lalaki sa may butas. may nakasilip na mata sa may gilid mo.' mabilisang sabi ko kay Bel. 'Tama ka mam pero meron kang nakalimutan, yung babaeng umiiyak sa malapit sa crimation' napakapit si Bel saakin. 'Di ko siya nakikita kuya pero nararamdaman kong mabigat ang loob niya.' nag patuloy kame sa pag lalakad hanggang sa nakarating kame malapit sa crimation room. naririnig ko na yung umiiyak habang papalapit palakas nang palakas hanggang sa nakarating na kame sa tapat biglang tumigil yung umiiyak pumikit ako. natatakot nako. iba yung aura niya. gusto niyang mag higanti. nag dasal ako nang nag dasal. nawala yung bata na naka kapit saken. tumigil yung iyak. maya maya pag dilat nang mata ko nakita ko yung bata tsaka yung babaeng umiiyak mag kahawak nang kamay. parang ate niya. tapos yung bata na kanina maputla lang sunog na ngayon. jusko naiyak ako nang hindi oras tapos nag yaya na akong lumabas dumaan kame sa likod na nang ospital. 'Mam ang tapang niyo po.' nag smile ako kay kuya tapos umalis na. noong palabas kami nang area nang ospital nakita ko yung lola naka smile siya nang malapad. pero biglang bumigat nanaman pakiramdam ko. nakita ko yung bata tumatakbo papalapit saken. nag dasal ako para sakanya. tapos umalis na kame. kinwento ko lahat kay Bel lahat nang nakita ko. 'May ability ka bes, may regalo ba. Parang saken kaso yung saakin nakakakita nang past nila yung sayo nakakapag paaamo nang mga multo at nakakatulong, kelan pa yan? Gusto mo dalhin kita sa lolo ko sa Quezon albularyo yon magaling siya.' pag kumbinsi niya saken. 'Nung galing ako dun sa resort, feel ko dun sa batang lalaking may ngiting demonyo to galing. Sige puntahan natin sa bakasyon.'

may kasunod pa to kaso mahaba na masyado. hanggang dito na muna.

P.S yung batang lalaki naisama ko sa bahay.
P.P.S nakikibasa siya ngayon.
-eyagirl


📜Spookify
▪︎2018▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon