MAG-INGAT KA SA BOMBA

14 1 0
                                    

MAG-INGAT KA SA BOMBA

Taong Octubre 2017 sa school ng anak ko sa Pampanga ito naganap. High School. Ang mga mag-aaral dito ay humigit kumulang sa 7,000.

Araw ng huwrbes- may isang guro na nagalit sa estudyante dahil discuss siya ng discuss pero ang estudyante ay may sariling discussion sa desk, kausap ang mga katabi. Tawagin nating Maan Shane. Siyempre si Maam maiinis at pinagsabihan ito na siya nalang mag-discuss. Tuluyan ng nainis si Maam Shane at pinakuha ng papel, binigyan ng quiz. Ang estudyanteng pinagalitan ay sobrang sama ng tingin sa kanya.

Friday morning, nagkataon nasa school ako nun kasi may meeting kami ng mga kasamahan kong officer sa Pta.

May nagtext kay Maam Shane ng 6:30 am unknown number na may nakasaad na ganito, "mag-ingat ka sa bomba pag sumabog yan patay ka."

Siyempre nataranta si Maam Shane nun. Magsisimula na sana ang klase. Agad na pumunta kay Madam Principal para ipakita ang text kasi hindi naman biro yun. Maraming buhay ang nakasalalay. Mga guro, mga mag-aaral, mga maintenance sa school at mga nagtitinda sa canteen.

Mabilis na nagpatawag ng emergency meeting para sa mga guro. At agad pina-dismiss ang mga estudyante. Grabe parang mga langgam ang mga bata sa dami nagkakagulo at gusto ng mga guro na makaalis na ang mga batang nag-iiyakan, takbuhan at ang nais ay makalabas na.Takot na takot sila lalo na ang mga may edad ng guro. Takot para sa buhay at sa buhay ng mga estudyante.

Naglabasan ang mga guro sa school premises at agad na sumaklolo ang mga pulis. Para tignan kung san may mga nakatanim na bomba.

Ginalugad nila ang buong paligid pero wala silang narinig o naramdaman na may bomba.

Nag-imbestiga pagkatapos nun at ang pinagalitan palang bata ni Maam ay muslim at yun tinakot nya ang guro nya dahil napahiya sa klase.

Naging trauma yun sa mga bata mula noon. Kada may marinig na tik natatakot na sila. Dahil alam naman natin na nauso sa bansa natin ang pagpapasabog ng mga bomba.

Na kick out ang bata sa ginawa nyang prank sa guro. Hindi biro ang buhay ng mga taong nasa loob ng school premises.

Lesson: Mag-ingat po tayo sa mga biro natin, lalo na pag tungkol sa buhay. Isa lang ang buhay natin na dapat ingatan.

Faith
Pampanga



📜Spookify
▪︎2020▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now